Sarah POV
"DNA TEST?! tangina Sarah sasabit tayo diyan" kamot ulong sabi ni tyrone, napatakip pa sya ng bibig nang maalalang nasa likod nga pala kami ng mansyon ng mga bugok na to at hindi pa nila alam na Ang lalaking nasa basement nila ay ang carpintero sa labas
"Anong gagawin natin? Eh si nick na mismo ang nagsabi?!" Natataranta nading sabi ko "tangina Naman oh, matinik din ang babaeng yan baka akala mo. kaya mas mabuti pang umalis na muna kayo diyan ng anak natin" panay ang lingon namin habang naguusap. Saglit akong natahimik habang kinakagat ang kuko. Ilang sandali pa bago ako tumango at nagmadali para pumasok at mag-impake sa loob
"O sige magiingat ka" pabulong na paalala ko bago ako maglakad papunta sa kisina at kumuha ng isang basong juice "anong ginagawa mo dito?" Taas noo at may paghihinalang tanong ni trisha, iniangat ko ang isang basong juice saka ngumiti at nilagpadan sya "wag ka lang magpahuli sakin" sabi nya pa. Hindi ko yun pinansin at nilagpasan nalangMuntik na!
Saka palang ako nakahinga ng maayos ng nasa pinto nako ng kwarto ni karen
Lisa POV
"Mukhang hindi nya din napapansin yung mga CCTV camera natin dito sa mansyon" sabi ko habang tutok ang mata sa monitor "malamang ang laki-laki neto eh, sino ba naman magaakala na may CCTV pa dito" sagot ni bailey. Inabot ko lang Naman ang pamaypay saka sya bibigyan ng isang malakas na palatok sa ulo "peste ka" sabi kopa saka sya inirapan
"Tawagan mo si glenn sabihin mo sakanyang wag nyang papaiyakin yung bata" nagaalalang tanong ko. Mapatol kasi sa bata ang isang yon kaya naman inutusan kona si Morgan para kung sakali
"Eto lang yung nakita kong sample sa bata, eto naman yung kay evan" abot sakin ni Russel ng mga nakuha nyang tooth brush, suklay at kung ano ano pa "rachel, ikaw na magdala nyan sa hospital para ipatest" umalis naman agad sila habang ako ay ibinalik ang tingin sa monitor
Mukhang nagiimpake na sya ng mga gamit nya. Wala talagang CCTV Yung mga kwarto syempre privacy nadin pero dahil bisita sya at higit sa lahat ex sya ni evan malamang na pinalagyan sya ng CCTV ng Hindi nya alam
—WAAHHHH!!
Natataranta kaming lumabas sa kwarto habang ako naman ay magkanda patid sa swivel chair na tumama ng tumama sa tuhod ko, sa inis ay sinipa ko nalang ito para mawala ang sagabal sa dadaanan ko
"Anong nangyari peste ka!"
"Ano na brad anyare sayo?!"
"Kingina naman"
"Ano bang nangyayari?" Nag-aalala at siryosong tanong ko " kasi sabi sakin ni triha Hindi nya na ko mahal, ang pangit at ang baho ko daw!" Mahigpit kong isinara ang bibig habang nakapamaywang
"Tangina, lakas mo men"
"What the fuck dude?! seriously?!"
Hindi nako nagsalita at pinupok ko sakanya ang baril, saka ako bumalik papasok sa loob, mabuti nalang at wala dito si glenn kung hindi ay nailabas na nya ang bata ng Hindi oras
Glenn POV
Aba maldita ang lintik, may pinagmanahan
"Hoy bata anak kaba talaga ni Evan? bakit ganon ang gwapo ng tatay mo pero ang pangit mo?" Umirap sya sakin kaya medyo nanlaki ang mata ko "dukutin ko yang mata mo e" pabulong na sabi ko "ikaw nga din ate eh maganda Yung mga kasama nyo pero ikaw lang yung nagiisang pangit" tumawa pa sya pagkatapos sabihin yon
Pag hindi ako nakapagtimpi, ihahagis koto sa bintana
"Manahimik kana nga, bungi" sabi ko pa saka tumalikod sakanya para mag cellphone tutal ay naglalaro Naman sya. Nangati ang ulo ko dahil sa buhok na nabunot, siguro ay nasabit lang sa pako o kung saan kaya hindi ko to binigyang pansin
"Aray! Peste" Nakita ko si Karen na binubunot na ang buhok ko Isa Isa kaya naiinis ko syang tinignan at pinanlakihan ng mata, pinatay ko ang ilaw at sinarado ang kurtina na nagbibigay liwanag sa buong Bahay "bahala ka diyan may mumu" pananakot ko pa
Nagsimula nakong makadinig ng singkot at ilang sandali pa bago umalingaw ngaw ang boses ng batang umiiyak "MaHhhh!!!" Sigaw nya, nagmamadali kong binuksan ang ilaw pati na ang kurtina "isusumbong kita sa mama ko" sabi nya pa sakin bahang pinupunasan ang luha at sipon na naghalo na sa mukha nya
As if naman takot ako sa nanay mo
"Shhh sorry na, ikaw kase makulit ka" pang aalo ko, ni' hindi kona alam kung anong gagawin at sasabihin ko mabuti nalang at dumating Morgan na may dalang pagkain at laruan "anong nangyari sa bata? Bakit umiiyak?" Hindi pako nakakapagsalita ng ituro ako ng batang chanak "inaway nya po ako,sabi nya daw po may mumu" maarteng sumbong pa nito
Kuhang kuha ang ugali ng Ina tsk
"Bat mo naman tinakot Yung bata?" Galit na sabi sigaw pa sakin netong kumag na to
'abat parang ako pa ang mali ah'
YOU ARE READING
Endless Love (On Going)
RomancePoison? bagong grupo ng mga karakter ang papasok sa istorya sino kaya ito? aamin kaya ang lalaki na kabilang nahuli para sabihin ang kanyang nalalaman Makakayanan kayang lagpasan ni Nick ang mga bagong pagsubok na harapin nya o nila BOOK #1 THE NERD...