(Andrew's POV)
Lunch Break ngayon kaya nag-punta ako sa library para isauli ang hiniram ko'ng libro nang bigla ko'ng makita si--- uh yung 'EX' ko. Nagalit ako sa kanya kasi simula nang makilala niya yung lalaki'ng yun, lagi'ng ayun na lang ang kasama niya. Dinaig pa ako. Para'ng ayun ang boyfriend niya. Sabi ko sa kanya pumili siya. Ako or break na kami. Tapos bigla na lang siya umalis. Understood na naman siguro yun na siya ang pinili at hindi ako.
Nagka-tinginan ang mga mata namin. Lahat bumalik sa'kin. Lahat ng memories namin. Lahat ng happy moments pati na rin yung sakit nung nag- break kami. Wasak talaga ang mundo ko nun.
"Uh hi.." bati niya
"Hi?" sagot ko.
"Andrew, sana pwede pa tayo maging mag-kaibigan ayoko kasing may nagagalit sa akin." sabi niya. Papayag kaya ako???
"P-p-pag iisipan ko." sagot ko.
"Please 'wag mo na pag- isipan pa. Simula ngayon friends na uli tayo." sabi niya.
"Bahala ka." sagot ko.
"Andrew, ano'ng oras awas mo?" tanong niya.
"Uh 4 pm. Bakit?" sagot ko
"Good! ako din 4 pm eh. Mag-kita na lang tayo sa front gate mamaya." sabi niya.
"Huh? Bakit?"tanong ko pero tumalikod na siya at nag-lakad papalayo.
"See you!" sigaw niya.
----------------------------
DISMISSAL
----------------------------
Nag-punta na ako sa front gate at nakita ko siya. Nakaupo sa waiting area. Napatingin siya sa'kin at ngumiti.
"Sabi ko na nga ba eh pupunta ka!" sabi niya
"Syempre, malay ko ba na bigla mo na lang pala akong bigyan ng i phone o kaya kahit ano." sagot ko
"Lahuyy! hahahaha tara na." sabi niya
"Saan ba kasi muna tayo pupunta?" tanong ko
"Basta!" sagot niya
"Ang kulit mo ah! saan nga?" tanong ko
"Aba! mas makulit ka. Basta nga eh..." sagot niya.
Nag-lakad kami hanggang makarating sa favorite spot ko. Yung Fun Land. Mukha siyang park pero walang tao. Doon ako laging nauupo tuwing malungkot ako. Tumitingin lang ako sa view. Pero mas maganda dun kapag gabi tapos titingala ka. Ang gaganda ng stars. Nakaka ginhawa ng loob. Nagulat ako nang bigla 'kong maalala si Chandy... Mag-kikita nga pala kami kaso 5:40 pm na.
"Thank you sa pag-dala mo sa'kin dito pero kailangan ko nang umalis eh.." sabi ko at tumakbo na ako papunta sa school pero wala siya sa gym... Dumiretso na lang ako sa bahay nila.
"Chandy!!!" sigaw ko at patuloy pa akong sigaw ng sigaw.
Laking gulat ko nang biglang may nagbukas ng gate.
"Tutoy, ano yun?" tanong niya
"S-si Chandy po." sagot ko.
"Ayy ikaw pala yung nag-hatid sa kanya kahapon... Wala pa siya eh. Pero pasok ka muna. May sasabihin ka ba?" sabi niya
BINABASA MO ANG
Just in One Month (si mister paasa) book 1
RomanceLet's imagine kung ikaw grade 7 ka pa lang pero ang gusto mo college. Ang awkward diba? Tapos biglang may nagbigay ng number sayo na kaibigan mong college din. Sabi niya tawagan mo daw yung number na yun pero na-curious ka at tinawagan mo nga yun pa...