Kabanata 5 : Duda
Glass House, Heather Island
"Pinabibigay ni Maam Venus, napadaan kasi ako kanina sa farm nila para humingi ng abono naubusan kasi kami sa farm. Tapos nakisuyo siya kung puwede dalhin sayo. Sabi ko sakto kasi pupunta ako kay Sir Autumn para kunin iyong damit na binili nila kay Laurent at malapit naman sa inyo." sabi ni Monty kay Elle habang titig na titig ito sa babae.
Napatingin si Wine sa lalaki, kaedaran niya ito. Katiwala ng pamangkin nila ni Elle na si AJ. May asawa ito si Aira, na siyang yaya naman ng anak ni AJ na si Laurent. Dumating ang lalaki kasabay ng pagdating ng pamilya ni Autumn mula sa NYC kung saan nakilala ng pamilya nito ang mag-asawa na TNT sa bansang iyon.
"Good morning Sir." napangiting sabi ni Monty ng titigan siya ni Wine.
Hindi umimik si Wine may nararamdaman kasi siyang kakaiba sa lalaking kaharap na hindi niya alam kung masamang tao ito at ang pinangangambahan niya na baka saktan nito ang pamilya niya. Pero hindi dahil may iba pa siyang nararamdaman dito.
"Wow! Namili pala si Nanay. Hindi na ako pupunta ng palengke." masayang sabi ni Elle dahil isa iyon sa problema niya ang pamamalengke.
Napangiti si Monty ng sabihin iyon ni Elle.
"Bakit Maam nandidiri ka po ba sa amoy at basang palengke?" nakangiting sabi ni Monty na ikinatalim ng mga mata ni Wine sa paraan ng pagtatanong ni Monty.
Napangiti si Elle sa sinabi ni Monty na ikinakunot ng noo ni Wine.
"Umalis ka na." sabi ni Wine na akma sasagot si Elle sa tanong ni Monty.
"Sir?" gulat na sabi ng lalaki kay Wine.
"Lumayas ka at huwag ka ng pupunta dito." sabi ni Wine pero nagulat si Wine ng makita ang pagngisi ng lalaki na nagngangalang Monty."Si Sir naman, inutusan lang ako ng nanay niyo. Kasi hindi na pala sila dito nakatira." sabi ni Monty at ng mapatingin ito sa pintuan ng bahay napangiti ito ng makita ang onseng bata.
"Hello po!" sigaw ng limang batang babae kay Monty.
"Wow! Parang school lang. School of fish! Hahaha!" natawang sabi ni Monty na ikinakunot noo ni Wine dahil sa ilang araw pa lang ng lalaki sa lugar nila madali ito naka-adopt na tila alam nito ang lugar at tila kilala nito ang lahat ng tao lalo na ang pamilya niya na nakapagpalagayang loob nito agad, na para sa kanya delikado ang mga ganoong tao.
"Hahaha! Grabe ka. Mga anak ko iyan." natawang sabi ni Elle na ikinatingin ni Wine sa asawa dahil kahit si Elle mabilis na nakasundo ang lalaki.
"Arhhhm." tikhim ni Wine saka nito kinuha ang mga dala ni Monty na basket na galing sa nanay niya.
"Salamat." sabi ni Elle kay Monty at akmang tatapikin nito ang braso ng lalaki ng magulat ito ng humarang si Wine.
"Kakain na tayo." sabi ni Wine.
"Ha?" sabi ni Elle kay Wine.
"Kakain tayo Sir? Wow! May almusalan kayo." nakangiting sabi ni Monty na ikinatalim ng mata ni Wine dito.
"Lumayas ka sa harapan ko." sabi ni Wine kay Montym na ikinatitig ng mga bata kay Wine dahil sa reaksyon muli nito.
Kilala ng onseng bata si Wine bilang masayahin at hindi ito basta-basta nagagalit dahil mabait ang ama nila.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...