Chapter 1

7 0 0
                                    

Fuck.

I messed up. Badly.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagising sa isang kuwarto at kung paano ako nakarating sa kuwartong 'to, basta ang alam ko lang ay hindi ganito kaganda ang bahay namin.

"Na-kidnap ba ako?" bulong ko. Agad kong kinapkapan ang sarili ko. Wala namang nawawala- I mean wala namang mawawala sa 'kin talaga. Pero nakadamit naman ako. Mukhang 'di rin naman ako nagalaw.

Shit. Nasa'n ba 'ko?

"Ah... Gising ka na pala." Napatingin ako sa bukana ng pintuan. There, I saw a man standing. He's at least 5'11 but he probably says he's a 6 footer. Still tall, actually. Medyo malaman ang katawan at maitsura naman, in fairness. I can say that he's rich so I concluded that I wasn't kidnapped but instead, saved.

Kung siya na lang kaya ang nakawan ko?

Agad kong pinilig ang aking ulo. Manahimik ka nga, Yen! 'Di porket hindi ka natanggap e magiging barumbado ka na! Apply na lang tayo sa katunggaling kumpanya ng LILA, okay! Fix your thoughts!

Tinakpan ko ang sarili ko ng kumot. "Ah... Sino ka?"

He stared at me for awhile and laughed. "I'm Jacob. I found you on the streets last night. I thought you were harmed or so since there was "blood" but turns out it was just the spilled wine. I insisted to house you dahil baka mapa'no ka pa. Are you okay?" he explained.

Englishero. Mayaman nga 'to. Nakawan ko na lang kaya talaga siya? Nang may makain naman ako sa susunod na mga araw. Lecheng buhay 'to.

"Ewan," sagot ko. "May kutsilyo ka ba diyan?"

Tumabingi ang ulo niya. Mukhang naguluhan pa sa kung ano dapat isasagot. "Yes... Nasa kitchen. Bakit?"

I gestured my hand. "Pahiram nga, sasaksakin ko lang sarili ko." His jaw dropped. Like drop-drop. He regained his poise and cleared his throat.

"Unfortunately, I cannot let you do that in my condo. How about you wash yourself first and eat after? I've got some unisex clothes here, you can use it for the meantime."

I sighed, "Kapag naligo ba ako, magkakatrabaho na ako?" I asked. 'Di siya nakasagot. "Hindi naman, diba? Kaya, akin na. Sasaksakin ko na lang sarili ko."

Bumuntong-hininga siya. Lumapit siya sa akin at hinila ako papuntang banyo. Agad akong nagpumiglas.

"Hoy! Punyeta ka, ano ba! Hindi kita kilala huwag mo akong hawakan! Putangina-" Nasapak ko tuloy siya pero nasa loob na ako ng banyo. Hinimas niya iyong parte ng mukha kung saan ko siya nasapak.

Nag-iwas ako ng tingin. Nababaliw na ba talaga ako? Bakit ko siya sinapak?! Yen, tinutulungan ka na nga, oh!

He handed me a towel. "Sorry kung nabigla ka. Here's your towel-" I cut him off by also punching myself. Muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan niya.

"God! Baliw ka ba?!" he exclaimed. "Why would you punch your face for Pete's sake!" I looked at him and got the towel.

"This is how I cope. Now if you may excuse me," saad ko at isinirado ang pinto ng banyo. I heard him mutter something as he exit the room but it was inaudible so I had to shake it off.

Nilibot ko ang tingin sa buong banyo. I sighed. "Mas malaki pa 'tong banyong 'to kaysa sa kuwarto ko sa amin," bulong ko.

Some people are really just lucky in life, 'no?

I heaved a breath. Ililigo ko na lang 'to at amoy wine na ang buhok ko.

"Good morning," bati nitong Jacob sa 'kin pagkalabas na pagkalabas ko isa sa mga kuwarto nitong condo niya. Sinuot ko iyong hinanda niyang boxers at malaking T-shirt sa kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obstacles of MaturityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon