C2-WTFOMB

14 5 0
                                    

Ala siete pa lang ng gabi naka ayos na ako para sa trabaho ko sa bar. Nag lagay lang ako ng kaunting kolorete sa mukha para hindi maputla tignan. Tinignan ko ang suot kong uniporme sa bar, may kaiksian ang palda nito at medyo mababa naman ang sa may dibdib nag suot ako ng tube at isang cycling pangloob. Nang masigurado kong ayos na ay lumabas na ako at pumara ng tricycle para mag pahatid sa bar.

“Girls galingan nyo mamaya madami tayong mga customer at puro bigatin ang mga iyon. Wala sanang mag kamali sainyo o kahit gumawa ng kahit anong eksena.” Ani ni Mama Ricky ang bakla naming Manager. Pagod na pagod nanaman ako nito mamaya.

“Kapag may gwapo talaga hindi na ako mag dadalawang isip na umupo sa table nila.” Ani ni Marjorie at humagikhik. Napa iling naman ako dahil doon. Pag gwapo g agad?

“Ako din,” dagdag pa ni Mj at tumawa. Pulang pula ang lipstick nila at matitingkad din ang mga make up na gamit nila.

Pag dating ng alas otso ay nasa kanya-kanya na kaming puwesto. Nag sisimula na ding mapuno ang loob ng bar. Nasa gilid kami ng mga kasamahan ko din nakukuha ng order ng customer. Ang iba ay nasa loob pa. Pag dating ng alas nuebe ay punong puno na ang bar hindi kami mag kanda ugaga kung ano ang uunahin naming order dahil sa dami.

“Miss 1bottle of whisky and 3packs of cigars.” Agad akong tumango at inilista iyon.

“What brand of cigar po? We have marlboro, winston, newport and camel,” ani ko at nginitian si Sir.

Kinagat nya naman ang ibaba nyang labi at sumagot. “Pwede bang ikaw na lang ang mamili? I don’t know much about the brand of cigar, I just want to try it.” Agad namang kumunot ang noo ko dahil doon. Wag mong subukan masisira ang buhay mo gusto ko sanang isagot iyon ngunit nakakahiya.

“Marlborro po ang pinaka sikat sir iyon ang laging order nila.” Tumango naman sya. “Yun lang po ba?” tumango ulit sya. Agad akong tumalikod at kinuha ang isang bote ng whisky at isang pack ng marlboro at agad na bumalik doon.

“Here’s your order sir,” agad syang nag angat ng tingin sakin. Nag tama ang paningin naming dalawa at agad din akong umiwas ramdam ko ang titig nya sakin habang inilalapag ko ang order nya sakanyang lamesa. “You can call me again po for the bill. Enjoy!” ani ko at mabilis syang tinalikuran.

“Miss paorder ako!” agad kong nilingon iyon at nilapitan. Padami ng padami ang tao at kulang kami sa man power kaya pinalipit ako ni Mama Ricky sa pag seserve habang ang iba naman ay ang kukuha ng order. Sunod-sunod ang order kaya sunod-sunod din ang aking pag seserve ng iba’t ibang klase ng alak at mga pulutan nila.

Pag dating ng hating gabi ay mas lalong umingay ang club puro usok din ang club mula sa sigarilyo at vape. Nag kalat din ang mga gamit ng ibang customer dahil sa kalasingan. Napalingon ako sa gawi ng lalaki kanina, may mga kasama na sya at lima na silang nakaupo doon at mukhang may seryosong pinag uusapan. Napuno na ang dance floor ng bar at umingay narin lalo nakita ko si Marjorie at Mj na nakikipag halikan doon sa dulong bahagi ng bar. Parehas silang naka upo sa kandungan ng mga customer habang nag hahalikan. Agad akong nag iwas ng tingin sakanila ng maramdaman ang pag kaduwal dahil doon.

Halos tatlong buwan pa lang ako dito at hindi ko parin magawang masanay sa bagay na malalaswa. Nag serve pa ako ng limang order at pang huli doon sa grupo ng lalaki kanina.

“Hello miss pwede ka bang itable?” mabilis akong umiling.

“Kung gusto nyo po meron pa pong girls na bakante pwede ko po silang ipakilala sainyo.” Sagot ko at pilit na ngumiti.

“No I don’t want them I wan—” bago pa nya matapos ang sinasabi nya ay may sumuntok na agad sa tyan nya. Imbes na masaktan sya ay tumawa pa ito. Hindi ba sya nasaktan? Sinuntok sya nung lalaking una kong sinervan dito nung wala pa sila.

“Stop it don’t try to push it Erik.” Malamig na ani nito sa lalaki.

“Whoa chill ka lang Wayne masyado ka namang hot. Natatakot mo si ate.” Agad na lumingon sakin si Wayne. Tumayo ito at iniwan sila. Tinignan ko sila at tumango lang sila sakin kaya umalis na ako doon at bumalik sa bar counter at umupo doon.

“Kaye may nag bigay sayo ng isang shot ng jack daniel,” ani ni Jester at inabot sakin ang isang shot ng jack daniel.

Kumunot ang noo ko at nilingon sya. “Sino naman?” naguguluhan kong tanong sakanya.

“Ayaw mag pakilala eh, isang shot lang naman malapit na din mag close yung club shot muna.” Ani nya. Nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang shot o hindi. Natatakot ako na baka hindi na ako makauwi dahil nalasing ako. Pero isang shot lang naman diba? Hindi naman ako malalasing ng isang shot lang. Kinuha ko iyon at mabilis na tinugga. Agad akong inabutan ni Jester at tubig ininom ko iyon para mawala ang pait ng alak saking lalamunan.

After 5minutes nakaramdam ako ng hilo pero bakit? Dahil saan sa alak? Isang shot lang yun ah! Dahan-dahan akong umalis saking inuupuan at nag lakad papunta sa cr. Nag didilim ang paningin ko kaya patigil tigil ako sa pag lalakad. Bago pa ako makarating sa cr ay nawalan na ako ng malay.

Nagising na lang ako ng maramdaman ang init ng aking katawan. Madilim ang paligid ko ugong lang ng aircon ang dinig ko unti-unti kong binuksan ang aking uniporme para maibsan ang init na aking nararamdaman.

“Baby can’t you wait me are you that excited?” naramdaman ko ang pag gapang ng dalawang mainit na palad saking katawan at marahan akong hinila patayo.

“S-sino ka?” natatakot na tanong ko at sinubukang tanggalin ang kamay nya saking bewang. Bumalik nanaman ang hilo ko at kaya tumigil ako sa pag pupumiglas at minasahe ang ulo ko.

“Its me baby don’t you remember me?” ani nya at nag simulang halikan ang leeg ko.

“Wag p-po,” ani ko at pilit na tinutulak ang katawan nya para tumigil sya ngunit nag patuloy padin sya at mas hinigpitan ang pag kakayapos sakin. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil doon. Ang huling kona lamang na natandaan ay ang halik nya at ang pag gapang ng kamay nya paakyat saking dibdib bago nawalan ng malay.

Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko at ang pagitan ng binti ko. Dumilat ako at pinagmasdan ang paligid ko. Wala ako sa aking kwarto! Agad akong tumayo at napaupo din dahil sa sakit ng pag kababae ko. Napatigil ako at inalala ang nangyare kahapon, napaiyak ako nang maalala ang lahat ng iyon. Mabilis kong hinagilap ang damit ko kahit sobrang sakit ng pagkababae ko dahil sa nangayare. Sigurado akong may nangyaring samin. Agad akong nag bihis at nag mamadaling umalis sa lugar na iyon.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi dahil sa pag katulala. Napatingin ako sa hawak ko isang kulay itim card iyon at may nakalagay na black card sa itaas na bahagi ng card. May mga number din doon na nakalagay na hindi ko maintindihan. Para saan ‘to? At bakit hawak ko ito?

Nag resign ako sa bar at nag full time sa pag tatrabaho sa hardin ng mga Cruz. Sinubukan ko ding hanapin si Jester doon nung bumalik ako ngunjt ang sabi nila ay wala na daw sya doon. Ipinagtanong ko din ang black card na iyon at ang sabi nila ay card daw iyon na pwede mong ipambili kahit maka magkano ka daw ng gastos ay okay lang. Pumunta ako sa isang grocery para subukan iyon nag tanong muna ako sa cashier kung tumatanggap sila noon. Kumuha ako ng isang gatas at inabot sakanya. Inislide nya iyon sa isang maliit na parang telephone at pagkatapos ay nilingon nya ako at nakangiting ibinalik iyon sakin. Nahihiya ko iyong tinanggap, nakahinga lang ako ng maluwag ng lumabas ang resibo at ipinilastic nya ang binili ko. Lumabas ako doon at agad na sinilip ang resibo tama ang nandoon at bayad ang binili kong gatas.

Walang limit basta gumastos lang ng gumastos? Paano kung yung may ari nito naghihirap na? Tinignan ko ang black card na nasa lamesa. Pero saan ko naman at kanino kita isasauli kung wala namang pangalang nakalagay? Hindi ba pwedeng ipablock ang mga ganito kapag nawala at hindi muna makita para wala nang makagamit pa sa pera na nasa loob ng card? Isang buwan na simula nung may nangyari sakin sa bar isang buwan na din na nasakin ang card. Naputol ang pag iisip ko ng biglang umangat ang sikmura ko. Agad akong tumakbo sa cr at doon sumuka. Nanlalambot at inaantok ako nang makatapos ako.

Napalingon ako sa kalendaryo at nagulantang nang makitang dalawang lagpas na ako sa araw ng aking buwanang dalaw. Napahawak ako saking tyan. Hindi kaya?

InkOvernight

_____________________________
Sana all po may black card🥲

Hindi kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where's the Father of My Babies (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon