Chapter Twenty

72 6 1
                                    

LANCE


"Huy, Justin. Tama na 'yan." Awat ni Lourd saakin. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay nilagok ko 'yung huling alak na laman nung bote. Tumingin ako 'ron sa bartender dito sa bar pagkatapos ay nag-order ako ng panibago. Gusto kong lunurin sa alak ang sarili ko ngayong gabi...bukas... at hanggang sa mamanhid at makalimot ako sa nararamdaman ko.

"Tangina. Wag mo akong pipigilan," sagot ko kay Lourd ng dumating 'yung pinakuha kong alak. Hindi na ako nag-abalang magsalin pa sa baso. Diretso ko na 'yong nilagok. Gumuhit ang pait ng alak sa lalamunan ko...at ang init na unti-unting lumalamon sa sistema ko.

"Brad, lasing ka na."

"Hindi pa ako lasing," sagot ko.

Hindi pa talaga. Putcha. Nararamdaman ko pa yung sakit na ilang araw ko ng nararamdaman. Kahapon pa ako umiinom pero nararamdaman ko pa rin. Ayaw matanggal. Hindi ko pa nakakalimutan. Lahat ay presko pa sa utak ko at paulit uli 'yung nangyari. Kung paano niya ako tinanggihan sa pangalawang pagkakataon. Kung paano ako umasa na mamahalin niya ako. Kung paano ako umasa sa lahat lahat ng ka-bwisitan!

Pero, putangina. Hindi. Wala. Nasaktan lang ako. Akala ko lang pala ang lahat.

Ganon na ba ako kahirap mahalin para sa pangalawang pagkakataon ay tanggihan na naman niya ako? Ginawa ko lahat. Dinaya ko man, pero ganon na ba talaga kalupit ang tadhana sa'kin?

Pagmamahal lang. Pagmamahal lang ang gusto ko. Yun lang, pero ang mga bagay hindi mabibili ng pera nga naman ang pinaka-mahirap abutin. Pinaka-mahirap suklian, putcha!

Napailing nalang ako at tumingin sa mga taong nagsasaya sa dance floor dito sa bar kung saan ako. Isinama ko si Lourd dito para may kasama ako.

"Hi boys..." Napalingon kaming pareho ni Lourd sa dalawang babaeng bigla nalang lumitaw sa kung saan. Halos lumuwa ang mata ni Lourd doon sa mga babae. Halatang binubusog niya ang paningin niya sa mga malulusog na dibdib nung dalawa pati na rin 'don sa matambok na pwet. Pati ako ay kaagad na napasipat ng tingin. Ang isa pa sa kanila ay kinindatan ako.

"Hi, wanna drink?" Ngising asong alok ni Lourd dun sa dalawa. Kumindat 'yung isang babae sa kanya pagkatapos ay idinikit niya ang katawan niya.

"Sure. I'll eat you too, if you want."

"I'll accept that wholeheartedly, babe." Kinabig ni Lourd yung babae at iniupo niya sa kandungan niya. Inumpisahan na niyang halik halikan yung babae sa batok, at gustong gusto din nung babae. Humahagikhik pa!

Bumaling 'yung tingin saakin nung isang babae pa. Yung kumindat saakin. Hinimas niya ang kamay niya sa likod ko, papunta sa pagkalalaki ko, pero nahuli ko ang kamay niya. Napangisi ako at hinawakan ko ang bewang niya. Katulad ng ginawa ni Lourd ay ikinandong ko rin yung babae saakin.

"Hey, babe." Paos kong sabi dala ng alak.

"Hi, are you free tonight for a hot night?" naka-ngiting tanong niya habang ang isang kamay niya ay unti-unting bumababa sa sandata ko, this time ay hindi ko siya pinigilan.

"That rhymes..." I chuckled. "Your rhyme made me say yes..." Alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito. Nagkatitigan kami, at parehong pilyong napangiti sa isa't isa hanggang sa pareho kaming tumayo. Hindi naman siguro masama kung babalik ako sa nakagawian.

Hindi naman niya ako mahal e.

Ayaw niya sa akin.

Edi don't!

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon