SSM 25

50 0 0
                                    

Nagising ako dahil may tumatawag. Kinuha ko ang phone ko pero wala naman pala kaya kinuha ko ang kay Sandro.

Jessy Calling...

Sana all naka phonebook parin. Di ito nagising kahit ring ito ng ring. Past 2am nanang madaling araw, bakit natawag ito?

"Love, Jessy is calling." Niyugyog ko ito para magising. Umungol lang siya at mas niyakap ako. Wala akong choice dahil ang himbing ng tulog niya at bala emergency ito.

'Hello po?'

'S-sands? Where are you? I need you. Can you come, to pick me up? Im here at Bar where we hang out last time. Please'

Umiiyak nitong sabi at mukhang lasing ito. Napapikit ako.

'Tulog na si Sandro Miss Jessy.' sagot ko naman pero mas lalong naghagulhol ito.

'No! Tell Sandro to come! Where is he? I need to talk to him! Give him the phone now!'

Hala gaga ka. Dimaka-intindi. Napairap ako at mas niyugyog si Sandro ng malakas.

"Sandro gumising ka diyan at ang kaibigan mo ay tumatawag." nagmulat siya ng mata. Binigay ko sa kanya ang phone at nagtaklob ng kumot saka nagtulog-tulogan.

Di nga pala niya alam na alam ko na ex niya si Jessy. Nakilala ko lang ito dahil sa mga fans niyang mahilig mang stalk.

"Hello Jess? What's up?" Antok nitong sabi.
"What?! Okay, okay. I'll be there in a few. Wait up okay? Don't do anything stupid." Dali-dali itong kumuha ng damit sa cabinet niya kahit diko nakikita ay naririnig ko naman.

Bigla nalang itong lumabas sa kwarto ng di nagpapaalam sa akin. Edi wow, sana all. Narinig ko nalang ang sasakyan niyang umandar saka ito nawala.

"Yawa. Waman lang nananghid." dahil sa inis ay bigla akong naiyak. Sige mag-ooverthink na naman ako nito.

Diko namalayang sa kakaisip ay nakatulog ako.

-

Paggising ko ay walang Sandro. Nice. Ang galing naman.
Dahil may trabaho ako ay bumangon, pumasok sa banyo saka naligo at nagbihis.

Pagkalabas ko sa kwarto ay andoon siya sa sofa natutulog. Nakaupo siyang natutulog. Di ko ito pinansin at dumiretso sa kusina. Bahala ka diyan. Ginusto mo yan eh, hero yarn?

Nag timpla ako ng Milo saka ininit lang ang Pandesal saka kumuha ng butter, saka kumain.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto. Nasa banyo na ito naliligo.

Pumasok ako saka nagsipilyo. Nakatalikod ito kaya di niya ako nakikita.

Nag book agad ko ng grab. Dahil naiinis ako sa kanya di ako magpapahatid. May pasok rin naman siya.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko saka lumabas na sa bahay dahil tamang-tama dumating ang grab taxi.

Pagkadating ko sa Hotel ay agad akong nagbihis saka dumiretso sa kusina para magluto ng mga orders.

Ilang minuto lang ay nagdatingan na rin ang iba kung kasama.

"Goodmorning Chef Kaye. Ang aga mo today himala. Late ka lage eh." Sabi ni Chef Ana

"Morning din. Maaga kasi akong nagising hehe." Sagot ko dito

"May chika akong nasagap diyan sa labas." Panimula nito at nagtaas-baba pa ang kilay.

"Ano nanaman yan? Dami mo talagang alam na chismis." pilit tawang sabi ko dito dahil pa ako okay.

"Si Jessy! Yung ex ni ano, alam mo na who. Inuwing lasing dito kanina ni Sir Sandro! Siya ang naghatid sa kwarto nito. At di natin alam ang ginawa dahil matagal daw bago lumabas sa tinutuluyang kwarto nito. 3am daw hinatid, umuwi ang lalaki ay kaninang 5am na oh diba! Baka nagkamabutihan na sila. Ang sad ko huhu." ang haba ng sinasabi niya pero diko ma process lahat. Gusto kung umiyak pero pinipigilan ko dahil bala magtaka mga kasama ko.

"Oo nga Chef. Yung si Arcy nga, yung sa Housekeeping ba? Naghatid siya kanina ng towels dahil tumawag daw si Sir Sandro!" Segunda naman ni Chef Gretha.

"Natural lang yan. Single naman sila pareho tapos mag ex pa, di naman malabong magkabalikan ang mga yan." Ani ni Chef Terry

"Tsaka sobrang bagay nila. Inaabangan ko talaga ang comeback nila." diko na alam sino ang nagsalita dahil nanlabo na ang mata ko sa luha.

"Wait, toilet lang ako ha." Dali-dali akong tumakbo papuntang banyo saka pumasok sa isang cubicle at diko na napigilang umiyak.

Bakit ba kasi pumunta pa dito yung ex. Sana nag stay nalang siya kung saan siya galing. Sana di ko ito nararamdaman ngayon. Nagda-doubt na naman ako kay Sandro. Sabi ko pa naman dati na makikinig muna ako sa kanya bago ako magisip ng kung ano-ano pero diko mapigilan.

Ano nga ba ang ginagawa ng babae at lalaki sa kwarto ng mahigit dalawang oras? Tapos pag-uwi niya pa sa bahay kanina parang pagod na pagod pa. Paano kung may nangyari sa kanilang dalawa? Jusko nakakapag-overthink.

Pinahid ko ang luha ko at lumabas saka naghilamos para di nila malamang umiyak ako.

Bumalik ako sa kitchen na parang walang nagyari at nagluto na ulit. Di na ako nakipag-usap dahil baka may sasabihin na naman sila tungkol kay ex saka Sandro.

Nang magtanghalian ay nagpaluto si Jessy ng pagkain at ako ang nagluto dahil mas gamay ko ang inorder niya.

Kahit gusto kong di sarapan ay ako naman ang malilintikan kaya maayos ko itong niluto saka  pina-served na.

"Chef Kaye!" sumigaw na tawag ni Chef Terry sa akin.

"Pinapatawag ka ng ex ni Sir Sandro. Kakausapin ka daw niya." nanlaki ang mata ko.

"Ha? Bakit naman? Pangit ba yung lasa ng food?" tanong ko dito pero nagkibit balikat ako kaya lumapit ako sa telepono at sinagot ito.

"Goodmorning Ma'am. This is Chef Kaye. How may i help you?"

"Hi. I just want to say na ang sarap ng niluto mo for me. I loved it! Thankyou." sabi nito. Napairap ako. Ang bait niya naman, paano ako maiinis nito sa kanya?

"Ay thankyou din po at nagustuhan niyo. Sige po may gagawin pa kasi ako." Ibaba ko na sana pero bigla itong nagsalita

"Wait. May tanong lang ako. Is Sandro home na ba earlier? I fell asleep, and didn't notice na umalis na siya. I texted him but di nag reply eh.  Can you please tell him na im so thankful that he came to picked me up and took care  of me?" sabi nito

"Ok po Miss. Noted. I'll hung up na." Binaba ko agad ito para di na siya makapagsalita. Napapikit ako at kinuyom ang kamay. Kilig pa siya while saying it. Wow. Respeto naman. Alam naman niyang girlfriend na ako ni Sandro eh pero parang wala lang sa kanya. Unti-unting nabuhay ang inis ko sa kanya.

-
SORRYYYYY NGAYON LANG NAKAPAG-UPDATE HEHE. Leave a comments guys thankyouuu lovelove🫰🏻🥰

Simping Sandro Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon