Kabanata 3 : Ina at Asawa

393 42 4
                                    


Kabanata 3 : Ina at Asawa

One Hour later


Kanina pa nakatayo si Wine sa harap ng kama nila ni Elle habang tinitingnan ang mahimbing na natutulog na asawa na humihilik pa.

Napahingang malalim si Wine saka ito umupo sa kama at masuyong hinaplos ang mukha ni Elle.

........................

Flash back

Hours ago

"Mama, kumain ka na po." sabi ni Shiloh sa ina habang nakatingin lang ito sa kanila.

Kanina pa nagsimula kumain ang sixtuplets at quintuplets, at matapos paghandaan ni Elle ang mga anak pumunta pa ito sa sala at naglinis uli saka ito naupo sa hapagkainan para samahan ang mga anak na kumain, pero nanatili itong nakaupo lang.

"Mamaya anak, mauna na kayo." sabi ni Elle habang nakaupo siya sa harap ng hapagkainan at nakatingin sa mga anak.

"Mama, kain ka." sabi ni Periwinkle ng makita ang ina na nakatitig lang sa kanila.

"Okay sige." sabi ni Elle na tila natutulala siya sa pagod.

"Mama okay ka lang po ba?" tanong ni Laszlo sa ina.

"Oo naman." sabi ni Elle na kumuha ng kanin sa plato pero hindi ito kumuha ng ulam.

"Mama ulam." sabi ni Otto sa ina.

"Oo." sabi ni Elle sabay kuha ng patatas sa adobo.

Napatingin ang sixtuplets sa isa't isa ng sabaw lang ng adobo at patatas ang kinuha ng Mama nila at nagsimula ito kumain.

"Mama, manok." sabi ni Viggo sa ina.

"Okay na ito, patatas." sabi ni Elle sabay subo nito.

"Mama." sabi ni Ezio sa ina.

"Kumain na kayo." nakangiting sabi ni Elle.

Napalunok si Elle, dahil dalawang buong malalaking manok ang iniluto niya at ginawang adobo. Pero gusto niya maiyak dahil ngayon lang niya narealize na kulang iyon sa isang kainan ng mga anak niya. Kaunti na lamang ang natira sa kaldero at ayaw naman niya sawayin sa pagkain ang mga anak niya lalo na ang anim na batang lalaki dahil alam niyang malalakas talaga ito kumain at nagpapalaki ang mga ito.

"Mama, hati tayo." sabi ni Iris sabay bigay kay Elle ng manok na ikinangiti ni Elle.

Natahimik ang sixtuplets habang ang quintuplets ay hinihimayan si Elle ng manok ng mga ito.


Napangiti si Elle, mahina kumain ang quintuplets dahil siguro mga babae o nasanay sa lola ni Shadow o sa pagpapalaki ng magulang niya na kung saan kain mayaman sila. Hindi tulad sa pamilya ni Wine kain pangkanto boy na halos bumaliktad ang kaldero.

"Kumain pa kayo." sabi ni Elle habang pasimpleng tumingin sa kaldero ng ulam. Dalawang pakpak ang tira at nanalangin siya na sana mabusog na ang mga anak niya para may matira kay Wine na ulam.

Wala na rin kasi ulam na stock sa ref nila kaya kahit gusto niya magluto wala na siyang mailuluto. Hindi naman siya makapagrocery dahil hindi niya alam ang bibilhin at hindi niya alam kung paano mamili ng ulam. Lahat kasi na iyon ginagawa dati ng magulang ni Wine o ni Wine na isinasama lang siya. Hindi naman siya nangingialam dati sa mga ganoong bagay kasi iniisip niya nandiyan naman ang nanay ni Wine at may katulong naman sila.

H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon