chapter 2

6 2 0
                                    

chapter 2: first move

I needed to feed my curiosity, hindi ako papayag na ganun-ganun nalang. She piqued my interest, I rarely give compliments to other people, but she's really something. I opened my facebook account and searched for the barangay captain who's running for councilor.

Kung may isang bagay na dapat malaman tungkol sa'kin, I won't stop 'til I get what I want.

Hindi ko agad nahanap yung account ni Kap. Oscar, dahil hindi full name niya ang nakalagay rito, walang social media accounts si lolo at tanging messenger lang ang meron siya para makausap yung mga close friends niya, kaya hinanap ko nalang sa friends list ni lola si Kap. Oscar. And viola, nahanap ko na!

I scrolled through his latest posts, kadalasan ay mga political posts ang naroon sa account niya. Nadaanan ko ang post niya tungkol sa namatay niyang asawa. I feel bad for her, ako nga ay hindi ko kayang wala si mommy kahit ilang linggo lang, paano pa kaya siyang bata pa ay ulila na sa ina?

Sa kasamaang palad, hindi siya naka-tag sa post na 'yon kaya nagbasa ako ng comments.

That's where I found her, Elisa Montreal. The youngest child of Oscar Montreal.

Hindi ko pa alam kung dapat ko na ba siya i-add kasi baka magmukha naman akong stalker. Pero malay niya gusto ko lang naman makipag kaibigan diba?

Bago ko siya i-add, I messaged Lori first. Since last year, inasar na niya akong bakla. I told her that we should get married when we're 38 and still single, dahil lang sa nakita kong tiktok. And she won't stop teasing me after that.

🟢 Glorietta Bonastre

1 : 38 am

may magandang girl kanina dito tapos nadapa siya sa harap ko

bading

gago
pero seryoso, should I add her?

ikaw bahala vebs, hindi ka naman mukhang stalker sa lagay na yan

huhu tangina mo talaga T___T

Hindi naman naka-tulong si Lori, pero I think she's right. Adding her right after the program may seem a little bit off, pwede namang gusto ko lang makipag-friends 'di ba? Or I heard her name somewhere and decided to add her. Pwede rin namang napindot ng pwet ko yung add button coincidentally.

I scrolled through her feed for quite some time when I noticed, she celebrated her 17th birthday last year on April 24! She's only a year older than me! Oh my goodness!

I covered my face with a pillow and shouted out of excitement. I don't know why, but I was excited.

Bumaba muna ako sa sala kung saan naroon si Mommy at Lei. Humiga ako sa sofa at ipinatong ang paa sa hita ni Mommy.

"Napansin niyo ba yung blondie na naka-suot ng chaleco kanina? Parang ang suplada e nung nakita ko yung facebook, kapatid lang naman pala ni Kap." kwento agad ni mommy. My mom is silent most of the time but she's a huge gossip. Kada kakain kami ng hapunan napakarami niyang nai-kkwento, the only time na magkakasama-sama kami since we stay at Lola's house dahil wala kaming kasama sa bahay at do'n nag-kaklase at may work naman sila Mommy.

"Oo nga e, patay na pala yung asawa niya. Tapos alam niyo ba mas matanda lang sa'kin yung anak niyang babae ng isang taon." kwento ko kay mommy.

"Elisa Montreal noh? Akala ko nga nasa 20s na siya kasi matangkad." Kunot-noo naman kaming tiningnan ni Lei. Para bang hinuhusgahan na ang buong pagkatao namin ni mommy.

"Mga stalker talaga 'to." Tatawa-tawang sabi niya at kumuha muna ng chips sa kusina.

Inalok niya kami ng chips habang hinuhukay namin ang mga pagkatao ng mga pamilya ng konsehal. Wala lang, para lang kilala namin sila.

ElisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon