JASON'S POV
NAPABANGON ako habang habol ang aking hininga. Ikinulong ko ang mga palad ko sa buong mukha ko. Shit! F*ck nightmare.Nilibot ko ang tingin ko sa paligid...wait! Nasaan ako? Hindi ito yung kwarto ko sa Penthouse ni Ferriah. At sobrang dilim! Nilibot ko uli ang tingin ko sa kabuonan ng kwarto.
Tama! Wala ako sa penthouse ni Ferriah..dahil nandito ako sa..
Kwarto ni Zeph!!
Anong ginagawa ko dito! Paano ako napunta dito!
Tiningnan ko ang orasan... it's already three in a morning...ang una kong natatandaan ay naguusap kami ni Ferriah sa kusina...at pagkatapos non wala na akong maalala.
Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Dahan dahan lang ang pagbukas,naririnig ko ang langitngit ng pinto. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa pinto.Maya-maya ay biglang huminto ito, hindi masyadong nabuksan ang pinto, wala akong nakikita kundi kadiliman. Napaigtad ako nang may biglang sumigaw. Hinanap ko sa paligid kung saan nanggaling ang sigaw. Nagulat ako ng may kung anong nilalang na nakita ko. Teka totoo ba tong nakikita ko?
Isang...babaeng nakaupo sa study table ni Zeph...nakatalikod siya sa akin. Imposibleng si Zeph to , kahit likod lang niya ang nakikita ko ay alam kong hindi si Zeph to. Mahaba ang kaniyang buhok...mahaba rin naman ang buhok ni Zeph pero hindi ganito ang itsura ng buhok niya..ang hugis ng buhok niya ay iba.
Tumayo ako at dahang dahang lumapit sa babaeng mahaba ang buhok.
"S-sino ka?" Nauutal kong tanong.
Wala siyang imik. I swallowed hard. Humakbang ako ng dahan dahan papunta sa kaniya.
"Z-zeph I-ikaw ba yan?"
Hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan niya ay wala pa rin siyang imik. Inangat ko ang kamay ko upang tapikin siya sa balikat pero napaatras ako ng bigla siyang tumayo.
Para na akong mamamatay sa kaba."M-miss?"
Kagaya ng kanina ay wala pa rin siyang imik. Maya-maya ay biglang pumaling ang ulo niya sa kung saan,kung kanina ay nakatingin siya ng deretso ngayon ay parang nakatingin siya sa..
Wait! She's looking in the mirror na nasa gilid ng study table ni Zeph. Lilingunin ko ba! Shit! Hindi ko alam pero sinundan ko kung saan siya sa nakatingin. Marahan akong tumingin sa sa salamin. Napakurap ako.
Wala siyang reflection!
Nanlaki ang mga mata ko at bumaling muli sa babae pero nagulat ako ng wala na siya roon. Nasaan siya?Isa ba siyang kaluluwa?
Nang bumaling ako sa kaliwa ay nagulat at napaatras ako.Bumungad sa akin ang isang buradong mukha. Walang mata,bibig at ilong. Doon ko lang napagtanto na eto yung babaemg nakaupo roon sa study table.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito,mamamatay kana!" Ang kaniyang tinig ay Zeph na Zeph pero etong babaeng kaharap ko ay walang mukha. Ang kaniyang sigaw ay nag-echo sa buong silid. Pagkasabi niya non ay nilagpasan niya ako at pagtakbong lumabas ng silid.
"Wait!" I shouted and hinabol ko siya. Paglabas ko ng silid ay napaubo ako dahil puno ng hamog sa labas tapos sobrang dilim pa. Shit! Hindi ko na siya nakita! Sino ba siya? Ano ba siya?
Maya-maya ay may narinig akong tumatawa, tinig ng babae...sa bandang...shit! Nasa likod ko siya? Pero paano sa may bandang kanan siya tumakbo. Alam ko na! Bahay namin ito nasa may bandang kanan ang kwarto namin ni Charles,sa kaliwa naman ay kwarto ni Sean at Stacey. Kumbaga lima ang kwarto dito sa second floor,nasa gitna ang kwarto ni Zeph. Sa kanan ng kwarto ko ay hagdan na yun pababa. Alam kong tumakbo yung babae pakanan...pero bakit siya nasa likod ko.
YOU ARE READING
The Curse Of The Black Diamond ( Diamond Series #1)
Mystery / ThrillerJason Max Taylor, panganay na anak ng isang Demon Hunter at ispiritista na si Dreco Taylor and April Taylor, panganay siya sa magkakapatid. The Taylor siblings una palang alam na nila na hindi sila isang ordinaryong tao.They are currently living qui...