STORY #4
Title: The Awesome God
Author: Galatians2_20
Status: On-Going
Chapters: --
Language: TagLish
Genre: Spiritual-TeenFiction/MysteryCOMMENT:
Eto matindi rin po ito!!😻 Nadiscover ko po 'to last December 2020, the night bago po ako tumanggap Kay Lord officially ^__^ Bukod po kase sa maganda nyang cover, napukaw rin po nito ang atensyon ko dahil sa kakaiba nyang atake mag-istorya. Bale, nahahati po ito sa tatlong magkakaibang kwento na magkaka-konektado sa isa't-isa. Yung una po ang pinaka matindi dito!!!
Plot: Ang kwento ni Helena, alyas 'Pula' na isang batang may pulang buhok na nakatira sa isang isla na ang pangalan rin ay Isla Pula. (peborit ni otor ang red, ano ba! HAHAHAHA😹) so yun po, kung inyo pong babasahin ito, mamamangha po kayo sa style ng pagkakasulat sa kanya... kase detalyado e, at saka ang sarap rin po mag-imagine habang binabasa nyu sya. About po eto sa isang isla na sinalakay ng mga pirata na kampon ni satanas. Lahat po ng tao roon sa islang yun ay pinagpapa-patay nila, kabilang na ang isang babaeng teacher na naghatid sa buong isla ng Mabuting Balita. She's also a Missionary po, at teacher na nagtuturo sa mga bata roon (including Pula) about sa Lord. Pero may isang kapansanan po sya.... Hindi sya nakakakita.
So basta po parang ganyang yung plot nya. Marami pa po yung twist, pero sa ngayon secret na lang po muna HAHAHAHA ayoko na mangspoil😹 (basta sobrang tindi po nyaa!!)
So yung second story po is about naman sa buhay ni Olivia. --- Kung yung first po is matindi, eto po naman maangas. HAHAHAHA --- Grabe po kase yung story neto eeee huhuq🤧 Dahil rito na-engganyo ako na gumawa rin ng sarili kong journal notebook na puro letters para Kay Lord ang laman... Basta po basahin nyu, at magegets nyu rin kumbakit nasasabi ko 'to. Hahaha.
May scene rin po roon na sobrang grabe ang angas! Memorable yon para sa'kin eee, kase ang ganda talaga ng pagkaka-narrated nya.. mapapaimagine kanalang bigla-bigla. Hahaha. Konting spoil: Muntikan na sanang mabundol si Olivia kaso biglang may isang matikas at makisig na lalaking nakaputi ang biglang sumulpot para iligtas sya. (Ayaaan HAHAHAHA grabe mangspoil noh?😹 pakiscatchtape nalang po bibig ko HAHAHAHA😹 )
So punta naman po tayo sa 3rd and last story... Actually hindi pa po ito completed. Mga nasa 1 chapter palang po ata... So wala pa'kong maikekwento hahahaha Pero ito'y storya naman po nung Teacher slash Missionary na nabigyan ng misyon Ni Lord para ipakilala Sya sa isang isla... ang Isla Pula. (Si Olivia po at sya ay naging magkakilala kaya nasabi kong may connection sa pagitan nung 3 na storya...hehe)
Basta try nyu po basahin! Pramis, di kayo magsisisi. Worth the read and tears pooo (papaiyakin kayo neto sa bandang gitna🤧🔥)
Kung want niyo ng storyang magpapa-inlove sa inyo sa Lord, this is the best story for you! Grabe po ang annointing ng Lord sa author nito!!! GOOSEBUMPS!!!
So yun lamang pooo!!! I hope mabigyan nyu po ito ng tyansa na mabasa at mahalin rin gaya ng pagmamahal ko po rito nung una ko itong nabasa.
Salamat po, and God bless your hearttttt❤️🔥
SOLI DEO GLORIA!❤️✨
![](https://img.wattpad.com/cover/311624098-288-k469489.jpg)
BINABASA MO ANG
Best Christian Stories in Wattpad
No FicciónA compilation of my personal suggestions for the best Christian-Spiritual stories here in Wattpad. Here I will give the: - Title of the Story - Name of the Author (username) - Status Update (Completed or On-going) - Genre (ex. Teen-Fiction) - Langu...