CHAPTER TWO

46 0 0
                                    


NANLUMO ako nang matanggap ko ang paper ko sa Film Literature.

"What's your grade, poor scholar?" tanong sa akin ng classmate ko. Tumawa siya nang makita ang marka sa paper ko. "Sixty! Hahaha!"

Lumapit ako sa professor ko na nagsusulat ng lesson sa white board. "Sir, bakit ito lang ang grade ko?"

"O, bakit? Passing mark naman iyang sixty, Miss Montano. Ano ang inirereklamo mo?" masungit na tanong ni Prof.

"Kasi, Sir, pinagpuyatan kong isulat ang essay ko. Nagpunta pa ako sa library para mag-research, samantalang ang mga classmates ko, ginawa lang nila ang essay nila five minutes bago nila 'yon s-in-ubmit sa inyo, pero perfect pa rin ang score nilang lahat. Unfair naman po 'yon."

"Unfair?"

Hinarap ako ni Prof. Masama ang mood niya dahil sa pag-question ko sa scoring system niya. Pero wala akong pakialam. Bad trip din ako, 'no! Palagi na lang kasing ganito sa class namin. Ang tataas ng grades ng classmates ko kahit wala silang effort, samantalang ako kuntodo sa effort pero wala pa rin. Kundi passing ay bagsak!

"Ano ang topic ng essay n'yo, Miss Montano?"

"Royals and Nobles in Movies."

"May alam ka ba sa pagiging royalty maliban sa nababasa at napapanood mo sa TV?"

"Wala, Sir."

"Nakita mo na?! Sa madaling-sabi, wala kang mailalagay na matino sa essay mo, Miss Montano! Hindi tulad ng classmates mo, they are royalties themselves! Sa parents mo ikaw magreklamo na mahirap kayo. GO BACK TO YOUR DESK NOW!"

Nakasimangot na umupo ako habang nagtatawanan ang classmates ko. Kuuu! Nakakainis talaga! Hindi lang mga estudyante ang nang-aapi sa pagiging commoner ko sa HU kundi pati na rin professor. Kumusta naman 'yon?

"Don't worry, poor girl. Hindi mawawala ang scholarship mo maski mabababa ang grades mo. Mangyayari lang 'yon kung yayaman kayo at afford mo na ang tution dito. Wait a second. Imposibleng maging kasingyaman namin ang family mo kahit maging alalay ka ng ten celebrities, girl.Hahaha!"

"Panoorin mo na lang sa cable ang lifestyle namin. Ooops! Wala nga pala kayong cable! SO POOR YOU! HAHAHAHA!"

Nagsulat ako sa notebook ko kaysa intindihin pa sila. Pero may tama rin naman ang rich kong classmates. Hindi mawawala ang scholarship ko dahil hindi uso sa HU ang maintain-maintain ng grades kapag scholar. Hindi 'yon nakalagay sa conditions nila sa pagbibigay ng scholarship. Asa pa kayo na gusto ng HU na may mahirap na scholar sila na ga-graduate nang may honors. Eh, di nag-rally ang spoiled HU students dahil ayaw na ayaw nilang may magpamukha sa kanila na hindi sila nag-aaral nang mabuti kahit pa 'yon naman ang totoo? Ang maging sikat na celebrity nga lang kasi ang goal nila.

Dahil ligtas ang scholarship ko, ang gagawin ko na lang ay magtiis sa school namin hanggang sa maka-graduate ako. Less than two years na lang naman 'yon. Tiis-tiis.

"Guess what? I know na the names ng new students rito! Eeefff! I'M SO KILIG!"

"Ohmahgosh! What are their names?"

"Yeah, tell us. Tell us."

"Wait."

"Biliiis! We wanna know na."

"Kyaa! 'Wag na pa-suspense. I'll pull your hair!"

Ang aarte nilang magsalita. Hmp!

"Atat?ZERO, RIDLEY, CHACE, and DEVLIN. 'Yon ang names nila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FLTK Book 1: Chace In The Wild (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon