Chapter 9

20 0 0
                                        

" QUE estas haciendo aqui?" (What are you doing here?) Nababatid niyang kailanman ay hindi niya matatakasan ang multo ng kaniyang nakaraan, isa na rito ay ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. Ang magarang kasuotan nito ay ang syang nagpapahiwatig kung gaano karangya at katanyag ang pamilyang pinanggalingan nito.

Katulad ng nakasanayan niya nang makita, mailap pa rin sa larangan ng pagpapakita ng emosyon ang mukha nito. Ang matingkad na kulay bughaw na mga mata nito ay tila'y nagsasabing kailanman ay hindi ito gagawa ng mabuti.

" Your time is up. I am here to take you home. Aren't you going to welcome me with a bear hug?"

" I refuse to do so." Irap niya dito. Ibig niyang matawa nang umikot din ang mga mata nito. May katagalan na rin simula nang huli silang magkita. Wala namang gaanong nagbago sa panlabas na kaanyuan nito. Magkamukha pa rin sila.

" I'm one of your allies, remember?"

" I refuse to have you as one. Ipinagkanulo mo ako," Matigas niyang saad.

" Yeah right." Balewalang sagot nito.

" But until when are you going to fool yourself and those people whom you considered family?" Tila'y sinampal sya ng katanungang iyon. Humalukipkip ito at inilapit ang mukha sa kaniya.

" Stop prolonging your agony. What if it turns out otherwise?"

" What if not?" Walang araw na hindi sumasagi sa kaniyang isipan ang mga maaaring mangyari kung sakali man na malaman ng mga ito ang katotohanan. Bagama't inihanda niya na ang sarili sa mga posibleng mangyari, hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng takot at pangamba.

" It's none of your concern anymore."

" Well, sadly it is." Namulsa ito sa kaniyang harapan.

" This is not the place where you belong Señorita Priam. This is not your home,” He insisted.

" But I am home Howard." Ano bang alam nito? Decidedly, he doesn't have any idea that home isn't always a place, sometimes it's the person you are with. And Zerachiel is undeniably her home.

" Sooner or later he'll find out." Batid niyang mauunawaan naman sya ni Zerachiel ngunit may hangganan din ang haba ng pang-unawa nito. Iniisip niya pa lang ang disappointment sa mukha nito, ay tila'y may tumatarak ng punyal sa kaniyang puso. Hindi niya kakayanin.

" Aren't you afraid of how he would react?" Umiwas sya ng tingin dito.

" Makakaalis ka na." Maawtoridad niyang utos dito nang hindi ito tinitingnan. Natitiyak niyang pinagtatawanan na naman sya ng binata sa likurang bahagi ng isipan nito.

" They deserve to know the truth." Marahas niyang ibinaling ang tingin dito.

" You know exactly what I'm capable of. Umalis ka na. Don't make me repeat myself."

" Okay, but I'm taking you with me, whether you like it or not." Akmang hahawakan sya nito sa braso nang mabilis syang tumayo at lumayo mula dito.

" Why are you always forbidding me to have my own happiness? Kayo nina Abuelo, masaya ba kayo sa tuwing nakikita niyo akong nasasaktan?" Nasa kaniyang tinig ang pait at hinanakit sa mga ito.

" We just want the best for you."

" Are you making me laugh? The best for me or the best for our family?" Puno ng hinanakit niyang tanong dito.

" Hindi ang sa tingin niyong nakakabuti ang nakakapagpasaya sa akin. Hindi niyo madidiktahan ang totoong nilalaman ng puso ko." Hangga't maaari ay pinipigilan niya ang sarili na magwala sa harapan nito. Napapiksi sya nang hatakin sya nito at bigla syang yakapin.

" Please, don't make this hard for the both of us." Pakiusap ng lalaki.

" Mr. Elizondo, what are you doing here? I thought you have an emergency meeting to attend." Gulat na wika ni Zerachiel na nasa hamba ng pintuan.

Mabilis syang lumayo mula dito at inayos ang sarili.

" I lost my way here." Napangiwi sya sa kaniyang isipan sa babaw ng dahilan nito. Kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin ni Zerachiel sa kanila.

Lumapit ito sa kaniya at binigay sa kaniya ang hawak na paper bag.

" I bought your favorite comfort food." Mas lumalim ang kunot sa noo nito nang mapansin ang pamumula ng kaniyang mukha.

" Are you okay?" Pinag-aralan niya ang mukha nito, mukhang wala naman itong narinig.

" Yes, I am."

" But your face says otherwise." Tumayo ito sa harapan niya at ikinubli sya sa likuran nito, wari'y pinoprotektahan sya mula kay Howard. Umangat naman ang sulok ng labi ng huli habang tahimik silang pinagmamasdan.

" I'm just asking for direction from Ms. Fonseca."

What a lame excuse.

" By hugging her? What an inappropriate way of asking for direction." Bahagya syang nilingon ni Zerachiel.

" Sanitize yourself, Gertrude."

NAGISING sya sa mabangong aroma na nagsusumiksik sa kaniyang ilong. Agad syang napabalikwas ng bangon nang mapagtanto na hindi naman marunong magluto si Erelah.

Pikit-matang naglakad sya papunta sa kusina. Nadatnan niya si Zerachiel na abala sa pagluluto. Kinusot niya ang mga mata upang tiyakin na hindi sya nagha-hallucinate. Naka-office attire pa ito habang nagsasangag ng kanin. Napailing na lang sya sa trip ng lalaki.

" Good morning, paano ka nakapasok?" Takang tanong niya habang nagsasalin ng tubig. Pasalampak syang naupo sa high stool ng island counter.

" Dumaan ako sa pinto." Sagot nito at pumihit sa kaniya paharap. Kinunutan niya ito ng noo. Kay agang nasira ang araw ko.

" It doesn't sound like an obvious answer Mister." Masungit niyang saad. Natawa ito.

" It's so unfair, why are you still look so adorable with that bird nest hair in the morning?" Lalong sumama ang timpla ng mukha niya sa pang-aasar nito.

Maingat nitong isinalin ang sinangag sa isang transparent na pinggan.

" Tada!" Nilapag nito isa-isa sa kaniyang harapan ang mga iniluto nito. Garlic rice, tuyo, longganisa at sunny side up. Halos ang mga pagkaing inihanda nito ay ang paborito niyang agahan.

" May kasalanan ka ba sa'kin?" I eyed him with suspicion.

" Silly, kumain ka na."

" Do you want a cup of coffee?"

" Yes, please." Susulitin na lamang niya ang kabutihan nito. Mabilis itong tumalima at ginawan sya ng kape. Kumuha rin ito ng dalawang plato at kubyertos.

" Here's your coffee Miss, less sugar but lots of cream."

" Thank you,"

"Eat up, ang payat-payat mo na," Naupo ito sa kaniyang harapan at ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa kaniyang pinggan. Kulang na lang ay subuan sya nito.

" Is it a good thing?" Sumimangot 'to sa naging katanungan niya.

" No," Iling nito.

Natatawang nag-umpisa sya sa pagkain.

" How was it?"

" Taste the same," Ngiti niya. Kumislap ang mga mata nito.

" Kumain ka na rin," Tumango ito ngunit nakatitig pa rin sa kaniya. Lihim syang napairap at sinubuan ito.

" I miss this, I should cook for you more often."

Ever After Always (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon