2 - Eyeglass

56 4 2
                                    

TBBATN: 2 - Eyeglass

"Nako, anak, paano na niyan? Di pa nakakasweldo ang tatay. Di kita mabibilan ng bago mong salamin." Sabi sakin ni Tatay habang tinitingnan yung sira kong salamin dahil sa nangyari kahapon.

"Tay, wag kang mag-alala. Okay pa naman to. Di naman ganon kalala yung sira niya eh."

"Hayaan mo anak, may labada ako mamaya. Kapag may sumobra sa kita ko bibilan kita ng bago mong salamin." Singit naman ni Nanay sa usapan namin ni Tatay.

"Nay, Tay, wag na po kayong mag-alala. Imbes na ibili niyo ko ng bagong salamin itago niyo nalang po yung sweldo niyo para kahit papano may pang gastos tayo at may baunin yung mga kapatid ko." Pwede pa naman kasi yung salamin ko eh. Mapagtyatyagaan ko pa to.

"Hay, ikaw talagang bata ka. Talagang mas iniisip mo pa yung kapanan namin ng nanay at mga kapatid mo kesa sa sarili mo. Napakaswerte namin at nagkaroon kami ng anak na katulad mo." Maluha luhang sabi ni Tatay sakin.

"Swerte din po ako at kayo ang naging pamilya ko." Nakangiting sabi ko.

"Osya, tama na nga ang drama baka maiyak pa ako dito." Sabi ni Nanay.

"Paiyak ka na nga eh. Hahaha." Asar naman ni Tatay kay Nanay.

Napakaswerte ko talaga at sila ang naging pamilya ko. Kahit mahirap lang kami, kumpleto at masaya naman ang pamilya namin at yun ay pinagpapasalamat ko sa Diyos.

"Anak, anong oras ang pasok mo?" Tanong ni Nanay habang nagluluto sa kusina.

"Mamaya pa pong 11:30 nay, pero aalis po ako ng 10:00 dahil maglalakad pa po ako." Sagot ko habang naghihiwa ng mga gulay para sa lulutuing hapunan ni Nanay.

"Anak, mag jeep ka nalang kaya? 20 pesos lang naman ang pamasahe hanggang sa eskwelahan niyo. Kesa naman sa nagtitiis kang maglakad ng mahigit isang oras." Sutwesyon sakin ni Nanay.

"Nay, sanay naman na ako. Tsaka sayang din po yung 20 pesos. Baon ko na po yun ng dalawang araw. Tsaka lahat po titiisin ko para makapagtapos ako ng pag-aaral at matulungan na kayo balang araw." Nginitian ako ni Nanay at ganon din ang ginawa ko.

"Napakaswerte ko talaga sayo, anak."

***

*tok*tok*tok*

Napatigil sa pagtuturo yung prof namin dahil may kumakatok sa may pintuan ng room namin.

"Yes, Mr. Cruz?" Tanong nung prof namin pagkabukas niya ng pinto.

"Can I excuse Ms. Yumi Tamayo for a while?" Hindi ko alam kung sino ang kausap ni prof at hindi ko din marinig kung anong pinag-uusapan nila.

"Ms. Tamayo, may naghahanap sayo." Teka, ako yon diba? Apelyido ko yon diba?

"Ha? Ako po?" Turo ko sa sarili ko.

"Yes, Ms. Tamayo, ikaw nga." So, ako nga? Sino naman ang naghahanap sakin? At bakit nila ako hinahanap?

Tumayo na ako at lumabas na ng room. Asan na yung naghahanap sakin?

"Hey!"

"Ay! Kabayo ka!" Sino ba yon? Bakit bigla bigla nalang kasi siyang sumulpot sa likod ko? Tapos ginulat pa ako.

"Mukha ba akong kabayo? Ang sama mo naman." May pagtatampo sa tono ng boses niya. Siya kasi eh.

"Sorry. Nagulat lang kasi ako eh. Sorry talaga. Di ka mukhang kabayo. Ang gwapo mo nga eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Boy and The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon