Chapter 5

46 5 1
                                    

A/N
Twice a day ako mag uupdate, pang bawi sa inyo thank you sa pagbabasa😁

---------------------------

Who would have thought that my life will turn out this way?

Paano ko sasabihin kay mama ang sitwasyon ko ngayon?

Tulala akong naka tingin sa labas ng sasakyan ni Samira, habang siya naman ay abala sa pagmamaneho nang tumunog ang cellphone ko, na patingin naman s'ya sa'kin na tila ba nagtataka sa ringtone ko (pa'no ba naman kasi pang Nokia na may keypad yung ringtone ko).

At nang inilabas ko ang cellphone ko napansin Kong kumunot ang kilay nito at tiningnan ang cellphone ko na para bang may pagka disgusto. Nag iwas naman ako ng tingin at tiningnan kung sino ang tumatawag,hindi ko na lamang ito pinansin.

Si Jane. Hindi ko pa siya nakakausap simula kagabi, agad ko naman itong sinagot

"Hello Gab? kamusta ka? kelan magsisimula yung pagpapanggap niyo ni ate sam?". Sunud-sunod niyang tanong

Pumikit at bumuntong hininga naman ako bago sumagot.

"Actually kasama ko s'ya ngayon".Sagot ko naman sa kanya

Bigla namang lumingon sa direksyon ko si Samira, I gulped. Nakakatakot kasi yung tingin niya, at sobrang nakaka intimidate.

"A-ah s-sige na jane mamaya ka nalang tumawag" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay agad ang tawag.

She's now staring at me, na parang binabasa ang nasa isip ko.

"Who's that?" tanong niya

"S-si Jane po" agad kong sagot

"Friends lang ba talaga kayo?" tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Y-yes po sing high-school, at s-straight po ako" sagot ko naman dito.

"Okay sabi mo e, just don't interact with others while you're in a contract with me, ayoko ng maraming issue." Sabi niya nang may ha long pagtataray na ikinatango ko naman.

Ilang minuto ring nabalot ng katahimikan dito sa loob ng kotse

"I'll buy you a new phone later, get rid of that trash". She said habang nakatingin sa daan.

"Ahmmm ayos pa naman po ang cellphone ko hindi naman po siya sira." sabi ko habang kumakamot sa batok.

Atsaka hindi naman basura itong cellphone ko, sobrang tibay kaya nito, pwede pa nga tong pamato sa touching e.

She chuckled habang pinark ang sasakyan sa isang building. Agad siyang bumaba at sumunod na rin ako dito. Bigla namang may lumapit na lalaki na naka black suit at parang may ear piece pa may itsura naman ito, agad nitong kinausap si Samira

"Ma'am everythings settled and ready". Sabi niya at tumango naman si samira. nakakailang din tong isang to.

"Alright, get her things, also buy her a phone the latest one". She said. Magsasalita na sana ako nang biglang lumingon ito sa'kin at sinenyasan ako nito na sumunod sa kanya

"The money that you asked is already deposited in your account. ipadala mo nalang sa mama mo asap and dinagdagan ko din yun for your mom's medication and other needs". Sabi niya habang naglalakad kami papunta ng elevetor.

"S-salamat po ma'am Sam" Sabi ko habang nakatungong sumusunod sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sakin.
Sobrang lapit ng mukha niya, pinagmasdan niya ang buong mukha ko at syempre ganun din ako sa kanya. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko.

She's Worth itWhere stories live. Discover now