CHAPTER 7 : Awake

23 0 0
                                    

Napasalampak nalamang ako sa sahig ng may sumuntok sakin paglabas na paglabas ng kwarto ni unice "sino ka para payagan ni Evan na pumasok at kausapin si nick?!" Galit na sigaw ng lalaking maputi na tinatawag nilang Matthew

"Matthew ano ba?! Nasa hospital tayo jusko naman" sigaw nung Rachel na napapahilamos pa sa mukha "morgan, iuwi nyo muna si matt para makapagpahinga pagod lang yan" utos ng matangkad na babaeng nakasalamin

"Hindi sa kinakampihan kita pero naintindihan ko kung bakit galit at nagawa kang sapakin ni Matthew" iniwan nya ako at pumasok sa loob ng kwarto ni unice matapos sabihin yun, ganon din Naman ang ginawa ng iba na umirap pa bago makapagpas sakin

"Ayos kalang pre?" Nagaalalang tanong ni francis, ngumiti ako saka naglakad papalabas

Nick POV

"Tumawag kayo ng nurse, ng doctor!!" Sigaw ni rachel, may mga lumabas may para tumawag nga ng doctor at ang iba Naman ay nagsipag siksikan sakin

Sa lahat ng pwede kong makita bakit sya pa? Bakit si Evan pa?

Sumama ang mukha ko, tinignan ko si Lisa na nakatingin din sakin at mukhang nagaabang ng reaksyon ko "anong ginagawa nya dito?" Tumayo ako na syang ikinasigaw nila, tinagal ko din ang dekstros na nakatarak sa kamay ko

"Nick ano ba?! Hindi kapa okay!" Sigaw ni Glenn "okay nako" sabi ko hang kumukuha ng damit para makapagpalit, hinawakan nya ako sa kamay, mabilis kong tinangal yon saka dumiretso sa CR

"Makinig ka Naman sakin oh, ikaw ang mahal ko nick Yung meron samin ni Sarah noon! Dala lang yon ng sakit na nangyari sakin" nadidinig ko ng gasgas ang boses nya lahat sila ay nasa kwarto pero parang si Evan nalang ang naririnig ko

"Mahal moko? Mahal moko Evan" tumango sya, umaagos na Ang mga luha ko "lintik! Na pagmamahal yan! Yang pagmamahal na yan nakakasakit na" hagulgol ko, para nakong tanga sa sobrang dami ng luha ko "mas pinili mong masaktan ako maprotektahan molang yang Sarah mo! You chose Sarah over me!" Umiiyak na reklamo ko

Para akong batang nagrereklamo dahil ang kapatid ko lang ang nabilhan ng laruan at ako ay hindi

"S-sorry" umiiyak ding saad nya, natawa ako ng mapait "sorry? Mababalik ba ng sorry mo yung sakit na ibibigay mo? NO! So please leave me alone" sabi kopa saka dumiretso papasok ng CR

Bailey POV

Naaawa ako kay evan pero mas naaawa ako sa kaybigan kong hagulgol lang ng hagulgol habang nagusaap sila kanina.  lumapit si Russel at Glenn  para kumbinsihin na lumabas muna si Evan at hayaang makapag pahinga si nick

Nung una ay ayaw nya pang pumayag pero mukhang nakumbinsi din sya sa huli ni Russel "nick, lumabas kana diyan Wala na sya" sabi ko nang lumapit na sa pinto ng banyo, marahan itong bumukas saka sya sumilip

Tinitignan kung nandiyan pa nga ba si evan, nang masigurong wala nga ay malalaim syang bumuntong hininga saka lumabas "ayos kalang?" Agad na tanong ni rachel matapos lumapit saamin para tulungan nadin akong alalayan si nick pabalik  sa higaan nya

"Nasan si Arvin? Nagugutom ako" tanong nito, marahan nya pang inilibot ang mata nya sa loob ng kwarto "nasa labas" sagot ni Lisa habang binubuksan ang pinto para sa doctor na parating

"Kamusta na sya doc?" Tanong ko, "kaano ano po ba kayo ng pasyente?" Tanong pa neto, sasagot palamang ako nang unahan ako ni rachel "mga kaybigan kami, alangan Naman nanay nya kami diba? O kaya asawa?" Mataray na saad nito na agad na siniko ko

Endless Love (On Going)Where stories live. Discover now