Faith Academy

127 7 9
                                    

STORY #2:

Title: Faith Academy
Author: Peyyyytttt_82 Peyyyytttt_82
Status: Completed
Chapters: 60
Language: TagLish
Genre: Spirtual-TeenFiction

COMMENT:

Ito po yung storya na sobra akong napa-mahal. Nabasa ko po ito nung last February lang at natapos ko nung April. Honestly, triny ko na talaga 'tong basahin nung last year pa lang, kaso hanggang chapter 1 lang ako, di ko na natuloy hehe. At ayun, praise God po kase nga natuloy ko basahin nito lang February.

Marami po akong napulot at natutunang aral rito. As in siksik po 'to sa aral at mga Bible verses. Medyo mahaba man, worth the read naman po! May mga bagay po ako ritong natutunan na dito ko lang natagpuan, at wala sa ibang storya. At higit po sa lahat, napamahal na rin ako sa mga karakter na naririto na di ko naranasan sa ibang storya na aking nabasa. May kakaiba kase sa story na ito eh. And it's up to you to find out kung ano po iyon! hehehe.

It's an ordinary academy story po. Yung mga storyang may bidang babaeng binubully at may lalaking magtatanggol sa kanya. Pero the only difference of this story po from the others is that... andito Si Jesus sa storya pong ito. At yuon po ang nagpapa-unique at nagpapaganda sa story'ng ito.

Plot: Kwento po ito ng isang babae named Elisha, na hindi naniniwala sa Diyos. She's like an atheist. Pero mula ng magtransfer sya sa isang eskwelahan (ang Faith Academy) Doon unti-unting na-bago ang kanyang buhay at paniniwala. Nakakilala sya ng mga kapwa nya kabataan/estudyante at mga guro na tumulong sa kanya upang maniwala ulit sa Diyos na inaakala nya noong wala. Ang pagpasok nya sa Faith Academy ang naging daan upang makilala nya pa ng lubos ang Diyos at magkaroon ng pag-ibig sa Kanya at pananampalataya. ♡︎✨

~~~

This story left a special memory in my mind and heart po. Hindi ko makakalimutan ang saya at comfort na pinaramdam ng storya na ito sa'kin. And I hope na maranasan nyu rin po iyon sa pagbasa nyu nito.

So yun.. hanggang dito nalang po muna, marami pong salamattttt and God bless your heart po!!

SOLI DEO GLORIA! 💜✨

Best Christian Stories in WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon