Irah's POV
Ang lakas ng pintig ng puso ko, halos di na ako makahinga sa sobrang lakas ng pintig nito at unti-unti na rin akong nawawalan ng lakas. Di ko alam kung tama ba itong ginagawa ko basta ang mahalaga ay mahahalikan ko na rin siya. Ang lapit ng mga mukha namin, ramdam ko na ang mainit at mabangong hininga niya. Nacoconscious nga ako eh, di nga ako halos makahinga kase baka mabaho hininga ko.
"Irahtot?" biglang tawag niya sa'kin habang nanatili pa ring ganoon ang posisyon namin. Di na nga ako halos huminga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ramdam ko na ang init sa aking mukha tila umakyat lahat ang dugo ko dahil sa ginagawa niya.
"h-hmm?" utal kong sagot sa kanya. Nanalangin na sana hindi niya napansin iyon.
"Dumilat ka muna"
kahit na naguluhan ay sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Then the next thing I knew...
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Agad naman akong napabangon, then I realized na panaginip lang pala ang lahat. Pero bakit parang totoo? Napangiti ako ng sobrang laki nang maalala ko yung napanaginipan ko. Sayang mahalikan ko na sana siya, dahil sa naisip kong 'yon ay may bigla na naman akong naalala, ang malaking ngiti ko ay agad naglaho. Bigla akong nanlamig at ang lakas ng kabog ng puso ko, kinikilabutan talaga ako sa tuwing naaalala ko yung mukha ni jhontot. Sobrang putla niya at saka wala pa siyang mata at puro dugo yung mukha niya, at hindi lang yun, nakangiti pa talaga siya sa akin.
Agad naman akong bumalik sa sarili nang marinig kong may kumatok.
"Violet! Naknak, ok ka lang? Ba't bigla kang sumigaw diyan?" si mama lang pala. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ok lang po ako ma, nanaginip lang po" Sigaw kong sagot pabalik kay mama, kailangan eh nasa labas siya at kailangan lakasan para marinig niya.
"Oh sya, baba ka na dito, breakfast is ready!"
Tumayo ako at tinungo ang pintuan at binuksan ito. Nakita ko naman agad si mama.
"Goodmorning ma" sabay halik sa kanyang pisngi.
"Nako ang sweet talaga ng baby ko, kaya love na love ka ni mama eh! sige na, ayusin mo na sarili mo diyan at saka nga pala bilisan mo dahil may bisita ka"
"Bisita? Sino po daw?"
"Mga ka bandmates mo ata yun, sina ange at lea"
"Ah ok, please tell them ma na mag antay nalang muna sila, bababa rin ako"
Tumango na lamang si mama at bumaba na. Agad naman akong pumasok sa banyo at ginawa ang dapat na gawin. Tumingin ako sa salamin, naalala ko na naman yung napanaginipan ko. Ba't kaya naging ganun? Di kaya multo talaga si john o kaya naman may lahi siyang mangkukulam?!
'Gaga! Panaginip lang yun, kung anu-ano pinag-iisip mo diyan'
Agad naman akong napailing sa mga naiisip ko at sinampal ang aking sarili pero mahina lang. Napabuntong hininga na lang ako at nagpasiya ng lumabas.
Pababa na ako ngayon nang makita ko na ang mga ka bandmates ko na busy sa pagkain.
"Hi guys, goodmorning!" Bati ko sa kanila nang makarating ako sa sala namin.
"Hi Violet, goodmorning" sagot naman ni ate lea. Habang umiinom ng gatas.
"Naparito kayo?"
"May practice daw tayo mamaya saka may mahalaga na rin daw tayong pag-uusapan" sagot naman ni ange habang kumukuha ng hotdog.
"ah ganon ba, what time?"
BINABASA MO ANG
When Mr.Guitarist Meet Ms.Vocalist
Teen FictionIrah Violet Lee. Isang makulit, daldalera, maingay at isang napakasweet na babae lalo na kapag pamilya niya na ang kasama. Taglay niya ang isang napakagandang boses kaya siya ay kasali sa isang banda which is the "Psalmist Flock Band". Siya ay isan...