Part-21

7 3 0
                                    

****

Ian PoV *


Matapos kaming kumain napagpasyahan namin dalawa na mag libut. Pinasyal nya ako sa mga silid kung saan saan ang mga club, volleyball player pala ang isang ito hindi halata.

Ang galing talaga ng paaralan na ito ang mga club ay nasa gilid ng mismong paaralan , pero ang stage at court nasa loob mismo ng building.

Kasalukuyan kaming nag papahinga sa ilalim ng malaking puno dito sa may field, pareho kaming nakaupo sa damuhan habang nagmamasid sa mga studyanteng dumadaan.

Maya-maya dumaan ang tatlong babae na medyu pamilyar sa akin ang mga mukha. Napatingin ang mga ito sa amin napansin ko yung Isa masama ang pagkakatitig sa akin, yung Isa naman yumuko at ang pangatlo ngumiti ng tipid sa amin. Lumapit ang tatlo sa mga studyanteng naka tambay din malapit sa amin.

"Tss..." si Jin yan na nilingon ko agad at tinanong kung bakit?.

"Yung babaeng masama ang tingin sayo klasmeyt natin...sya yung top 1 dati." Anito

"Eh! Bakit dati? Eh sino ngayun?" Tanong ko sa kanya na nilingon pa ang kabilang grupo. Na agad kung hinarap si Jin ng batukan ako nito.

"Ikaw ang top 1 ngayun diba?...lahat pinag-e-eksam dito bago pumasok last year sya pinaka mataas ngayun ikaw na kung di mo alam...kainis to!" Pabulyaw na sabi pa nito at inirapan na naman ako.

"Tsss...ano nga ang pangalan nang babaeng yan?" Tanong ko sa kanya na nakatingin sa babaeng pinaguusapan namin.

"Diko rin alam eh!" Tipid na sagot nito, Mas grabe pala ito sa akin klasmeyt nya last year hanggang ngayun di nya alam ang pangalan. Mag sasalita pa Sana ako ng mapansin ko nakatingala si Jin kaya tumingala din ako laking gulat ko na lang yung limang lalaking klasmeyt namin nasa harapan na namin hindi ko man lang napansin.

"Hi..Zoe!...hi Ian!.." bati nung lalaking medyu singkit at medyu kulot ang buhok, nilingon ko si Jin na parang wala lang na nakatingin sya sa mga ito.

"Hello?" Patanong na sagot ko dito na kinatawa nito.

"My name is Ethan Wyatt Carter but you can call me Wyatt!" Nakangiting sabi nito at nilahad ang kamay, tumayo naman ako mula sa pagkakaupo saka kinuha ko ang kamay nya. "Ian " medyu hiyang sambit ko.

" aah! This is Tyler " Anito sabay turo sa isang lalaking maputi na brown ang buhok gwapo rin ito, napatingin ako sa isang kasama nila na kamukhang-kamukha nito itim nga lang ang buhok nito at medyu kulot ang buhok katulad ni Wyatt.

"Whoah!" Turo ko sa kamukha ni Tyler  ng maalala yung lalaking nanghingi ng baon kung Hansel.

" Tyree..." anito na kinamayan ako inabut din nung Tyler yung kamay ko sabay sabing "ako din pakamay"

"Lincoln!" Maya-maya sabi nung Isa, moreno ito na may mapupungay na mga mata mapupula din ang labi matangos din ang ilong bumagay sa kanya ang buhok nyang fringe up. Inabut din nito ang kamay ko na inagaw agad nung isang tawang tawa.

"Axel!" Sabi nito

"I'm ian...and this is Jin!" Sabi ko na inirapan na naman ako ni jin.

"Kilala na namin yan ian...klasmeyt namin si Zoe last year" si Tyler yan.

"Do you remember me?" Si Tyree

" oo naman! Nag iisang baon ko na nga lang yun, nanghingi ka pa!" Natatawang wika ko. Nanlalaki naman ang singkit na mata nito.

"Naku sorry! Hindi ko Alam..."

"Haha...ayus lang" umupo ulit ako napapagud na ako eh, umupo si Jin sa tabi ko na wala pa rin imik.

"Ano palang club ang pinili mo ian?" Tanong ni Wyatt habang naupo sa tapat ko, saka din umupo yung apat na paharap sa amin pabilog ang pwesto namin. Mula kay Jin pakanan ako si Wyatt,  Tyler Axel Lincoln at Tyree, Para kaming may meeting na ewan.

"Wala pa nga eh!" Wala pa talaga akong maisip hanggang Friday pa naman ang pag pili ng club.

"Mag basketball ka na lang ian!" Si Axel

"Nakakapagod!"

"Volleyball? Si Zoe captain sya ng Volleyball team" si Tyler

"Ayuko! Ang sungit sungit kaya nito!" Sabay turo ko kay Jin na masama ang tingin sa akin nag peace sign na lang ako.

"Eh...anong gusto mo?" Si Lincoln yan habang humihiga sa damuhan.

"Diko pa alam...mag iisip muna ako" sagot ko na ginaya si Lincoln humiga rin ako ginawa kung unan ang aking dalawang braso.

Saan ba ako magaling? Last year sa music club ako at dance club pero kaya ko kaya dito. Baka mataas yung standard ng mga ito keysa sa probinsya marunong ka lang sumayaw ayus na.

"Zoe!..." narinig kung tawag ni Wyatt kay Jin. Hindi ko narinig na nagsalita si Jin pero nag tawanan sila kaya bumangon ako at nilingon ko si jin na nakangiti.

"Tara! Kain tayo sa canteen...my treat!" Si Axel yan

"Naku! Sayang!" Sabi ko dito

"Bakit sayang?" Tanong nito

"Uuwi na ako...magkita kita na lang tayo bukas!" Sabi ko sa mga ito at tumayo na. Saka nag lakad papalayo habang kumakaway sa kanila na nakatulala sa akin nabigla siguro sa pag papaalam ko. Naalala ko kasi nasa washing pa ang mga damit ni Madisyn.







****SHORT CHAPTERS *******

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon