CHAPTER 4
***
Please tell me I'm dreaming. Hindi to pwede. Nasa harap ko na ngayon yung lalakeng sinapak ko sa mcdo slash naka-bangga ko pa ngayon.
Okay. It's final. I'm going to die right now. Hindi ko man lang natawagan si Irish para makapag-paalam. I'm sorry everyone, eto na ang huli nating pagkikita. Eto na talaga. Hanggang Chapter 4 lang talaga tong storya ko. Good bye Philippines Good bye world, Good bye--
"Why are you looking at me like that? As if you're going to die right now" seryosong tanong nya na may halong pagtataka.
"Because I really am going to die right know" wala sa sarili kong sagot.
Bigla naman syang nag smirked.
"I'm not going to kill you brat. In fact, I'm slowly giving you my revenge. Pay back time"
He's not going to kill me but he'll kill me slowly. Ganun din yun eh! Papatayin nya rin ako sa huli pero pahihirapan nya muna ako. Aba! Hindi nya ko mapapahirapan no. Or not.
"Teka teka! Okay. Fine! I am so sorry for punching you, the first time we met because your an asshole back there. And I'm sorry ulit kasi nabangga kita. Hindi ko talaga sinasadya" seryosong sabi ko. Please naman parang mas gusto ko pang makulong ngayon kaysa yung pahirapan nya pa ko.
Bigla naman syang naging seryoso
"Nag-sosorry ka pero may asshole na kasama"
"Aba! Ba't hindi ba? Just being honest here dewd" sabay irap ko pa
"Fine. Apology accepted" he said with a grin.
Bigla naman akong nakahinga nang malalim doon. Ghaaad! Kala ko katapusan ko na! Akala ko eto na talaga yung last chapter nang buhay ko. Akala ko--
"But.." he continued
Bigla naman akong napa-taas nang kilay. Akala ko ba?
"Hindi pa tayo tapos. Like I said, Killing. You. Softly." He smirked then pumasok na sya sa kotse nya para umalis.
Urgh! Ang tanga mo talaga Abri! Malamang hindi ka nun tatantanan! Dahil sayo kung bakit may sugat pa yung labi nya at ikaw rin ang dahilan kung bakit warak yung likod nang kotse nya! Tanga mo! Sa tingin mo isang sorry mo lang eh okay na agad sa kanya!? Wow! Ganda mo naman!
Sambit ko sa sarili ko. Bwiset na araw to!
"Miss okay ka lang?" Tanong nung lalakeng napadaan sa harap ko. Napansin nya atang sinasabunutan ko yung sarili ko.
"Mukha ba'kong okay!?" At dahil sa galit ko nasigawan ko pa siya.
Nagulat sya sa pag sigaw ko kaya naman nag salita agad ako "Sorry h-hindi ko kasi alam na..ugh" frustrated na sabi ko.
Moreno sya na matangkad pero mas matangkad pa si Asungot kesa sa kanya at syempre mas astigin yung gagong asungot na yung kahit ayokong aminin pero may badboy aura rin tong kaharap ko.
"It's okay. I'm Alvin" sabi nya sabay lahad nang kamay nya.
Inabot ko naman yung kamay nyang yun "Abriana" I said then smiled at him. Tipid syang ngumiti at tsaka sya nag salita ulit.
"Nice meeting you. Una nako" ngumiti ulit sya at tsaka sya umalis sa harap ko. Weird.
Lumapit lang para mag pakilala? Ganda ko ha! Grabeeee.
Napa-iling nalang ako tsaka ako pumasok ulit sa sasakyan ko para maka-uwi nang bahay.
What a day! Sobrang daming nangyare sa isang araw. Nakakaloka.