Prologue

8 0 0
                                    

I thought life will be so much easier after you graduate. I thought wrong.

"Morana, Wenslet Yen!" The emcee called my name and started mentioning my course and some of my achievements in school. I stood up and went to the stage to receive my diploma. I shook hands with the admins, bowed to everyone, and went back to my seat.

"Hoy! Ngiti ka naman diyan!" usig sa 'kin ni Katie, the blockmate who unknowingly became my best friend. Napatawa tuloy ako.

"Mapapangiti ka lang naman nga talaga kung pati sa college graduation mo'y MIA ang parents mo, diba?" I sarcastically laughed. She heaved a breath.

"I'm Wenslet Yen Morana, twenty-three years old, I graduated with a Cum Laude in Lend'l Adamson, Major in BA Film Studies. I have achieved multiple awards in AKIN Festival such as Best in Historical Movie, Mahusay na Pag-usig, Best Director, and Best Producer in my college journey. I can say, for instance, that the highest award I have obtained during my time is the Best Producer and Director in DIRI TA Festival which was believed to be one of the most important film festivals."

I took a deep breath. I am currently sharing my credentials in front of the directors that will examine us, fresh graduates.

"Keep going," sabi ni Direk Garry Doctrino, isa sa mga iniidolo kong direktor sa industriya- na isa rin sa mga nag-eexamine sa 'min ngayon.

"Well, I was also one of the writers of Dali Ra Maatik, a historical film set in the time of 1800s. This short film of ours gained three awards in Holistica Music Shows and won the Best in Film category in GYLENs Film Festival."

Napatango-tango silang lahat kaya alam kong na-impress sila sa lahat ng mga pinagsasasabi ko. Not to brag, pero marami talaga akong nakamit na awards noong college pa ako dahil mahal ko ang kurso ko. Ang LILA ay isa sa mga kumpanyang gustong-gusto kong mapasukan dahil doon nagtatrabaho lahat ng tinitingala kong direktor, producer, artista, etc.

Kaya naman laking gulat ko nang i-reject ako ng LILA. With all my achievements, they chose to reject me? Seriously? Ang masaklap pa'y si Mr. Ortiga ang nagdeklarang hindi ako tanggap. Si Richard Romeo Ortiga, o mas kilala bilang direk RR, ang pinakatinitingala ko talagang direktor sa buong buhay ko.

Imagine my despair when I heard his words.

"We are very sorry Ms. Morana but I believe your skills are still quite lacking in some categories-"

"Richard! What are you doing?!" paharas na bulong ni Elliot Sarmiento, isang sikat na producer dahil sa edad na 27 ay marami na siyang naiproduce na magagandang teleserye.

Mr. Ortiga looked at him and sighed. "I am the one in charge of this examination, Elliot. I dug through her background and I admit, her credentials are quite impressing but after seeing the sample video, I don't think her style is fit for our company."

Elliot Sarmiento sighed and didn't talk back. Napayuko naman ako. Is this really it, Yen? Lahat ba ng pinaghirapan ko e masasayang na lang? Hindi ba talaga sapat ang credentials ko? Tangina.

Napatikhim ako at tumango. "It was an opportunity to share my achievements with you, ma'am and sir. I hope to improve and present my betterment the next time I apply. Thank you for your time and God bless."

Mapakla akong natawa. "Tangina! Sa'n ba ako nagkulang, Lord! Ginawa ko naman lahat! Bakit hindi pa rin sapat?! Sumunod na lang ako diyan sa taas! Punyetang buhay 'to!" sigaw ko habang nasa gilid ng Diamond Avenue at umiinom ng alak.

Alas onse na ng gabi pero hindi pa ako umuuwi dahil alam kong bubungangaan na naman ako ng pamilya ko na kesyo ay three months na simula no'ng grumaduate ako at wala pa rin akong maayos na trabaho.

Tangina sila nga 30 years nang walang maayos na trabaho, nagreklamo ba 'ko? Kahit sa graduation ko nga imbis na magpakita ay nag-inuman pa sa kabilang bahay! Punyeta!

"Gusto ko na mamatay!" I shouted so loud. Malimit lang ang dumadaan dito sa street na 'to dahil sa kabilang kanto ay doon na ang highway. Maliwanag naman dito dahil kaharap ng mga naglalakihang building ng mga Romualdez kaya hindi rin ako mananakawan. As if din namang may mananakaw sila sa 'kin e halos 'di na nga kasya ang pera ko dito para makauwi ng bahay.

Hindi ko na kaya ang sobrang bigat sa dibdib na talagang kinayanan ko nang umiyak sa gilid ng kalsada. Lasing na ako kanina pa pero gusto ko ulit uminom. Nilabas ko iyong red wine na binili ko sa 7/11 at iinumin na sana kaso lang ay natapilok ako.

"Putangina talaga!" I cried. Grabeng malas naman ata 'to?! Wala naman akong balat sa pwet, ah!

Hindi ko na napigilan ang sarili at humiga na lang din sa kalsada katabi ng mga basag-basag na butil galing sa bote ng wine. Naramdaman ko ring kumalat na ang laman nito dahil parang nababasa na ang buhok ko.

Mapakla akong natawa habang nakapikit ang mata. This is it, Yen. You are at your lowest in the middle of the streets. You risked everything for this. You believed in yourself. You did everything you could.

It's okay, Yen. May bukas pa naman siguro.

Obstacles of MaturityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon