Walang forever

35 4 0
                                    

Naniniwala po akong walang forever.

Si God lang ang meron.

Promise search niyo pa sa google eh, sabi nga ni Ed Sheeran sa kanta niya hanggang 70 lang daw.

Basta walang forever. Bitter na kung bitter. Basta wala.

Nagtataka kayo kung bakit ako bitter 'noh?

Simple lang yan, iniwan ako ng mga lalaking sinabing at pinaasang mahal nila ako.

Alam mo ba yung feeling na mahal na mahal mo yung tao pero pinaasa ka lang pala. Ganun palagi ang nararamdaman ko kapag iniiwan ako.

Naulila kasi ako nung bagong panganak ako. Kaya nakatira ako sa bahay ng lolo ko. Mabait naman ang mga tao sa bahay namin kaya mabait rin ako sa kanila.

Pagmabait ka sakin magiging mabait rin ako sayo pero kung magsungit ka sakin sorry ka.

Namatay si dad dahil sa cancer at namatay si mama dahil sa panganganak sakin. Palagi kong sinisisi ang sarili ko, kung hindi dahil sakin sana nandito pa si mama.

Nagtatago ako palagi sa tree house ko, pagpumupunta ako dun alam ng mga tao sa bahay na kailangan kong mapagisa. Ako lang kasi ang nagorganize nun, may kama pati na rin mini ref, may balcony rin dun. Dun ako tumatambay at nagsa-stargazing. Paminsan nga hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Hay... Kailan kaya ako magiging masaya?

-----------------------

Written by: ilovesophia_me

Written/typed on: April 23, 2015

Published on:

Walang foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon