7 shots

74 0 1
                                    

Hayyys... malapit na ang exam namin at handa na rin ako bumagsak. Walang exam na hindi ako bagsak, failing is my specialty. Atleast meron akong specialty. Ah! Meron rin akong talent; tulog. Magaling ako matulog. At kumain. Galing ko talaga.

Ako pala si Rilein Josena. RJ nalang for short. 15 years young. Hindi ako magaling sa Arts, History, Physics, Chemistry, Science, Math, etc. Especially English. Kung gawin kong maikli; hindi ako magaling sa lahat na subjects.

Kailangan ko talaga humabol sa mga lessons namin kundi itlog ang marka ko this semester.

Tinititigan ko ang blackboard kung ano-ano lang ang sinusulat ni Sir doon. Hindi ko talaga na iintindihan. Meron si A na naging B. Siguro ang answer ay C. Sa pagtitig ko, inantok ako. Pinilit kong buksan ang mga mata ko.

"Then, that's how you can find..." Hindi ko na narinig ang Sinasabi ni Sir dahil nakatulog na talaga ako. Ang narinig ko lang ay nag'yes' ang mga kaklase ko.

I wonder kung paano silang gising kahit ang boring naman ng klase? Belib talaga ako sa mga kaklase ko, especially sa mga top dito.

Unting-unting dumilim ang paningin ko. Meron akong naramdaman na meron nagtapik sa likod ko. Nagshrug lang ako dahil antok na antok ako. Hindi ko kaya buksan ang mga mata ko.

Tinapik niya ulit ang likod ko.

Ano ba?! Hindi pa pwede magbeauty sleep sa klase? Kahit limang minuto man lang?

Tapik.

Shrug.

Tapik.

Shrug.

Tapik.

Shrug.

Batok. Ay, ano nangyari sa 'Tapik-Shrug' cycle namin?

Napamulat ako sa mga mata ko at tumingin sa kung sino man ang nagbatok sa akin.

"Hindi ito sleeping class, Ms. Josena." Sabi ni Sir. Ay nahuli ako. "Kung gusto mo matulog, pwede ka nang umuwi." Sabi niya.

"Kung ganon..." Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. "Paalam na Sir!" At nag salute ako sa kaniya.

Naglakad ako papunta sa pinto.

"Hoy, Ms. Josena! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Sir.

Hindi ba obvious?

"Sabi mo pwede umuwi?" Tanong ko sa kaniya at tumawa ang mga kaklase ko. Nairita si Sir at lumakas ang mga tawa nila nang pumula ang mukha ni Sir.

"No! Go back here!" Sigaw ni Sir.

"If that's what you want." Nagroll ako ng mga mata ko at bumalik sa upuan ko. Nag glare ako kay Sir at nag glare rin siya sa akin.

Nagdiscuss ulit si Sir na parang walang nangyari kanina. Nagdoodle ako sa notebook ko kahit hindi naman ako marunong gumuhit. Dinoodle ko ang pangalan ko gamit ng green ballpen ko. Favorite color ko kasi ang green.

"Psst." Sabi ng tao nasa likod ko. Tinignan ko siya.

"Anong problema mo Joe?" Sabi ko ng malamig.

"Bakit hindi ka gumising nang tinapik kita?" Tanong niya sa akin.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin?" Tumango siya sa akin. "Dahil natutulog ako." Sagot ko sa kaniya at bumalik sa pagdodoodle ko.

"Bakit ka natutulog?" Tanong niya ulit.

"Kasi inaantok ako." Sagot ko pero hindi ko siya tinignan.

"Bakit ka inaantok?" Tanong niya.

"Bakit ka nagtatanong?"

one shots ^0^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon