Prologue

22 1 0
                                    

"Hoy madaya!" reklamo ni Charles.Natalo nanaman kasi siya ni Jason sa Golf.

"Anong madaya!sadyang magaling lang talaga ako."

"Yabang."

Lagi na lang kasi niyang sinasabihang madaya si Jason kahit na magaling naman talaga si Jason sa Golf.

"Oh sya sya magpapatalo ako nakakaawa ka naman." sabi niya na may kasamang tawa.

Natigilan siya at napahinto sa pagtawa nang makita si Charles na nakatitig sa malayo.

"Kuya nakikita mo ba yon?" May tinuro siya sa malayo

"Huh?" Sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin si Charles.Nakatingin ito sa puno sa may labas ng bahay nila napapalibutan ng mga halaman.Sa likod ng bahay kasi sila lagi nag gogolf ni Charles.

"M-may batang duguan."

Kinilabutan siya sa sinabi ng kapatid.Matagal na kasi niyang napapansin na minsan ganito ang inaakto ni Charles.Lagi niya na lang sinasabi na nagbibiro lang ito,mahilig kasi sa biro itong si Charles.

Hindi lang si Charles ang nakakaranas nito kundi ang isa pa niyang kapatid na si Zeph.May nakikita rin siya na hindi nakikita ng ibang tao.Isa lang ang pumapasok sa isip niya.

Pilit na ngumiti si Jason."Gutom lang yan,halikana sa loob naghanda na ng meryenda si Yaya."

Matagal na niyang hinala na may third eye ang dalawa.Pag sa tuwing tinatanong ni Jason kung may third eye ba ang dalawa sa mga magulang nila ay iniiwasan lang nila ang tanong na iyon.Kailangan niyang makasigurado.

Pagpasok nila sa kusina ay naabutan nilang kumakain ang tatlo pa niyang kapatid.

"Nasaan si Mom and Dad?" bungad na tanong ni jason sabay umupo sa tabi ni Zeph.

"Umalis kuya kani kanina lang, matagal pa raw bago sila makabalik." ani Sean sabay kagat ng sandwich

Matagal na nila napapansin na madalas wala ang mga magulang nila.Hindi naman sa kompanya sila nagtutungo,may iba pa kayang pinagkakaabalahan ang mga magulang nila?

"stacey mamaya na ang laro,diba sabi ni mommy ay bawal ang mag-gadget habang nasa hapag kainan?"pangaral ni Charles kay Stacey.

"Sorry po kuya." sabay tago ni Stacey ng tablet.

"Kuya may napapansin ka bang bata sa tabi natin na puro dugo?"tanong ni Zeph kay Charles.

Muntik nang mabilaukan si Sean sa sinabi ni Zeph.

Napakurap si Charles"Nakikita mo din?"

"Kakanood nyo yan ng horror movies,tumigil nga kayo!" sabay takip ni Sean sa tenga niya.

"Totoo nga,kahapon ko pa napapansin yung bata diyan."

"Hindi kaya may third eye po si kuya charles at ate Zeph?" tanong ni Stacey.

"Kung Meron,bakit tayo wala?" si sean iyon.

"Huwag mo ng pangarapin mahirap makakita nang hindi dapat makita."

"Tinanong ko si Mommy and Daddy about diyan matagal ko nang napapansin yan sa inyong dalawa,pero hindi man lang nila ako magawang sagutin."

"Lahat ng tao may third eye." Napalingon sila sa yaya nila."Yung iba nga lang ay nakasara at ang iba ay nakabukas.Pwede iyon mabukas."

"Paano po?"

"Yung iba namamana,yung iba nabubuksan pagkatapos ng aksidente.Posibleng namana niyo yun." Natigilan saglit ang yaya nila."Posible pong mga kaluluwa or demons ang mga nakikita nyo Ma'am Zeph at Sir Charles."

The Curse Of The Black Diamond ( Diamond Series #1)Where stories live. Discover now