*4

1K 35 4
                                    

" O nak bat ngayon ka lang? Nasan si Vic? " tanong sakin ni mama.

" Ahh. Nauna na siyang umuwi kanina at galing ako kela Bb. " sagot ko.

Wala akong gana kaya pumasok na agad ako ng kwarto. Wala talaga ko sa mood.

" Maa. Pasok na ko sa kwarto ahh. Pahinga lang. And kumain na din ako kela Bb kanina. " saka ko siya kiniss sa pisngi.

Nahiga kaagad ako sa kama ko. Ayoko talaga yung ginawa ko kanina. Nakakastress. Pak.

Tinignan ko yung phone ko. Bigla akong napangiti dahil sa wallpaper ko. Wallpaper ko yung picture ni Vic. Alam niya to. Dahil siya din naman ang wallpaper niya ay yung picture ko. Siya may sabe nun. Hindi ko binabago to at pag tinitignan ko din yung phone niya yung picture ko padin yung wallpaper niya. Kaya medyo kilig pre. Hahahaha.

Iniisip ko kung itetext ko siya pero hindi ko siya tinext para mapansin niya na nag tatampo padin ako. Hahaha. Arte ko no? Alam ko iniintay niya yung text ko. Hamo siya.

Sa sobrang dami kong iniisip kaya nakatulog na ko. Hindi na ko nakapag palit ng damit.

--------

Hindi na ko sumabay kay vic dahil nalate na kong gumising pinauna ko na siya papahatid nalang kako kay mama. Pumayag naman siya dahil nag mamadali din siya dahil may exam sila sa first subject niya.

Pag dating ko sa University.

" Hi ! Bang "

" Goodmorning Bang. "

Bati sakin nung mga makakasalubong ko. Bago ako pumasok sa room dumaan muna ko sa classroom nila vic. Nakita ko na nag eexam pa sila kaya hindi ko na siya tinawag at pumasok na ko sa classroom namin.

" Bb may nag iwan sayo nito, pinapabigay sayo. " - Mela.

Nakita kong may flowers and chocolates sa upuan ko.

" O. Saan galing yan? " tanong ko.

" Hindi ko alam. Dinala lang dito ni Manong Guard kanina yan e. May nag papabigay daw. "

Ha? Sino naman yun?

" Bat hindi mo tinanong kay manong guard kung sino nag papabigay. "

" E hindi din daw niya kilala e. Basta daw ibigay lang sayo. "

" Ahhh. Okay. Salamat kamo. Hahaha. "

Sino naman kaya yun? Si Vic? Hahaha. Baliw hindi asa ka dun. Pero sino ba yun. Alam ko tumigil na yung mga manliligaw ko dahil wala naman silang mapapala sakin pero eto meron nanaman. Alam ko na yan dami ng nag bigay sakin nyan kaya alam ko nang manliligaw yan.

-----

11:00 Am.

Labasan na namin pero wala pa si Vic sa labas ng classroom namin. Hindi naman nag papahuli yun. Kaya kay bb nalang ako sumabay mag lunch.

Nag lalakad kami ngayon papunta sa canteen ng makita ko si Vic kasama sila Recy.

" Bb wait tignan mo yung kumag. kaya pala. Tignan mo kung sino yung kasama. " saad ko tsaka ko tinuro si vic.

" Oo nga no. Tara puntahan natin. Masugod. "

" Baliw. Wag na tara na. Busog na pala ko. "

Kakainis lang kaya pala wala siya kasi lumalandi nanaman. Hindi man lang siya nag text na hindi muna siya sasabay kasi kasama niya sila recy matatanggap ko naman yun kung sinabe niya e pero wala. Nakita ko talaga e. Hayss wala talaga. Kainis.

" Bb ano kakain kapa ba? "

" Hindi na. " matipid kong sagot.

Hindi na nga niya ko sinabay pumasok, hindi pa din niya ko sinabay kumain. Titignan ko kung isasabay niya kong umuwi pero pag wala padin. Hay nako talaga.

I fell in love with my Best Friend. ( Bang Pineda and Ara Galang (BaRa) )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon