CHAPTER ONE

51 2 0
                                    


Si Ems...

WAAAH! Nagulat naman ako! Story ko pala ito. Ako ang bida kaya akin na ang point of view mula ngayon. Thunder rolls sabayan ng evil laugh. MWOHOHOHO! MWOHO— Joke lang. Hindi ako evil pero hindi rin naman saint. Sakto lang.

Siya, introduce ko muna sarili ko dahil ganito naman parati ang simula, 'di ba? Emerald A. Montano ang full name ko. Isa akong harassed na nineteen y/o student. Bakit ko nasabing harassed ako? Dalawa dahilan.Una, working student ako. Pinagsasabay ko ang full-time studies sa pagtatrabaho. No choice, eh. No work, no study ako. Mahirap lang kasi pamilya ko. Lagi-lagi na lang gano'n, 'no? Haha!

Ang pangalawang dahilan ng pagka-harass ko sa buhay ay ang school kung saan ako nag-aaral, ang Hannsen University. It's an exclusive school. Imagine, isang poor girl, nag-aaral sa pang-upper class na school. Oo, alam ko nai-imagine n'yo. Ilang beses na kayong nakapanood at nakabasa ng ganyan, eh. MWEHEHE! Adik.

'Ayun na nga, standout ako sa school ko dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa mayayaman at totchal na schoolmates ko. Saka, as if naman gusto kong makipagsabayan sa kanila. Hindi ko naman trip ang mga trip nila sa buhay.

Ang mga student nga pala ng HU ay super vain. Wala silang iniisip kundi maging sikat na model, actor, singer, o dancer nang sa gayon, makita sila sa magazines, billboards, TV commercials, TV shows, at movies. In short, maging celebrity lang ang goal ng majority ng nag-aaral sa HU.

Okay. Mamaya na uli sa pahirap na school ko. Ipapakilala ko muna sa inyo ang pamilya ko dahil siyempre wala nang mas mahalaga sa akin kaysa sa pamilya ko at hindi rin ako magiging si Ems kung hindi dahil sa kanila.

Si Vivian ang nanay ko, thirty-eight y/o, eighteen no'ng pinakasalan si Tatay, walang trabaho, hindi mahilig gumawa ng mga gawaing-bahay at mahilig mag-videoke.

Si Ronin naman ang tatay ko, forty years old, twenty no'ng itinanan ang nanay ko (muntik pa raw siyang mataga ni Lolo no'n), nagtatrabaho kapag sinisipag (namamasada siya ng tricycle) pero kung hindi (mas madalas ito mangyari) ay natutulog o nagdyo-join kay Nanay sa pagvi-videoke.

May lima akong kapatid. Kung ano kasi ang ikinatamad nina Nanay at Tatay sa trabaho siya namang isinipag nila sa paggawa ng anak. Pero ayos lang dahil feeling ko, hindi kami kumpleto at may kulang sa buhay ko kung wala kahit isa sa limang kapatid ko. Amber, Pearl, Beryl, Garnet, at Onyx ang mga pangalan nila.

Ako ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Dahil nga medyo walang pangarap na tinatanaw ang parents namin ay sa akin tumitingala ang mga kapatid ko. Ako ang role model nila. Medyo nakaka-pressure lang minsan na maging panganay pero wala naman akong choice. 'Di ko man ito ginusto, pinaninindigan ko na lang para hindi nakakahiya sa mga kapatid ko. Saka, gusto ko silang magkaroon ng bright future kaya todo-suporta ako sa kanila.

"Ate Ems, ang hirap ng assignment namin sa school!"

"Tutulungan kita pagkatapos ko sa ginagawa ko."

"Ate Ems, wala akong baon!"

"Fifty pesos na lang ang pera ko. Sa iyo na ito. Tipirin mo, ha?"

"Ate Ems, type ko ang T-shirt mo."

"Hindi na ito kasya sa akin dahil tumaba ako. Pamana ko na lang sa iyo."

"Ate Ems, mag-asawa ka ng milyonaryo para yumaman na tayo!"

"Heh!Tumigil ka."

"Bakit ayaw mong mag-asawa ng mayaman, Ate Ems? Okay nga 'yon, 'di ba?"

"Ano ka?Hindi magandang pag-interesan ang yamang pinaghirapan ng ibang trao. Pare-pareho lang tayong binigyan ng Diyos ng dalawang kamay, dalawang paa, dalawang mata at isang utak. Kaya ang ibig sabihin n'on, kung kaya ng iba, kaya rin nating yumaman sa sarili nating sikap. Okay?"

FLTK Book 1: Chace In The Wild (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon