Special Chapter III

25.2K 661 434
                                        

"My god, Juarez! Hanggang ngayon ay hindi ka parin pala matapos tapos diyan?! Kanina pa yan ah!"

My god ka din, Saavedra!

Mahina naman akong napasinghal at nakangusong nilingon ko agad ang mahal kong boss na asawa ng marinig ko ang galit na boses nito mula sa aking gilid. Napangiwi nalang ako ng makita kong mataray na nakapamewang na ito at sobrang sama na naman ng tingin sa akin.

"M-Malapit na ito love, tapos magbabanlaw nalang ako next.."kunyari ko pa itong matamis na ngitinian pero sa loob loob ko ay gusto ko nalang talaga siyang saksakin sa tagiliran.

Bakit?

Puwet mong may rocket.

Paano ba naman kasi! Sino bang matutuwa kung pinapahirapan niya ako ngayon sa aking paglalaba kahit may katulong naman kami para gawin ang bagay na ito. Hindi ko alam kung anong klaseng parusa ang trip niya sa akin ngayon dahil nakakaletche na talaga siya.

Pinaglalaba niya ako ng Iba't Ibang klase ng damit ngayon na labahan na pero dapat kusot lang daw lahat ang gagawin ko, ayaw niya kasi akong pagamitin ng washing or kahit man lang tabla para mas maging maayos ang aking paglalaba. Nakakagigil na talaga.

Kasalanan talaga itong lahat ng dalawang anak namin ee! Naparusahan tuloy ako ng mommy nila ng hindi ko man lang alam kung karapatdapat ba talaga ako sa parusang ito. Malay ko ba naman kasi na naliligo na pala sa ulan yung dalawang batang makulit kanina sa labas ng bahay ng hindi ko man lang namamalayan.

Ang ganda ganda na ng pinapanood ko kanina na movie sa tv, nasa exciting part na nga ako ng biglang nalang na sumampal sa magkabilang pisnge ko tapos galit na galit na binulyawan pa ako kesyo daw yung mga anak namin ay binabayaan ko na dahil lang sa walang kwentang pinanood ko. Alam ko naman na ako talaga yung bantay nung dalawang batang makulit pero kasi naman! malay ko ba naman na lalabas na pala yung dalawa diba? So, wala talaga akong kasalanan! Inocint ako.

"Bilisan mo na diyan, ito pa ang lalabhan mo." mataray na sabi pa niya at may inilapag sa harapanan ko na isang basket ngunit punong puno naman iyon ng mga labahan.

Hindi makapaniwalang tinignan ko naman ito ngunit mataray parin na nakatingin lang ito sa akin. Nanggigil naman na napatayo ako at nakapamewang din na hinarap siya.

"Hindi na talaga ito patas Veronica! Sobra kana---" napangiwing napahinto nalang ako sa aking balak na sasabihin ng samaan na naman ako nito ng tingin.

"Nagrereklamo ka na naman ba?! Baka gusto mong sakalin kita ngayon, Eunice?!" sigaw pa nito sa akin.

Inis na napanguso nalang ako sa kaniya ngunit inis na inirapan lang ako nito bago ako talikuran. Napataas naman agad ang dalawang kilay ko ng makita ko ang paggalaw ng balikat niya senyales na tumatawa ang mahal kong asawa. Aha! Pinagtatawanan mo ako ah? Lagot ka sakin Letche ka!

Napansin ko naman na hahakbang na sana ito palakad paalis ngunit agad napangisi nalang ako at mabilis na hinila siya paharap ulit mula sa akin. Gulat naman na nanlalalaking matang napasinghap ito kaya mahina pa akong natawa bago ko siya itulak paupo sa may planggana na tubig palang ang laman.

"Oh, my god! Eunice!!!!!" gigil na sigaw pa nito sa akin ngunit nang aasar na tinawanan ko lang siya.

Akmang tatayo na sa mula sa pagkakaupo sa may planggana ngunit natawa nalang ako ng malakas dahil hindi na niya maiangat pa ang katawan niya. Galit na sinamaan pa ako nito ng tingin, tatawanan ko sana ulit siya ngunit napadaing nalang ako ng gigil na sipain pa ako nito ng ilang beses sa aking pagitan ng hita.

Buwist.

"Juarez!! Itayo mo ako dito!" sisipain sana ulit ako nito ngunit mabilis na nahuli ko agad ang paa niya. Gulat naman na nanlaki ulit ang mga mata ito.

Can't Help Falling [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon