TBBATN: 1 - New Friend
Yumi's POV
"Nay, alis na po ako." Paalam ko kay Nanay habang naglilinis siya. Sandali siyang tumigil sa ginagawa niya at humarap sakin.
"Osya, sige anak. Mag-iingat ka, ha?" Paalala ni Nanay sakin.
"Opo nay!" Hinalikan ko na siya sa may pisngi at umalis na ako papuntang eskwelahan.
Naglalakad lang ako papunta ng eskwelehan para makatipid ako dahil minsan kung ano-ano ang binabayaran sa eskwelahan para naman kahit papano may pang gastos ako. Maaga akong gumigising dahil malayo-layo ang lalakarin ko papuntang eskwelahan. Halos isang oras ko din itong nilalakad. Nakakapagod, oo, pero tinitiis ko lahat para sa mga magulang at kapatid ko ng makapagtapos ako at matulungan ko sila sa gastusin at maihaon sila sa hirap balang araw.
Mahirap lang kami, si Nanay umeextra extra lang sa paglalabada o kaya pag-aalaga ng bata. Si Tatay naman sa isang construction site lang nagtatrabaho. Di sapat ang kinikita ng mga magulang ko dahil may tatlo pa akong kapatid na nag-aaral. Kaya pinagsisikapan ko talagang makatapos ng pag-aaral para makatulong ako sa magulang ko.
Balak ko sanang maging working student para may maitulong ako sa mga magulang ko. Pero di pumayag si Nanay dahil baka daw mapabayaan ko ang pag-aaral ko at mawalan ako ng scholarship. Oo, scholar ako sa isang sikat na unibersidad dito sa Pilipinas na nagngangalang Elite University.
Nakapasok lang ako dito dahil matalino ako. Isa akong nerd kumbaga, yan kadalasan ang tawag nila sakin. Isa ako sa mga maswerteng estudyante na nangangarap na makapasok sa Elite University. Di ganon kadali ang makapasok dito hindi dahil matalino ka na makakapasok ka na. Marami ka pang dapat asikasuhin. Maraming hirap din ang naranasan ko makapasok lang ako dito. At nagpapasalamat ako dahil nasuklian lahat ng paghihirap ko.
Pero di rin ganon kadali ang naging college life ko sa Elite University. Dahil ang Elite University ay kung saan nag-aaral ang mga...
Mayayaman,
Magaganda,
Gwapo,
Spoiled Brat,
Mayayabang,
Matapobre,
Bitch at Jerk na mga estudyante.
Pero meron din namang mga mayayaman na estudyante dito na katulad ko...katulad ko na isang nerd at hindi mayaman.
Maraming nagtangkang mangbully sakin, pero hindi ko hinayaan na gawin nila sakin yon. Dahil lalabanan ko sila kung kinakailangan at kung nasa tama ako. Hindi ako katulad ng mga ibang nerd dyan na nagpapaapi at binabalewala nalang ang pananakit at panghuhusga sa kanila ng ibang tao. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nila kami tinatrato na iba? Tao lang naman kami katulad nila, niyo. Oo, masakit kami sa mata dahil sa itsura naman na manang manamit, may makapal na salamin, nakapusod ang buhok at maraming dalang libro. Pero hindi dahilan yon para pagkatuwaan kami at saktan nalang.
Nandito na pala ako sa harap ng Elite University ng hindi ko namamalayan. Grabe! Ang sakit ng paa ko.
"Goodmorning po, Manong Guard!" Nakangiti kong bati sa guard pagpasok ko.
"Goodmorning din sayo, iha. Mukhang pagod na pagod ka?" Tanong niya sakin.
"Ang haba po kasi ng nilakad ko eh."
"Ahh. Osige, pasok ka na. Baka malate ka pa."
"Ayy! Oo nga po. Sige po, una na ko." Paalam ko at tumakbo na papunta ng room.

BINABASA MO ANG
The Bad Boy and The Nerd
Novela JuvenilAll rights reserved 2015 © jinyuuu Credits to @itsKeithAshley for the cute book cover! ^_^