Prologue : A Secret of an Angel

562 44 9
                                    

Prologo : A Secret of an Angel

Rancho Montemayor, Ikalawang bayan

El Paradiso Island

Years Ago


(Play the chapter theme song Akap by Imago / 

CTTO: Lyrics, videos and images for this novel)


"O, bakit ka nandito?" gulat na tanong Shadow ng makita si Elle sa Rancho Montemayor.

Nasa loob ng kuwadra si Shadow habang inaayos nito ang mga kabayo niya ng bumungad si Elle sa pintuan ng kuwadra.

"Naiinis ako." nakangusong sabi ni Elle sabay pasok sa kuwadra at pabalag na naupo sa sofa.

Napatitig si Shadow kay Elle, dalaga na ito pero kung umasta ito parang batang walong taon gulang. Halatang spoiled ito sa paraan ng pagsasalita, galaw o kilos nito na wala man lang hiya o hindi man lang nahiya sa kanya na kung tutuusin private room niya iyon.

"Bakit naman?" sabi ni Shadow na nanatiling nakatitig kay Elle dahil, ultimate crush niya ito. Iyon nga lang naunahan siya ni Wine pomorma dito, nahihiya kasi siya dati ng una niyang makita ang batang si Elle na dalawang taon pa lang yata noon.

Maganda kasi ang babaeng kaharap, at ang nakakaakit lalo dito ang mga mata ni Elle na namana sa mga Valiente, kulay itim na parang naghihipnotismo, pero hindi tulad ng mga lalaking Valiente nakadagdag sa awra ni Elle ay kapag ngumingiti ito, na namana sa ina nitong si Ellie. Kaya naman parang double hypnotism ang ginagawa ng babaeng kaharap sa mga nakakasalamuha nito. Sa paraan ng pagtitig nito at sa pagngiti nito.

"Hindi ako tinatawagan ni Grape Wine, nagbreak kasi si Kuya at ang ate niya. Kung tutuusin labas dapat kami doon kaso parang big deal sa kanya." inis na sabi ni Elle na may pagpadyak.

Napangiti si Shadow, nang siya talaga ang nilapitan ni Elle. Kaunti lamang ang babae sa grupo nila. Si Yummy ay nasa kumbento, si Winter ay may asawa na, at si Adira... huh! May sarili din mundo, ang mundo nilang dalawa.

Pero ngayon pumasok ang spoiled brat na pinsan ng nobya niya at tila wala nga ito sa mood, tipikal na brat rich kid at sa ganoong ugali doon sila magkaparehas ni Elle.

"So, bakit dito ka pumunta?" sabi ni Shadow.

Napangiti si Elle na ikinatitig lalo ni Shadow sa dalaga dahil si Elle ang tipo ng babaeng hindi na kailangan mag-effort para maging kaakit-akit dahil sa simplehang gesture nito tulad ng pagngiti nakakahuli at agaw ito ng atensyon.

"Magpapansin ako kay Grape Wine, nang sa ganoon sa akin lang uli ang atensyon niya." sabi ni Elle sabay tayo nito at nilapitan si Shadow.

"Anong papansin naman ang gagawin mo, Miss Elle?" tanong ni Shadow.

Napangiti ng pilya si Elle na halatang inosente ito sa gagawin at hindi alam ang papasukin nito kung sakali.

Nang makalapit si Elle kay Shadow inilagay ni Elle ang kamay sa batok ni Shadow at hininaplos iyon na ikinangisi ng binata.

"Mahal mo ba ako?" nakangiting sabi ni Elle.

Napangiti si Shadow alam niyang nakikipaglaro si Elle dahil may gusto itong kuhanin....si Wine.

At alam ni Shadow na ginagamit siya ng dalaga para kunin uli ang atensyon ni Wine na alam niyang, nag-iisip lang naman ang kaibigan na si Wine tungkol sa kapatid nitong si Chhaya.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon