Kabanata 17 : Puding

474 47 19
                                    

Kabanata 17 : Puding

Cliff


"Okay lang kayo?" tanong ni AJ ng lapitan nito ang sixtuplets na nakaupo sa cliff at nakatanaw sa papalubog na araw ng isla.

"May problema?" tanong ni Burn sa mga pinsan ng hindi nagsalita ang isa man sa mga ito.

"Inuman gusto niyo?" nakangising sabi ni Alex sa anim na makukulit na bata.

"Meron ba?" sabi ni Laszlo.

"Oo, ito." sabi ni Hades sabay upo at abot ng bote ng alak sa anim na bata na ikinailing ni Amon sa kalokohan nila Hades, Burn at Alex ng ibigay ang tig-iisang bote sa sixtuplets

Kinuha ng anim ang tig-iisang bote saka iyon tinungga ng mga ito ng sabay-sabay pero naibuga rin ng mga ito ang nainom ng sabay-sabay ng malasahan ang kakaibang lasa na alam nilang hindi alak.

"Hahahha! Bawal pa kayo uminom." natawang sabi ni Alex na ikinatingin ng anim sa tatlo na nagbigay sa kanila ng bote.

"Hahahaha! Ang papangit niyo." sabi ni Burn na ikinatawa nila Hades at Alex.

"Ihulog ka kaya namin para tuluyang mabali iyang braso mo." sabi ni Otto kay Burn na ikinatawa ni Burn sabay atras nito dahil may pilay na naman ito gawa ng anim na pinsan.

"Ano ba kasi ang iniisip niyo?" sabi ni Amon na naupo sa tabi ni Laszlo.

"Mukhang nagkakalabuan nga talaga sila Papa at Mama." sabi ni Otto.

Napatingin ang limang binata sa isa't isa sa sinabi ni Otto.

"Hindi kami papayag na may magyelong tuluyan." sabi ni Laszlo.

"Tama kasi kami ang brgy. LOVERS na nagbibigay saya sa nanlalamig na puso." sabi ni Otto

"Anong gagawin niyo?" tanong ni Amon.

"Paiinitin namin para umalab." sabi ni Viggo.

"Paniningasin namin ang baga." sabi ni Ezio

"Wow! Magluluto kayo sa pugon?" sabi ni Burn na ikinatawa nila AJ,Amon, Hades at Alex at ikinatingin naman ng anim na bata kay Burn.

"Paliliyabin namin ang init." sabi ni Rollo.

"Papatayin namin ang lamig." sabi ni Shiloh.

"Nice, so kailangan niyo ng tulong sa panggatong?" nakangising sabi ni Alex na ikinatingin ng sixtuplets sa kanya.

"May balita sa bayan, at habang tumatagal lalong lumalaki ang isyu." sabi ni Laszlo.

"Sabi ni Papa, wala lang iyon at huwag gawin problema ang mga bagay na sisiw lang naman." sabi ni Burn.

"Walang puwede maging anak si Papa." sabi ni Laszlo

"Tama, ang dami na nga namin meron pa sa labas." sabi ni Otto.

"Baka nga isyu lang kaya huwag niyong dibdibin at problemahin ang tsismis." sabi ni Alex.

"Huwag problemahin? Langya iyong batang sinasabing kapatid namin walang piso. Ang baon nga namin pipti pa rin, humihingi pa sa amin ng piso." sabi ni Viggo.

"Ano iyon? May dagdag bata walang dagdag kita." sabi ni Ezio.

"Sino bang bata?" tanong ni Aj.

"Iyong batang mukhang piso na mabaho ang hininga." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng limang binatang pinsan ng anim.

"Hahaha! Paano mo nalamang mabaho?" natatawang sabi ni Amon habang tumatawa sila AJ, Bur, Hades at Alex sa itsura ni Shiloh na inaamoy ang sariling bunganga nito sa pagbuga sa kamay nito.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon