Napangiti ako dahil sa sinabi ni ate.
"Masaya ako para sayo ate dahil nakasal kana sa ultimate crush mo nung college ka yung lagi mong kinikwento, sakin noon magka videocall tayo" mahaba ko pang sambit sakanya
"salamat sis" ngumiti ito ng malapad kita ko rin ang dumaan na sakit sakanyang dalawang mata umiwas ito ng tingin at bumaling ito sa bintana ng sinasakyan namin kaya nagkibit balikat nalang ako.
"Wahh ang saya ko talaga dahil nakasal ako sa lalaking mahal ko" nagulat ako ng tumili ito at humarap ulit sakin kaya napangiti ako masaya ako para kay ate.
"Kaya mag mula ngayon samin kana titira kakausapin ko si jarred" ngiti nitong sabi kaya nakangiti rin akong tumango.
Napatigil naman kami sa pag kekwentuhan ni ate ng tumigil ang sinasakyan namin kaya napatingin ako sa bintana ng sinasakyan namin, nasa isang tapat kami ng malaking bahay ay hindi mansyon pala ang tawag dito woaah ganito ang dream house ko.
"Nandito na tayo" ani ate saka lumabas ng sasakyan kaya sumunod rin akong bumaba.
"Ate" tawag pansin ko kay ate saka sumabay sakaniya sa paglalakad papasok sa mansyon na ito ng makapasok kami, pinaikot ko ang aking tingin may mga paintings rin hinanap ko naman ang wedding picture nila ate at nung asawa niya pero bakit wala kaya nagkibit balikat nalang ako.
"Welcome home Po ma'am" saad ng isang matandang babae na nakayuko
"Thank you po" nakangiting saad ko sa matanda "ako po ang mayor doma dito ako si amelia, manang nalang ang itawag mo sakin dito ija" ngiting ani nito.
"ako po si aria manang amelia kapatid po ni ate irish" ngiting pakilala ko sakanya
"Ang ganda mo Po ma'am" sabat ng isang katulong kaya namula ang aking pisngi marunong palang mang bola ang mga tao rito hehe
"Thank you" mahinhin kong saad sakanya "ako po pala si jane ma'am" pakilala niya sakanyang sarili kaya ngumiti rin akong nagpakilala
"Sige na dun na sa kusina parating na si sir jarred" ani ni manang sa mga katulong kaya nagsi tanguan silang pumunta sa kusina except kay jane
"Jane ikuha mo ng makakain si ms, aria" saad nito sa jane raw kuno kaya nakangiting tumingin sakin si jane "ma'am anong gusto mong inunim juice, kape, tubig o wine" tanong nito. "Juice nalang" sagot ko kaya tumango siya saka umalis papuntang kusina
"Aria sis ayos na ang kwarto mo" napatingin ako sa nagsalita si ate pababa sa hagdan, kaya pala nawala siya sa tabi ko
Kaya ngumiti nalang ako at tumango sakanya,
Lumapit naman sakin si ate atsaka tumabi sakin sa upuan na may sofa "ate thank you sa pagpapatira sakin dito" mahinhin kong sabi kay ate, sa totoo niyan nahihiya talaga ako
"hehe welcome sis namiss kita eh alam narin nila mama at papa na dito ka muna sakin" ngiti nitong ani kaya niyakap ko siya bilag pasalamat.
"Ma'am ito na'po kumain na po kayo" tawag ni jane sa atensyon namin, kaya ngumiti ako sakanya nagpaalam naman ito upang pumunta sa kusina
"So graduate kana" saad ni ate kaya binitawan ko ang aking iniinom na juice sa may maliit na babasaking table, muli ko itong hinarap at sinagot sinagot ang tanong niya
"Opo, ate Plano ko sanang mag apply sa mga kumpanya na tugma sa course ko" saad ko sakanya mag sasalita na Sana siya ng bumukas ang pinto dito sa sala pumasok dun ang isang lalaking matipuno, gusot ang kanyang suot na office attire. Malamig ang kanyang awra , gwapo siya i-ito ba ang asawa ni ate irish
Ito ba ang asawa ni ate.
"J-jarred" mahinang tawag sakanya ni ate saka lumapit sa lalaking kadarating lang na nakatayo ngayon "k-kumain k-ka muna" kinakabahang saad nito sa lalaki kaya naguluhan ako sa inaakto ngayon ni ate ba't naman siya kinakabahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/311303091-288-k48993.jpg)