Chapter 3

23.2K 838 636
                                        

Lincoln Eunice Astoveza

Busy ako sa pag aayos ng aking gamit ng mapalundag ako sa gulat dahil biglang marahas na bumukas ang pinto ng bahay namin at iluwal nito ang nakangising si Julius.

"Dingdong?" pang aasar pa nito.

Agad na sumama ang timpla ng mukha ko kaya naman agad na binato ko siya ng matigas na bagay na nahawakan ko kaya agad na napatakbo siya para mailagan ang bagay na iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kaniya at pinagpatuloy ulit ang aking pag aayos.

"Talaga bang lilipat kana? Final na decision mo na yan?" animong nalulungkot pang sabi niya at naupo sa aking tabi  upang tumulong.

Tumulong manggulo kaya inis na dinukdok ko ang kamay niya kaya napanguso nalang si tanga.

"Oo."

"Bakit pa? Masaya naman dito kahit mag isa ka lang diba? Mas gusto mo yun, yung mag isa ka lang." rinig ko pang sabi niya.

Napatingin naman ako sa kaniya, nakita kong nililibot nito ng tingin ang aming bahay.

"Ito rin ang bahay ng mga magulang mo, dito ka lumaki, dito ka nagkaisip, dito ka nagdradrama, nandito ka hanggang sa mawala ang mga magulang mo na parang bula at sumama sa kani-kanilang bagong pamilya."

Inis na pinaghahampas ko siya ng bag dahil sa huling sinabi niya. Tanginang tao ito, kung tao nga ba. Tumawa lang ito ng malakas at mabilis na lumayo sa akin.

Alam niyang wala akong pake kahit ikwento niya ang mga magulang ko pero nakakainis parin talaga.

"Gusto akong makasana ni lola." walang ganang sabi ko dito.

"Diba, nakatira siya sa amo niya?" tanong pa nito.

Tumango lang ako kaya napatango tango rin siya. Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa matapos na ako sa pag aayos ng aking gamit.

"Ngayon na agad ang alis mo?" tanong pa nito ng makita niyang papasok ako ng banyo.

"Yeah."

"Ako na maghatid sayo ah?!" rinig ko pang sigaw niya sa labas.

Hindi na ako sumagot dahil tinatamad akong magsalita. Mabilis lang akong natapos maligo, napatampal nalang ako sa noo dahil wala pala akong dalang damit bukod sa towel.

Wala na akong nagawa kundi lumabas na towel lang ang nakabalot sa akin, ayoko naman utusan si tanga.

Agad naman na nanlaki ang mata ni tanga at mabilis na napatingin sa labas bago bumalik sa akin, ngunit mababakas mo na ang galit sa tingin nito kaya napataas ang kilay ko.

"Tangina ka! Bukas ang bintana, bukas ang pinto! May lalaki sa bahay mo! Tapos lalabas ka ng nakaganyan lang?!" bahagya pa akong nagulat ng galit pa itong sumigaw.

Inirapan ko lang ito at nagkibit balikat na nagtungo sa kwarto ko. Natawa nalang ako ng marinig ko ang malulutong na mura ni tanga sa labas at halos isumpa na ako.

Nang matapos na ako magbihis ay agad na lumabas na din ako ng kwarto, lihim nalang akong natawa ng makita kong ganon parin ang mukha ni tanga.

Nakangising lumapit ako sa kaniya at niyakap siya patagilid. Natawa nalang ako ng makita kong ngumuso si tanga.

"Sorry na." walang emosyon na sabi ko na syang nagpairap sa kaniya.

"Ewan ko sayo, tara na nga." aya pa nito at binuhat ang gamit ko upang dalhin iyon sa sasakyan niya.

Agad naman akong lumabas at napapabugtong hininga na tinitigan ang aming bahay bago ko ito ilock.

Paalam aking tahanan.

Can't Help Falling [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon