Kabanata 29 : Bakas

380 32 1
                                    

Kabanata 29 : Bakas


"Good afternoon, Sir." sabi ni Aira ng bumungad si Wine sa likod bahay kung saan naglalaba siya.

Napatingin si Wine kay Aira, napangiti ito ng makita ang katulong nila AJ. Napatitig si Wine sa babaeng kaharap maganda ang ito at na para sa kanya may dating.

Nang tingnan naman si Aira ni Wine napaiwas ito ng tingin na tila nailang ito sa paraan ng tingin ni Wine sa kanya lalo na ng ngumiti ang lalaki.

Napangisi si Wine ng umiwas ng tingin si Aira saka nito tiningnan ang ginagawa ng babae. Mga kubrekama ang nilalabhan nito na ginamit ng mga bisita. Naroroon din ang kumot at mga punda.

"Marami at mabibigat ang mga nilalabhan mo. Kaya mo ba?" sabi ni Wine kay Aira.

"Yes, Sir. May washing machine naman po." sabi ni Aira.

"Mabibigat iyan." sabi ni Wine.

"Okay lang sir. Paglabas naman sa washing machine nakadryer na." sabi ni Aira.

Napakunot ang noo ni Aira habang pasimpleng pinagmamasdan si Wine, nakatayo ito sa pintuan ng likod bahay kung saan nasa tapat naman siya ng washing machine na di kalayuan sa lalaki.

"Pagsampay kaya mo?" sabi ni Wine.

"Oo naman sir." sabi ni Aira pero nagulat ito ng lumapit si Wine sa tabi niya.

Napaigtad si Aira ng mahagip o masanggi ni Wine ang balat niya kaya napaurong siya.

Napangisi naman si Wine sa reaksyon ni Aira kaya muli itong nagsalita.

"Ilang taon ka ng labandera? I mean katulong?" sabi ni Wine habang lihim na pinagmamasdan si Aira. Nakasuot ang babae ng duster na pangkaraniwang sa mga pobre. Ganoon kasi ang madalas na suutin ng na pambahay ng nanay niya at nakikita lang ni Wine iyon sa mga tao o babaeng lumaki sa hirap na hinda sanay magsuot ng mamahalin sa bahay tulad ng asawa niyang si Elle.


"Ahhmmm. Matagal na po."
sabi ni Aira na hindi niya alam ang isasagot dahil hindi naman siya sanay na may nagtatanong sa kanya, ngayon na mahirap na siya o katulong ang katauhan niya sa lahat.

"Ahh! So saan kayo nagkakilala ng asawa mo?" sabi ni Wine na ikinatingin ni Aira dito.

"Sir, interview po ba ito?" sabi ni Aira.

Napangiti si Wine saka ito sumandal sa washing machine at humarap kay Aira.

Napalunok si Aira, dahil dati pa naman naguguwapuhan na siya kay Wine, kaso hindi niya ito tipo o dahil alam niyang may binabakuran na ito. At iyon ang pinsan niyang si Elle. Kaklase niya si Wine at kaibigan ng kuya niya at ng asawa niyang si Shadow pero never naman siya nitong tiningnan ng may paghanga hindi tulad ngayon na tila nagagandahan ito sa kanya. O siguro dahil iba ang mukha niya kaysa dati.

"Oo, parang ganoon na nga kasi katulong ka namin at dito ka nakatira sa bahay ko kaya siguro naman may karapatan ako magtanong sa backgrpund mo." sabi ni Wine na ikinaiwas ng tingin ni Aira ng ngitian din siya ni Wine.

"Hindi naman Sir sa ganoon." sabi ni Aira.

"So, sagutin mo na lang." sabi ni Wine.

"Okay. Magkababata kami ni Monty." sabi ni Aira.

"So, kayo na noong bata pa lang kayo?" sabi ni Wine na napakunot ang noo.

"Parang... oo o hindi." sabi ni Aira ng maalala ang nakaraan.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon