SSM 6

64 3 0
                                    

December 16, 2021. Bagyong Odette happened.

Bahay namin na damaged. No electricity. No signals. Nothing at all dahil sa lakas ni Odette. Firstime ko maranasan yung ganoon' kalakas na bagyo all my life. Good thing okay lang kami.

Natigil ang communication namin ni Sandro dahil nga walang signal. Meron nga, mahina naman.

Namimiss ko na siya. Kumusta na kaya yon.

Isang hapon, we're busy fixing our damaged house yung kapitbahay namin nagsisigaw.

"TARA SA BARANGGAY MAY NAMIMIGAY DAW NA RELIEF GOODS! SI BONGBONG MARCOS DAW ANDOON!" malakas na sigaw nito kay rinig talaga ng mga kapitbahay.

Lumubas kami ni Mama at sumama sa kapitbahay namin.
Excited ako baka sumama si Sandro eh.

Nakarating kami sa Brgyhall na antaas ng pila. At sure nga si Ate Merlin dahil nakita ko si Pops nakikipag-usap sa Kapitan namin, while the stuffs are giving relief goods to people. 

"Ali dae Margaux, linya na aron makaduol ta ni BBM ba!" (Dali na dae, pumila ka na para maka punta tayo kay BBM.) masayang sabi nito. Kung alam mo lang te, na meet ko na siya face to face pa. Pero pumila na din ako dahil naka pila na din si Mama. Kahit may mga foods kami sa bahay.

Gusto din kasi ni Mama ang mga Marcos dahil sila Lola, Mama ni Mama nakaranas ng pamumuno ng Marcos noon at sabi ay magaling talaga ang mga ito, siniraan lang.

Malapit na kami, kinakabahan ako. Sana andyan si Sandro ng makita ko siya.

Ng si Mama na ang next ay tamang-tama dahil lumapit si BBM at tumulong mamigay. Ang saya ni Mama dahil nakausap niya ito. Nakapa picture pa si Mama, juskopo.

Dahil hindi kami naka mask, kasi nga wala ng mga gamit namin. Ay nakilala agad ko ni Pops.

"Margaux! Hija how are you? Thank God you're fine." sabi nito at niyakap pa ako. Niyakap ko din siya

"Hi po, im good. Asan po si Sandro?" napatawa ito dahil sa tanong ko, nakakahiya. Bat kasi yun agad tinanong ko.

"Sandro is on the way here, na traffic lang. You can wait?" tumango ako at tumabi kay Mama.

"Kilala ka ni BBM nak? And why are you looking for Sandro?" hiyang tumingin ako sa kanya. Diko pala nasabi sa kanya.

"Opo Ma, kaibigan ko po si Sandro at na meet ko na si Pops lastime na pumunta sila dito sa Cebu hehe. Pero wag ka maingay." sinapak ako ni Mama dahil sa kilig. Gagi tuwang-tuwa pa Nanay ko.
"Bat wala kang sinabi nako kang bata ka!" sabi nito.

Maya-maya lang ay may sasakyan na huminto. Kaya tiningnan ko ito.

Bumukas ang pinto at lumabas ang aking love of my life, Chariiiz.

Nakipag usap pa siya sa staffs. Next naman sa mga tao, nakipag shakehands.

Lumapit agad siya kay Pops.

"Pops, how are you?" aw so sweet naman.

"Im good son. Margaux is here by the way." masayang sabi nito.

"Really? Where is she?" with gulat eyes pa, anlaki ng mata pero ang cute niya parin, hustisya.

Tinuro ako ni Pops. Tumingin naman siya.
Kinikilig ako. Nakita ko din siya ulit.

"Hi Sandeng." Pabebeng sabi ko.

Lumakad ito papunta sa akin at niyakap ako.
Diko napigilan kaya naiyak ako.

"I miss you so much. Wala kaming signal dito kaya di ako naka text sayo." Umiiyak na sabi ko habang yakap niya ako.

"It's okay, i understand. I miss you too. How are you?" Nagsumiksik ako lalo sa kanya kasi andami nang nakatingin sa amin.  Sana walang mag bibidyo, kasi e popost na naman nila sa tiktok huhu.

Good, now im making scene 😑 kahiya. Buti nalang walang signal wahahahaha safe.

"Im fine, di naman kami nasaktan." bumitaw na ako sa kanya at hinila si Mama. Nakipag chika pa eh, napa ka marites haha.

"Mama ko nga pala, Si Sandro Ma." nag shake hands sila at nagpakilala sa isa't-isa.

"Hello hijo, ikaw pala si Sandro. Nice meeting you."

"Hi po ma'am, nice to meet you din po." Nagchi-chika sila while ako naman ay napatingin sa suot ni Sandro. Still the usual, Red Poloshirt and Maong pants paired with nike shoes. Nice napaka gwapo talaga.

Napatingin din siya sa akin. At naningkit ang mata. Saka lumapit at bumulong.

"You are wearing so short shorts. There's lot of boys oh." Napatingin ako sa sout ko at napatakip sa dibdib. Omyghad. Wala akong bra tapos kung makayakap ako kay Sandro kanina parang linta. Ang talandi.

Naka sleeveless lang din ako.
Nakapantulog lang  kasi ako dahil nagmamadaling pumunta dito. Ka yawa gud uy.

Umalis saglit si Sandro at may kinuha sa sasakyan.
Pagbalik ay may dala na itong jacket at binigay sa akin.

Jacket niyo ito, yung pang Sandro Dalisay charoot lang.
Sinuot niya ito sa akin at ang bango mga bhe :3

Pinaupo kami ni Sandro sa silya at tumulong siya sa pagbigay.
Nauna na ding umuwi si Mama dahil may gagawin pa daw sya.

Nang matapos na lahat ay lumapit si Sandro at umupo sa tabi ko.

"Are you okay? Kumain ka na ba?" di pa bhe gutom na ako kanina pa pero dahil andyan ka wala na. Yay.

"Dipa naman. What time kayo babalik sa manila?"

"After this pupunta  kami sa Surigao, to give donations." Nakatingin lang ito sa akin kaya nahihiya ako.

Wala pa akong hilamos, yung buhok ko dipa nasukyalan simula kanina, dipa nakapag toothbrush huhu nakakahiya while siya ang fresh.
Wala kasi kaming tubig kaya hirap maligo.

"Stop stairing Sandro! Wapa pa akong ligo eh!" tumawa ito at kinuha ang kamay kong may sugat.

"What happened to this?"

"Wala, okay lang yan." Binawi ko ang kamay ko at tinago.

Ilang minuto lang ay lumapit si Pops sa amin at sinabing aalis na sila.

"Sandro we need to go na, kasi pupunta pa tayong Siargao. Margaux see you next time okay? Take care." sabi nito at bineso ako. Saka naglakad sa kotse nila.

Tumayo na din ako para ihatid sila sa sasakyan.

"We're going now, take care okay?" he said.

"Okay, text nalang kita kapag may signal na dito. Ingat din kayo." he kissed my forehead again. Such a gentleman.

I also hug him kasi mamimiss ko siya.

"Next na balik ko you're mine na. But please don't go out wearing like this sexy okay? Di pa tayo, maagaw ka na sa akin."
hinampas ko siya sa dibdib kasi ang kulit hehe pero kinikilig ako.

"Nagmamadali kasi kaming pumunta ni Mama dito kasi sabi andito kayo, kaya dina ako nakapag bihis. Saka wala akong balak maghanap ng iba, ikaw lang sapat na. Yieeeh."

"Excited mo naman makita ako haha." kinikilig na sabi nito dahil namula ang tenga niya.

"Syempre namimiss kita eh". He hug me again saka sumakay na sa sasakyan niya.

"Ingat po kayo. Bye." They just waved saka umalis na.

Naglakad na din ako pauwi ng nakangiti. Parang baliw lang, kasi naman si Sandro eh.

Pagdating ko sa bahay ay nagluluto na si Mama. Nag-igib ako ng tubig sa poso namin at naligo na.

Pagkatapos maligo ay kumain kami at pumanhik na ako sa kwarto ko at humiga.

Namiss ko na agad si Sandro.
Sana magkasignal na.

-
Please comment hehe i love reading your comments. Love you!

Simping Sandro Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon