Kabanata 4 : Init
.........................
Kinabukasan
"Mama, kailan po tayo pupunta sa El Paradiso para tito Shadow?"sabi ni Shiloh sa ina.
"Kapag bumisita sila Papa sasabay tayo sa kanila papunta sa El Paradiso o kaya kapag bumisita si Kuya Autumn." sabi ni Elle sa anak.
"Sige po. Gusto ko kasi makita ang puntod niya, Mama." sabi ni Shiloh.
Napangiti si Elle, mula ng iligtas ni Shadow si Shiloh at Salinan ito ng dugo naging close ang anak kay Shadow. Lagi nito hinahanap ang lalaki, at natutuwa siya sa lagay na iyon dahil marunog tumanaw ng utang na loob ang anak.
"Si Papa." mahinang sabi ni Periwinkle kay Shiloh na katabo nito.
Napalingon si Shiloh at napangiti ito ng makita ang ama.
"Papa, kain po." nakangiting anyaya ni Shiloh kay Wine kinabukasan habang nasa hapag kainan na ang onseng anak.
Napatingin si Wine kay Shiloh, mula ng gumaling ito bukambibig ng anak si Shadow at lagi ito nagtatanong kung kailan pupunta sa mausoleo sa El Paradiso kung saan nakalibing sila Shadow at Adira.
"Kain na po." nakangiting sabi muli ni Shiloh na ikinatitig lang ni Wine sa anak.
"Wine." sabi ni Elle ng hindi sinagot ni Wine si Shiloh.
Napangisi si Wine ng wala sa loob kaya nagkatinginan ang sixtuplets sa reaksyon ng ama.
"Maupo ka na." sabi ni Elle kay Wine ng makita ang reaksyon ng sixtuplets na bumakas ang pagtataka sa mga mukha sa ginawa ni Wine.
"Mama, magbabaon po ako ng kanin." sabi ni Otto kay Elle ng makaupo si Wine.
"Okay sige." sabi ni Elle.
"Kami din po." sabi ni Laszlo na ikinangiti ni Elle saka napatango.
"Mas masarap ang luto mong ulam Mama." sabi ni Ezio na ikinangiti muli ni Elle.
"Salamat." nakangiting sabi ni Elle na kahit pagod siya sa simpleng salita ng mga anak niya na papuri naiibsan lahat ng pagod niya.
"Mama, kain ka po." sabi ni Iris kay Elle sabay bigay ng hotdog kay Elle na muling kinangiti ni Elle dahol kahit laging maingay ang mga anak ang mga simpleng gesture nito na sweet ay nakakapagpaligaya sa kanya.
Pinagmamasdan ni Wine ang mag-iina niya. Nagkukuwentuhan ang anim na anak na lalaki habang tahimik lang ang quintuplets na nagbubulungan.
"Papa, next month ipagdidiwang ang Family Month at may Family Day po sa school." sabi ni Laszlo.
"And?" sabi ni Wine na ikinatingin ng sixtuplets sa isa't isa dahil kung dati masayang nagbabato ng sagot ang ama sa kanila nag-iiba iyon na ipinagtataka nila.
"Pupunta daw tayo." sabi ni Elle na ikinatingin ni Wine kay Elle.
"Busy ako." seryosong sabi ni Wine.
"Papa, next month pa naman po iyon." sabi ni Otto."Tama po Papa. Maa-adjust niyo pa po iyong sked niyo." sabi ni Viggo.
"Kaya nga po Papa, sila Lisica at Uno nagsabi na sa parents nila. At sabi nila nasama na sila sa sked ng mga Papa nila na busy din." sabi ni Ezio.
Lihim na nagmamasid si Wine alam niyang lahat ay magsasalita sa sixtuplets.
"Sabi din nila Papa may sked na sila kaya bakante na iyon para sa kanila para sa family day." sabi ni Rollo.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...