MOON SY POV
"Will you stop following me?" Napataas ang kilay ko ng madinig ang mababa at gwapong boses ni Zian. "Anong following following ka r'yan? Hindi ka si Tiya Isabel para sundan ko." Ang sagot ko naman sa kaniya.
"Then, why do you keep on following me from the restaurant at the first place? Baka nga hanggang bahay ko yata ay sundan mo ako, miss." Masungit na saad niya. Aba! Ang arte naman ng isang 'to! Gusto ko lang naman na malaman kung saan ang bahay niya e!
"Eh, malay ko bang pareho lang tayo ng pupuntahan!" palusot ko naman. Sandali siyang tumigil at pumunta sa may gilid ng kalsada, sumunod naman ako sa kaniya.
"See? You are a stalker! Stop following me, you creep!" aniya gamit ang naiinis niyang tono. "Hoy! Hindi ako creep ha! Saka, hindi ako naglalaro ng Minecraft!" muli ko na namang palusot. Actually, kanina ko pa siyang nakita sa may restaurant ng EUT. Oh, bastos ng iniisip mo. EUT means Eat Underground Table. Famous na restaurant iyon dito sa amin kahit hindi naman nakalubog.
"Shut up and stop following me! Isa pang sunod mo sa akin, I'll call the police!" pananakot nito sa akin. Napangisi ako, loko-loko rin 'to e. Pasalamat siya at idol ko siya, kung hindi - kanina ko pa sanang nasapak ito.
"Che! Makaalis na nga!" Agad ko siyang nilampasan at pumunta sa karinderya ni Tiya Isabel na halos ilang bahay lang ang dadaanan bago marating ang bahay ni Zian. Pag-kadaan niya ay inirapan ko siya at sumigaw ng walang tunog ng, "Asa kang stalker mo ako!" sabay dinila-dilaan siyang parang bata.
Pagkalingon ko sa likod ay doon ko nakita ang mataas at maninipis na kilay ng tiya kong magkasalubong at pati na rin ang malaki niyang nunal sa tapat ng malaki niya ring ilong. "Anong oras na, Buwan?! Ang dami-daming customer oh! Saan ka na naman nanggaling at anong ginagawa mo ha?! Pasalamat ka at may trabaho ka rito kung hindi dahil sa tatay mong nagpapakapagod sa pagtatrabaho sa ibang bansa---"
Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin ni tiya bagkus ay dumiretso na lamang ako sa loob ng karinderya at nagsimulang magtinda.
"Ate softdrink, iyong malaki nga!" sigaw ng isang customer. Dali-dali ko namang inabutan ito ng softdrink. Kitang-kita ko pa kung paanong subuan ng customer na iyon ang girlfriend niyang animo'y walang kamay at pacute pa habang sinusubuan ni kuya.
"Mga magjowang 'to, ang haharot!" bulong ko naman matapos makaalis do'n. Nagsimula naman akong magsandok ng ulam at kanin base sa inorder ng mga customer. Sobrang dami ng customer namin ngayon, karamihan ay mga construction worker na gumagawa ng bahay sa kabilang kanto at iyong iba naman ay mga call center agent. Meron ding magkakatrabaho at mayroon din namang... magjowa.
Char! Bitter yarn?
Siyempre hindi. Ikaw ba naman mapagkamalan ng singer-songwriter na idol mo na stalker, sinong hindi kikiligin? Ack! Ang gwapo-gwapo talaga niya tapos ang galing-galing niya kumanta! Siguro magaling din siya sa kam—
"Hoy! Pinapantasya mo na naman si Zian! Wala kang pag-asa ro'n girl!" at narinig ko na naman ang bunganga ng walanghiya kong kaibigang si Lorrita. "Manahimik ka riyan, Rita ha! Palibhasa, wala kang pechay!" pambabara ko naman sa kaniya.
"Well atleast ako, hindi ako katulad mo na pinapantasya iyong taong kahit kailan hindi magiging sa'yo!" pambabara rin naman niya sa akin. "Kaya pala naman nakita ko kayo kahapon ni Joshuang magkasama! Hindi mo kasi siya pinapantasya pero dumating sa'yo, kaso lang mukhang bangkay na!" bulyaw ko naman.
BINABASA MO ANG
Song of the Broken Hearted (Fangirls Series #10)
RomanceFangirl Series #10 : Song Of The Broken Hearted by minjiwrites_ Zian Cortez was a singer-songwriter that runs his own company of music entertainment. He was known for being a handsome singer to the point that her fangirls loved him so much. Little d...