"Sige na kasiiiiiiii!!! Gala na tayooo!!! kahit saan mo pa gustong pumunta hindi na ako aangal, promise! Cross my heart, padlock susi!" hindi kona mabilang kung pang ilang beses na itong nangungulit sa akin.
"Tinatamad nga kasi ako ngayon, Zera! Ang kulit mo naman!" naiinis na bulalas ko dito.
Kanina pa niya ako ginugulo at pinipilit-ay hindi, kahapon pa pala pagkauwi niya palang galing University, inaya niya agad ako ng gala! nanggigil na ako sa kaniya mula kahapon pa sa totoo lang, ang sakit niya sa ulo.
Buti nalang at iisa lang ang ulo ko.
Naglilinis ako ngayon ng swimming pool dahil wala akong magawa pero ayoko talagang gumala ngayon dahil wala akong gana. Si Zera naman ay nasa bandang silong malapit lang sa puwesto ko.
"Hoyyyyyy!!! Sige na kas---gago ka!" naiinis na tinignan ako nito at bahagyang napalayo ng sabuyan ko siya ng tubig.
Inis na inikutan ko lang siya ng mata at muling ibinaling ang atensyon sa aking ginagawa. Naiiling nalang ako dahil patuloy ko paring naririnig ang pangungulit niya sa akin.
"Ano ba?! Kung gusto mong gumala, edi gumala ka, mag isa!" naiinis na bulyaw ko ulit sa kaniya.
Nginusuan naman ako nito at animong namromroblemang napakamot ng ulo niya. Ano ba kasing problema ng gagang ito?
"Gusto ko may kasama ee.." nakangusong sabi pa niya at nagpapaawa sa harap ko.
Inis na napasinghal naman ako at napatingin sa loob ng bahay.
"Gusto mo pala ng kasama ee... Ayon oh! Ayain mo si Ate!" nakangising itinuro ko si ate ng makita kong padaaan ito ngayon ng living room.
Napangisi pa ako ng malaki ng mapansin kong naka sports bra at naka cycling lang ito, mala model din ito kung maglakad habang nakatingin kay Zera na walang kamalay malay ngunit nakita ko na agad din siyang nag iwas ng tingin ng mapansin niya siguro na dahan dahang babaling ang tingin ni Zera sa kaniya.
Walang ganang binalingan lang ni Zera ang tinuro ko at agad na umasim ang mukha niya matapos makita si ate at walang pakeng nag iwas lang tingin.
Nagtatanong agad ang kaniyang tingin sa akin marahil ay nakita niya ang aking ngising nang aasar, now i know kung bakit naiinis si ate sa kaniya.
Wala siyang epekto kay Zera.
Goodgirl Zera, that's my girl!
"Enebe, lengkon!" bulyaw pa nito sa akin.
Inis naman na tinignan ko siya ngunit tinawanan lang niya, napangisi nalang ako at napatitig sa kaniya. Maganda din naman ang babaeng ito, manhid nga lang.
Straight din daw siya ee...
Yes to bebeboys lang daw siya.
Sa bebeboys lang daw bubukaka.
Kagagohan talaga ni Zera.
"Alam ko namang maganda ako Lengkon, pero please lang wag mo akong tignan ng ganyan!" animong naiinis pang bulalas niya at may hinagis sa puwesto ko na kung ano.
Gago?
"Anong ganyan?" natatawang tanong ko sa kaniya at nang aasar na mas tinitigan pa siya.
"Genyen--enebe kese!!!"
Natawa nalang ako ng malakas dahil sa kalandiang taglay niya ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita kong tumatakbo na ito papalapit sa akin at huli na ng malaman ko ang balak niyang gawin.
Dahil naitinulak na niya ako sa swimming pool.
"Zera!!!!!!!!!!"
**************
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling [UNEDITED]
Romance(II) (Unedited) Lincoln Eunice Astoveza lived a quiet life-books, classes, silence. She kept to herself, never stepping out of line, never drawing attention. Everything was calm... until one of their professors unexpectedly passed away, and someone...
![Can't Help Falling [UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/310448881-64-k95968.jpg)