PART 62

170 9 2
                                    

Rory's pov:

nagising ako dahil nagising ako bat ba?

nang imulat ko ang mga mata ko biglang tumama ang sinag nang araw na galing sa veranda kaya daglian ko iyong ipinikit, hinarang ko ang palad sa mukha ko saka dahan dahang nagmulat

kinapa ko ang cellphone ko sa side table at nang tingnan ko ito ay alas otso y medya palang

Himala maaga

Naligo ako saka nagbihis lang, nag shorts ako saka nag tanktop na hapit na hapit sa katawan ko at para diyun masyadong kita nag jacket ako nang pang beach ba saka ako lumabas nang kwarto

Naabutan ko si Melissa na kagigising lang din at hindi pa ito naliligo

"Rory? naligo kana? omg nakakahiya ako" tinakpan nya ang mukha na syang ikinatawa ko

"ano kaba, ako lang to" pagpapatawa ko din kaya napailing sya

"Oh? Si Vince ba asan? dimo pinuntahan sa kwarto nya?" tanong nya at ramdam ko ang pagkawala nang ngiti ko nang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi

agaran kong binalik ang ngiti ko pero diko alam kong natural paba yun "a-ahh mukhang nakababa na ata, maaga nagigising yun eh" tumawa ako kunyari

"ganon ba? at dika nya ginising?" tanong nya, ang daldal naman neto lord

"ah baka ayaw nya akong gisingin" pagpapalusot ko at tumango namn sya

Nang makababa kami agad na sinalubong kami nang staff at inanyayahan na papuntahin sa restaurant dahil andun na daw ang iba

Nang makapasok kami dun, andun nanga silang lahat pati si Vince, diman lang nya ako ginising?

ang aga nila magising ah, kami lang ni Melissa ang nahuli pero kapag natagalan pa ako siguradong ako nalang ang huli nagising

nang matapat ako sa mesa, tumabi si Melissa kay Kevin at ang bakante nalang ay ang tabi ni Vince pero diko alam kong uupo ba ako dun

"Umupo kana Perse, nag iinarte pa" si Kim kaya natatawa nalang akong umupo sa tabi ni Vince, tsk diman lang nya ako pinagbuksan nang upuan, hayst.

"Swimming tayo please? hoyy swimming tayo matapos kumain ah" si Valerie pero di ako nag angat nang tingin

"Kayo nalang, may gagawin pa ako" si Vince saka tumayo at naglakad palabas nang resto

"Anyari dun?" Si Kevin

"may gagawin nga daw" lee

"Princess? is everything okay between you two?" si kuya kaya ngumiti ako

"o-oo naman, s-siguro" hininaan ko lang ang huling linya dahil mukhang di talaga kami okay, i mean obvious namn

Matapos naming kumain, nag aya sina Valerie na maligo, hindi pa ako pumayag nun pero kalaunay nakumbinse lang din


Kim's pov:

"Ano bayan!! Antagal naman magbihis ni perse!!! Hindi na nakakatuwa!" Inis na asik ko dahil inaantay ko talaga sya

"Hoyy maligo kana kasi! isama mo yang bebe mo" ani Valerie, sinulyapan nya si trivor na nakikipaglaro kay Celestia sa buhangin, kasama din nila si Chad at si Matthews.

"dika ba nahihiya dyan ha? Valerie? Ikaw lang ang walang ka bebetaym dyan" aniko habang sinusulyapan sina Kevin at Melissa na may sariling mundo sa paghaharutan

"Anong ako? tingnan mo nga yang si lee oh! may ka moment ba yan? wala naman eh" sagot ni Valerie

Tiningnan ko si lee na sumisisid lang sa ilalim habang naka goggles, Mr. Lonely, hayst.

My Handsome Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon