Si Zero...
"MAGANDA ang panahon, captain."
"A good day to die," sabi niya sa copilot.
Natakot ito."Naku, masamang magsabi niyan kapag nagpapalipad ng eroplano, captain.Baka magkatotoo."
"Relax. Hindi tayo magka-crash." Hinubad niya ang headphones, tinapik ang copilot sa balikat. "Dito ka muna.Galingan mo, ha?"
"Saan ka pupunta, captain?"
Lumabas siya ng flight deck. Nginitian niya nang delikado si Mr. Ong na mistulang may mini-fiesta sa private jet.
"Captain! Wala na bang pagkain? Kulang pa lahat ng ito sa akin. At nasaan ang mga magagandang flight stewardess na umaaliw dapat sa akin dito?"
"Piggy oink oink."
"Ano'ng sabi mo?!" Nagkulay-pink sa galit ang baboy na negosyante.
"Fifty pesos lang ang ibinabayad mo sa mga menor-de-edad na empleyado mo. Hindi sila makabili ng pagkain kaya buto't balat na sila sa gutom at pagod. Kapag nagrereklamo sila, pinabubugbog mo sila damay ang kanilang pamilya. May walong minors nang namamatay dahil sa mga bulok na equipment sa factory mo at lima naman dahil sa pambubugbog ng mga tauhan mo."
"Ano ang pake mo?"
He yanked the plane door open.
"AHHHH! Namputa! Ano ang ginagawa mo?"
Hinila niya sa ulo ang nagpa-panic na baboy. Hindi ito makatayo nang diretso at nagpa-flap ang mga taba dahil sobrang lakas ng hangin pero siya ay hindi 'yon iniinda. Tanging mga may special training lamang sa balance ang makaka-stand n'on.
"Hindi na kita maihahatid sa pupuntahan mo ngayon, Mr. Oink Oink.Sa final destination mo na lang."
"Huwag mo akong ihuhulog! Ayoko pang mamatay! AYOKO PANG MAMATAY!"
"Paki ko kung ayaw mo?" Hinagis niya sa labas ang negosyante.
"AHHHHHHH!"
Walang-anuman na isinelyo niya ang pinto. Oo, may pagka-morbid ang style niya ng pagpatay. Mas masaya kasi 'yon.Memorable, 'di ba? Bumalik siya sa flight deck.
"Ano ang nangyari?" tanong ni Copilot.
"One less porky in the world."
Si Ridley...
NAKASANDAL siya sa puno at nagpapalamig gamit ang paboritong vanilla ice cream. Bad trip ang init.Ayaw niya ng pinagpapawisan. Ipinunas niya sa white handkerchief ang kamay. Ayaw rin niya na nanlalagkit o nadudumihan ang mga kamay niya.
Sa bangko na nasa harap niya ay may lumabas na lalaking nakamaskara. May hostage itong tatlong batang umiiyak.
"Sumuko ka na, Palos!"
"Mga hunghang! Hindi n'yo ako mapipigilan! Hindi pa ipinapanganak ang taong makakahuli sa akin! HAHAHA!"
Kating-kati na ang mga pulis na barilin ang bank robber pero nag-iiyakan at nagmamakaawa ang mga magulang ng mga hostage na huwag magpapaputok ang mga pulis dahil baka madamay ang mga inosente.
"Kapag sinundan n'yo ako, papatayin ko sila isa-isa!" Pinagtutulak ng bank robber ang mga bata sa lumang sasakyan.
Sigawan.Iyakan.Ang ingay. Hindi niya ma-appreciate ang kinakaing ice cream. Pissed.
BINABASA MO ANG
FLTK Book 1: Chace In The Wild (Soon To Be Published)
RomanceFLTK Book 1: Chace In The Wild by Sheena Rose