Kabanata 1 : Responsibilidad
Glass House, Heather Island
Present Day
"Kumain na tayo." sabi ni Elle kay Wine ng umagang iyon habang naghahanda siya sa mesa ng pagkain ng makababa si Wine mula sa ikalawang palapag ng Glass House kung saan sila nakatira mag-asawa.
Nang hindi nagsalita si Wine tiningnan ni Elle ang asawa. Hindi pa rin siya pinansin ni Wine at nagmamadali itong lumabas ng bahay kaya sinundan niya ito.
"Hindi ka kakain." sabi ni Elle
Ilang buwan na ang nakalipas ng mapansin ni Elle na tila kakaiba si Wine, ngayon lamang ito nangyari sa mahigit fourteen years na nilang kasal at ilang taon na rin naman sila magkasama mula ng mamulat siya.
Kababata niya si Wine, matanda sa kanya ito ng ilang taon pero naging dikit ito sa kanya na kinasanayan naman niya habang lumalaki siya.
"Nagmamadali ako may kliyente ako." sabi ni Wine ni hindi man lang nilingon si Elle
Sinundan ni Elle hanggang labas ng bahay si Wine. Kahapon dumating ang kuya niya kasama ang asawa nito at mga anak kung saan kakapanganak pa lang ni Chhaya, asawa ng kuya niya. At kung saan din nagkaroon ng party sa bahay nila para sa welcome party sa pamilya ng kuya niya. Pero mula pa kahapon hindi niya nakita si Wine na nakihalubilo sa mga kagrupo na kasama siya. Nakipag-inuman naman ito pero kapag lumalapit siya lumalayo ito.
"Nagluto ako ng almusalan, tuyo at sinangag." sabi ni Elle ng maabutan si Wine papasakay na ng kotse nito.
"Naghihintay ang kliyente ko." sabi ni Wine na agad sumakay ng kotse niya.
"Ilang araw ka ng hindi kumakain dito ng almusalan." sabi ni Elle ng mabilis na nakalapit sa kotse ni Wine at dumungaw sa bintana nito
"Nagmamadali ako." sabi ni Wine
Napatitig si Elle sa asawa, nagsimula maging malamig si Wine ng biruin ito ng kuya niya na halatang sineryoso nito.
Hindi naman kasi palabiro ang kuya niya. Lahat ng sinasabi nito seryoso para sa lahat. Malayong malayo ito sa apat na kagrupo nito na kung biruin siya ay kakaiba.
"Tumabi ka na aalis na ako." sabi ni Wine na ikinaatras ni Elle.
Pinaandar ni Wine ang makina habang hindi tumitingin kay Elle.
Hindi na umimik si Elle habang nakatingin lang kay Wine. Nakaramdam siya ng lungkot kaya napaluha siya dahil sa ilang taon na pagsasama nila ni Wine tulad lang pala sila ng ibang mag asawa na mawawalan ng init. Tama dahil sa ilang buwan na naging malamig ito ng pakikitungo sa kanya naging malamig din ang kama nila.
Mula sa gilid ng mga mata ni Wine ng mapatingin sa side mirror, nakita niya ang pagpunas ng luha ni Elle. Busy siya sa trabaho lalo na at lumalaki na ang mga anak nila. Nahinto na rin sa pagmomodelo ang quintuplets nila kaya walang pera pumapasok na extra sa malaki nilang pamilya ni Elle kaya kayod kalabaw siya para matustusan lahat ng pangangailangan ng pamilya niya.
Mayaman sila oo pero naniniwala siya na nauubos ang pera at ayaw naman niya madanasan ng mga anak niya ang naranasan niyang hirap noong nasa panahon sila ng taghirap kung saan siya lahat ang nagbuhat.
"Maaga ako uuwi mamaya." sabi ni Wine saka nito pinaandar ang kotse na ikinaluha ni Elle ng mabilis na naglaho sa paningin niya ang kotse ng asawa.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...