"Byeeee. See you later!" masigla kong sigaw habang papalabas pero iba ang sinasabi ng mga mata ko. Iba ang sinisigaw ng puso ko. Iba ang nasa loob ko. Iba ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw dahil parang hindi ko pa kayang mawala sa mundong ito knowing na ganyan sila, hindi pa nila tanggap. Nasasaktan pa sila. Agad akong dumiretso ng elevator pagkalabas ko ng condo at doon sa loob pinakawalan ang kanina ko pa pinipigilang buntong-hininga.
Parang ayoko pa yata?
Pwede po bang konting oras pa?
Kahit sandali nalang, konti pa, kahit hanggang matanggap lang nila...
Kailangan ko pa silang ihanda at iharap sa kanila ang katotohanang kahit na anong oras mula ngayon ay pwede na akong mawala sa ayaw at sa gusto nila. Hindi naman sa nagmamadali ako o gusto ko nang mawala. Gusto ko lang namatanggap nila na may sakit ako, at mauuna na ako sa trip papuntang langit. Yun lang naman. That was all I want. Was it to much to ask?
Napapailing na pinunasan ko ang luhang hindi ko namalayang tumulo na pala sa pisngi ko. Napahinga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Sinubukan kong ngumiti sa repleksiyon ko sa pinto ng elevator. Tiningnan ko rin kung halata bang umiyak ako at napangiti naman ako nang makitang hindi naman masyado.
Pagbukas ng elevator ay agad kong nakita ang mga reporters at media na sigurado akong ako ang inaabangan. Agad akong napatalikod at kinuha ko sa bag ko ang mask na palagi kong dala para sa mga pagkakataong katulad nito. Pasalamat ko din dahil nahablot ko mula sa sofa armrest ang sumbrero ni Seb. Sinuot ko 'yun pati ang mask saka taas noong naglakad papalabas ng elevator. I move as if I am just a normal resident in our building. Tipikal na kilos, galaw at lakad. Taas-noo akong naglakad papalabas ng elevator hanggang sa mapantayan ko sila
"Sigurado ka bang dito talaga nakatira si Ms. Dubios?" sabi ng isa sa mga reporters I knew it! Ako talaga ang pakay nila.
"Oo sigurado ako. Ito ang pinakamahal na condo dito sa Pilipinas kaya walang duda na dito siya nakatira" sagot naman ng isa
"Anong oras naman kayo 'yun lalabas?"
"Ewan. Wala naman nga tayong kasiguraduhan na nandito talaga siya"
"Pero tingin mo jowa niya talaga 'yung lalaking kasama niyang lumabas nung sa fashion week?"
"Siguro? Hindi ko alam. Pero sa tingin ko ay hindi. Hindi ganun si Ms. Xianna. Hindi siya papatol sa matanda sa kanya"
"Pero nakita mo kung paano siya hawakan nung lalaki di ba? Nakita niyo?! Tsaka sa kilos nila parang sobrang komportable nila sa isa t isa. Sa kilos nila, hindi 'yun pwedeng sabihing magkaibigan lang sila. Meron silang mas malalim na ugnayan at 'yun ang sigurado ako" Oo nga, may malalim kaming ugnayan dahil tatay ko siya! Hindi dahil may relasiyon kaming dalawa!
Napa-iling ako sa mga sinasabi nila. Nonsense! Puro kayo mga chismosa! Kuro-kuro. Nagbibigay ng kanya-kanyang version ng kwento kahit ang totoo ay wala naman talaga silang alam. Patuloy lang ako sa paglakad, hindi ako nagpahalata hanggang sa malampasan ko sila. Napahinga ako ng malalim nang marating ko na ang kotse ko.
"They are really here for Pete's sake! They even wait for me! How great!" sarkastiko kong bulong nang makasakay ako sa kotse ko. Napapailing. Paninindigan talaga nila ang chismis na 'yun? Tingnan natin kung hanggang kailan.
Napapa-iling kong in-start ang sasakyan ko saka pinaharurot 'yun papalayo sa building namin. Dahil walang traffic ay mabilis akong nakarating sa funeral parlor na pakay ko. Pagka-park ko ng sasakyan ko ay agad akong sinalubong ni Henry, ang baklang nakausap ko para sa plano ng burol ko
"Ohhmii!! Ms. Xian! You're early! Haha akala ko mamaya ka pa dadating" nakangiti niyang salubong sa akin. Siguro ay nakita akong mag-park sa labas ng building nila. Ngumiti aoo sa kanya at saka nakipag-beso bago nagsalita
YOU ARE READING
Final Walk |Sesbreño Series 2|
Ficción GeneralXianna Ventic Dubios, a simple, beutiful and a successful supermodel is living her life to it's fullest dahil alam niyang may taning na ang buhay niya at kung hanggang kailan nalang ang itatagal niya. Lahat na ng bagay plinano niya na, ultimo ang pi...