C1-WTFOMB

30 5 0
                                    

“Ate pabili nga po ng isang hotdog at egg,” sabi ko sa tindera. Agad nya namang kinuha ang binili ko at nilagay sa isang plastic.

“katorse lahat,” ani ng tindera at inabot sakin ang plastic. Binigay ko naman ang bayad kong bente pesos at nag antay ng sukli, pag kaabot nya ay umalis na ako para umuwi ng bahay.

Binuksan ko ang pinto ng apartment ko, sinalubong ako ng madilim at tahimik ng tinitirhan ko. Kailan kaya ako makakaalis sa buhay na ganito? Palagi na lang ba akong mahirap? Bakit ba kasi iniwan nyo ako agad? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nag simulang kumilos.

Nag palit muna ako ng damit at tyaka nagluto ng hotdog at itlog. Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Dumiretso ako saking higaan at binuksan ang electric fan tyaka humiga doon sa kama na kasama na doon sa apartment.

Nag simula nang pumasok ang mga kung ano anong bagay saking isipin ng mkahiga ako. Paano kung mayaman ako malulungkot pa din ba ako? Kung nandito ba ang mga magulang ko mararanasan ko pa ba ‘to? Makakapag tapos ba ako ng pag aaral kung nandito sila? Tumagilid ako at pinunasan ang luha ko.

“Tama na yang pag ooverthink mo Kayesha may pasok kapa bukas ng umaga. Mag focus na lang tayo sa trabaho huwag na nating isipin yon. Hindi na natin mababago yon,” ani ko sa sarili ko at tinapik tapik ang dibdib o. “Kaya mo ‘to!”

Kinabukasan ay ala siete pa lang ay gising na agad ako. Nag painit muna ako ng tubig at kinuha ang isang balot ng buns na binili ko noong isang araw at syang ginawang umagahan. Pag tapos ko ay naligo na ako dahil alas otso ay dapat nandun na sa hardin na pinapasukan ko kapag huwebes hanggang sabado. Kapag lunes naman hanggang miyerkules ay sa bar, alas otso ng gabi hanggang alas dos ng madaling araw ang pasok ko doon.

Inilock kona ang apartment ko at sumakay ng tricyle papunta sa hardin ng mga Cruz. May kalayuan iyon saking tinitirhan, babyahe kapa ng 15minutes bago ka makarating doon. Inabot ko ang bayad ko kay manong at agad din naman syang umalis.

“Magandang umaga kuya!” bati ko sa guard.

“Gandang umaga maam pasok na po kayo,” ngumiti ako kay kuya at nag lakad na papasok. Puno ng halaman ang bawat gilid at sa gitna noon ay ang mga bato na daanan. Pumitas ako ng isang bulaklak ng yellow bell at inilagay iyon saking tainga. Napangiti ako ng makita ang sarili ko sa isang salamin.

“Kaye tara na dito!” agad kong nilingon si Ate Delia at tumakbo papalapit sakanya.

“Gandang umaga ate Delia, ano pong gagawin natin ngayon?” tanong ko kay Ate Delia.

“Mag tatanggal tayo ng damo ngayon tapos tataniman bukas. Papasok kaba bukas?” umiling ako kay Ate Delia at kinuha ang isang pang tabas ng damo.

“Bakit naman? Sayang naman iyon isang araw din yon,” ani nya.

“Mag lalaba po ako ng mga damit ko ate puno na kasi ang basket na lalagyanan ko.” Sagot ko kay Ate Delia at nag suot ng gloves.

“Ganun ba? Tara na doon nandun na ang iba nating kasama, mamaya daw hapon ay dadaan dito sila Maam at Ser ibibigay ang sahod natin.” Ilang araw ba ang ipanasok ko dito? Binilang ko ang araw na ipinasok ko saking daliri. Anim na araw bali 1800, yes!

Nang makarating kami doon sa dulong bahagi ay nandun na nga iba naming kasama at madami na din silang natatanggal na damo. Lumayo ako sakanila habang si Ate Delia naman ay naki halo doon. Nag umpisa ako sa pag ungkat ng lupa at tinanggal ang mga damo doon. Pana’y ang kwentuhan nila doon habang ang iba ay tahimik lang din sa sarili nilang puwesto.

“Hello matagal kana bang nag tatrabaho dito?” agad kong nilingon ang babaeng tumabi sakin. Morena at mayroon syang mahabang kulay itim na buhok.

“Isang buwan pa lang ikaw?” tanong ko sakanya.

Where's the Father of My Babies (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon