Kabanata 2 : Me-eeting

395 47 10
                                    


Kabanata 2 : Me-eeting

Heather School


Kanina pa nakatulala si Elle habang nasa classroom ng sixtuplets kung saan isinasagawa ang meeting. Naboboring na kasi siya, kung dati kasi kasama niya si Wine na lagi siyang kinukuwentuhan, pero ngayon nakakaramdam siya ng pagkabagot.

Sa lahat pa naman ng ayaw niya ang dumalo sa mga meeting, lalo na sa school meeting na pakiramdam niya paulit-ulit lang naman ang sinasabi at paikot-ikot.

"Hays! Kung direct to the point na lang tapos na sana. Kailangan pa ba magkuwento ng talambuhay nila." nababagot na sabi ni Elle sa isip na ang isang oras na meeting ay nakalagpas na ng dalawang oras dahil lahat ng tagapagsalita ay nagkuwento na ng mga buhay at karanasan.

Napahingang malalim si Elle, sa public school nag-aaral ang mga anak niya. Wala naman kasi pribadong paaralan sa islang iyon. Kaya naman nakakasalamuha niya at ng mga anak niya ay mga mahihirap. At ang kinaiinis pa niya sa meeting na iyon lahat ng nanay pabida na naikinabubweset niya lalo, dahil tumatagal sila lalo sa meeting na paikot-ikot-ikot lang.

"Uyyy, himala hindi mo kasama ang asawa mo. May LQ?" sabi ng isang babae na ikinatingin ni Elle dito.

Napangisi si Elle ng makita ang babae, ang babaeng walang sawang nambubuweset sa kanya....

.... si Dulce.

"Care mo?" sabi ni Elle na napataas ang kilay.

"Wala lang, napansin ko lang." sabi ni Dulce.

Napangisi si Elle, sa ilang taon na niyang paninirahan sa isla na iyon alam na niya ang karakas ng mga babae na habang tumatagal lalong lumalala.

Ang Heather Island ay maliit na isla, kaunti ang populasyon kung saan mas marami ang babae sa lalaki. Kaya naman kahit saan ka tumingin puro babae ang makikita mo.

Isama pa na kakaiba ang mga babae sa islang iyon, dahil naglipana ang mga babaeng haliparot tulad ng nasa harapan niyang babae na ikinabubuweset niya kanina pa. Nakasuot ba naman ito ng fitted leggings kung saan hapit din ang pang itaas kaya halos lumuwa ang dibdib nito na hindi naman sinisita ng mga guro sa naturang paaralan.

Paano sisitahin? Kahit sitahin ng mga guro ang mga babaeng tulad ni Dulce ay hindi naman nakikinig at sa kasong iyon maraming tulad ni Dulce sa isla.

Ang lugar na iyon ay puntahan ng mga lalaki sa mga kalapit na isla. Dahil kung titingnan naman kasi, mga seksi ang mga babae sa Heather Island. Sexy pa mananamit na nakakaakit talaga. Kaya nga buong buhay niya mula ng ikasal sila ni Wine o makita niya ito uli hindi siya humiwalay dito sa takot na mapikot at maagaw ito ng iba.

Bukod na nga lang sa mga nakaraang buwan kung saan lagi sila magkahiwalay dahil mula ng nangyari ang trahedya sa lolo Rod niya at sa grupo nito. Isama pa ang pagkamatay ng buong pamilya ni Shadow. Naging busy si Wine, busy na umabot sa punto na halos hindi na sila nagkakausap at nagkikita o kahit nga mga ginagawa nito hindi na niya alam at macheck dahil busy na rin siya sa bahay.

Na halos pati ang buong grupo lalo na ang pamilya nila ni Wine ay naapektuhan ng malaki sa mga nangyaring trahedya hindi lang emotionally kundi financially.

"Uy, okay ka lang?" nakangising sabi ni Dulce pero laking gulat nito ng hampasin siya ni Elle ng dala nitong bag na mamahalin na ikinatingin ng lahat sa dalawa.

"Aray!" sigaw ni Dulce na ikinangisi lang ni Elle

"Ayyy, mga nanay huwag po tayong ganyan. May mga bata po at eskuwelahan ito." sabi ng isang guro na agad nagsilapitan ang ibang guro kay Elle at Dulce para awatin ang mga ito.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon