*1

2.4K 41 9
                                    

" Ako na bahala sa lahat ng Assignments mo buong taon, basta tulungan mo kong mapalapit dun sa babaeng lagi kong kinukwento sayo. "

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko, o maiinis sa sinabe niya. Haynako. Kung alam mo lang. Pero ano pa nga ba magagawa ko e, bestfriend lang talaga ang turing niya sakin. Tsaka ayoko din gumawa ng Assignments no, kaya pumayag na din ako kahit alam kong masasaktan lang ako kung nag kataon.

Yes ang bestfriend kong sobrang talino, sobrang gwapo, sobrang loko, sobrang monggi. Haha. Sobrang bait din naman kahit papaano, walang iba kundi ang nag iisang Victonara Salas Galang ng buhay ko. Choss. Hahaha.

Madaming babaeng nag kakagusto sakanya, biruin mo naman gwapo na matalino pa, pero kahit isa wala siyang nagustuhan sa mga iyon. kaya nga minsan inaaway ako ng mga babaeng yun dahil lagi ko daw kasama si Vic. Malamang Bestfriend kami e. Mainggit sila dahil mas maganda ko sakanila. Haha. At lagi naman akong pinag tatanggol nitong si Vic kaya mahal na mahal ko to e. Chos. Haha. Pero kapag siya naman ang may gusto sa isang babae, sobrang natotorpe siya, at sakin siya nag papatulong, yung bang ipapaclose niya sakin yung babae para maging close din niya. Mautak e.

Samin talagang dalawa siya yung pinakamasipag mag aral, siya yung hindi nag cu-cutting classes, ako naman papetiks lang. Sakanya nga lang ako nag papagawa ng assignments e. Kahit minsan ayaw niya, minsan naman may kapalit. Pero wala talaga siyang alam na may gusto ko sakanya. Haysss.

" Okay. Okay. Pero sino ba yung babae na yun? " tanong ko na medyo inis pa.

" Hindi ko pa nga kilala e, kaya nga nag papatulong din ako sayo. Kase alam kong, ikaw lang makakatulong sakin. At alam ko na kung saan natin siya makikita. " sagot niya. Sabay ngiti eto yung ngiting hindi ko talaga makalimutan.

" Okay. Ako na bahala dyan fre. Kumapit ka lang. Hahaha. "

Kapag ganitong bagay, ang galing kong mag tago pero ganito nalang ba lagi? Ganda kong to, ginaganito mo ko. Hahaha. Ng bigla niya kong hinitak, hindi ko alam kung saan kami pupunta, dun ata sa babaeng impaktang sinasabe niya. Pero mali sa Canteen niya ko hinatak.

" Libre ko fre. Kahit ano dyan. " bulong niya sakin. Nag tataka ako bakit dito kami pumunta e samantalang sa kabilang canteen kami kumakain lagi, dun yung favorite canteen namin kahit paulit ulit yung kinakain namin araw araw. Hahaha.

" Bakit nandito tayo? Ayaw mo na ba sa kabila? " nag tataka kong tanong.

" Wala lang para maiba naman. " sagot niya. Yun lang ba talaga?

" Tsaka dito din kumakain yung babaeng sinasabe ko sayo. Sabi kase ni Kim. Dito daw niya nakikita yun kapag ganitong oras. Kaya nandito tayo ngayon. " dagdag niya. Medyo excited yung pag kakasabi niya.

" Pinag palit mo talaga yung Luto ni Aling Maria, para lang makita yung babae na yun ah. " Inis kong sinabe. Pero hindi padin niya nahahalatang inis na ko. Excited kaseng makita yung babaeng yun. Sana hindi siya dito kumain. Hahaha.

" Hindi naman sa pinag palit. Gusto ko lang matikman yung mga pag kain dito. " sabi niya. Huh.

" Huhh. Bahala na nga. Ikaw mag bayad nito ah. "

--------

" Ano na fre? wala pa ba? May klase pa ko? Matagal pa ba yun? "

Sunod sunod na tanong ng babaeng nasaharapan ko ngayon dito sa Canteen. Walang iba kundi ang napakaBait kong bestfriend pag tulog na si Shiela Marie Pineda.

Napakaganda at napakasexy nitong bestfriend ko na to, hindi ko alam kung bakit wala pang boyfriend andami namang manliligaw pero kahit isa wala siyang sinasagot, lagi niyang sinasabe sakin na dadating din daw yung taong mag papasaya talaga sakanya. Magulo buhay nito e. Hahaha. Tsaka natatakot ata sakin yung mga manliligaw niya kaya yung iba umaatras, syempre kaylangan kong protektahan tong si bang no. Ayokong masaktan siya dahil sa mga lalaki na yun. Buti nalang at wala siyang pinatulan dun kahit isa.

I fell in love with my Best Friend. ( Bang Pineda and Ara Galang (BaRa) )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon