Chapter 3

26 0 0
                                    

CHAPTER 3

ABRIANA POV

Matapos ang isang linggo ay inalis ko agad sa isip ko yung Warin nayan. Ewan ko ba. Naguguluhan parin kasi ako kung si Warin at yung asungot na sinapak ko sa mcdo ay iisa.

Pero dahil kaylangan kong sulitin ang bakasyon ay kinalimutan ko muna yun.

Nag outing kaming mag kapatid sa Palawan. Oo kaming mag kapatid lang dahil busy ang parents namin.
Pinapayagan naman na kaming mag bakasyon basta lagi kaming mag cocontact kay mom or dad kung maayos ba kami.

Isa pa, binigay na sakin ni mom yung ford nyang sasakyan sakin nung 18th birthday ko. Wala pangang sira eh kasi 1 week lang nag tagal kay mom yung ford tapos rinegalo nya agad sakin. Kaya ayun, may oang road trip at outing kami ni Ari.

Tsaka pwede narin akong mag drive kasi nasa legal age nako kaya ang saya nang buhay ko. Haha

4 days kami ni Ari sa palawan dahil mas na-enjoy namin yung summer doon. Ang saya kasi tapos may budget kapa. Hahaha!

Good thing at kaybigan ni Mommy yung may ari nang resort dito sa palawan kaya maraming discount samin at syempre kami ang priority. Swerte lang namin! Sinagad ko na nga yung pagkain doon eh dahil ang sarap lahat nang dish nila. Grabe lang.

Pagkatapos namin mag bakasyon ay syempre nag ayos agad kami nang gamit para umalis na at umuwe.

Habang nag lalakad kami ni Ari papunta sa sasakyan ko ay biglang may tumawag sa kanya

"Uy Summer!"

Napalingon kaming pareho ni Ari sa babaeng tumawag sa kanya nang Summer.

"Pffft---HAHAHAHAHAHA" natawa agad ako. Ewan ko ba hindi ko na napigilan eh. Haha! Naasar kasi si Ari pag tinatawag siyang Summer tulad ko ayaw namin nung second name namin kasi parang out of this world. Pero natawa talaga ako nung sinigaw pa nang babae yun eh. Hahaha! Kawawang Summer.

Inirapan agad ako ni Ari tsaka sya humarap sa babaeng tumawag sa kanya. Nakipag-beso beso sya sa babae at nag chikahan. Grr. Girly things (ew)

"Ari! Este Summer *sabay ngiti ko sa kanya nang mapang-asar* lalagay ko lang yung bagahe sa kotse ko" sabay wink ko sa kanya.

"Ate naman eh! *sabay irap nya* sige na sige na! Just. Just stay away from me!" Sabay pout nya pa.

Sus. Arte!

Naglakad nalang ako papunta sa kotse ko tsaka ko nilagay yung mga bagahe namin. Grabe ha! Isang malaking backpack lang yung dala ko tapos tong kapatid ko dinala ata lahat nang laman ng kwarto nya.

Pano ba naman kasi, dalawang maleta tapos isang handbag na kasing laki na nang backpack ko ang dala nya. Nahiya pa sya ha? Dapat sinama nya narin yung kama nya tsaka yung tv sa kwarto nya. Aba! Mag kakasya paba sya dito?

Hindi ko talaga napansin yung dala nyang gamit kasi pinasunod nya sa driver ni dad yung mga gamit nya kasi mahirap daw dalhin. Ang akala ko umaarte lang sya yun pala mahirap naman pala talaga dalhin kasi ang dami! Hah! Tignan natin kung mag kasya sya sa sasakyan ko.

"Ate taralets!" Nakangiti nyang sabi habang nakabusangot naman ako.

Nagawa pang ngumiti ni gaga.

"Yung totoo? Mag lalayas kaba o mag oouting? Tignan mo naman kung gano kadami yung bagahe mo langya!"

"Konti lang yan! OA neto"

Napairap naman ako dun

"OA pala edi dun ka sa bubong nang kotse ko! Akala mo talaga--"

I fall inlove with the monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon