Kabanata 7 : Bintang
"Anong sinasabi mo?" sabi ni Elle.
"Nasaan ang cellphone mo?" sabi ni Wine saka nito hinanap ang cellphone ni Elle at ng makita ito sa center table napangisi ito saka kinuha iyon.
"Wine, bakit pala ang aga mo dumating?" sabi ni Elle.
Hindi umimik si Wine habang kinakalikot nito ang cellphone ni Elle.
"Wine?" sabi ni Elle.
"Nagchecheck ako baka may scandal ka na." sabi ni Wine.
"Shit! Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Elle.
Napangisi si Wine sabay lapag ng cellphone ni Elle sa center table.
"Iyong Monty? Kailan pa kayo?" sabi ni Wine.
"Ano?" sabi ni Elle na naguguluhan"Wala ka ng mahanap na kalevel mo 'no. Langya! Kung mga lalaki siguro ang marami sa islang ito baka nilapa mo na." sabi ni Wine na ikinapula ng mukha ni Elle saka ito lumapit kay Wine at sinampal ito.
"Ang bastos mo." sabi ni Elle ng masampal nito si Wine.
Hindi nagulat si Wine sa ginawa ni Elle at muli itong nagsalita.
"Nagtatrabaho ako araw-araw, para matustusan ko lahat ng pangangailangan natin. Pero ikaw anong ginagawa mo?" sabi ni Wine.
"Anong ginagawa ko? Hahaha! Hindi mo alam?" sabi ni Elle saka ito tumingin sa paligid."Langya, ano bang kahulugan ng trabaho sa inyong mga lalaki? Ang kumita ng pera?
Tangna! Hindi ba trabaho ang ginagawa naming mga plain housewife? Wine, alas kuwatro gising na ako para linisin itong napakalakaing bahay mo. Naglalaba na ako sa madaling araw pa lang para hindi ako maabutan ng mga ingay, harutan at awayan ng mga anak mo. Pagkagising nila inaasikaso ko na ang onseng anak natin. Nagluluto ako, naglilinis ako, naghuhugas ako. Lahat AKO! Pagod na ako, tapos ganyan ka pa." sabi ni Elle.
"Puro ka reklamo, pareho lang naman tayo ng may ginagawa. At ang masama doon busy ka pero nakukuha mo pang makipagharutan. Makati na ba?" sabi ni Wine at isang malakas na sampal uli ang ibinigay ni Elle.
"Tantanan mo ang kakasalita sa akin ng ganyan, dahil sa atin dalawa ikaw ang nang-iwan. Buweset! Halik lang ang ginawa ko pero parang nangalunya na ako sayo. Punyeta Wine! Nakipagbreak ka sa akin at kaliwa't kanan ang naging babae mo. Kahit alam mong hindi ako sang-ayon sa break up na ikaw lang ang nagdesisyon.
Tangna! One week lang kami ni Shadow, na kung tutuusin dalawang halik lang naman iyon.
Big Deal? Tangna uli! Pero kapag kayong mga lalaki ang lumaspag sa mga bayag niyo hindi big deal dahil PROUD pa kayo." sigaw sa galit na sabi ni Elle.
"Huwag mo akong sigawan, dahil nambabae ako at nakipagrelasyon ako sa iba na wala na tayo at pinaalam ko iyon sayo. Pero ikaw tayong dalawa pero nakuha mong makipagrelasyon sa kaibigan ko na alam mong matagal ng may gusto sayo at alam mong nobya ng pinsan mo." sabi ni Wine na ikinapula ng mukha ni Elle.
"Matagal na iyon, bata pa ako noon. Hindi ka nakikipagkita noon. Alam mong hindi ako sanay na hindi ka makipagkita. Kaya balak kong gumawa ng bagay para pansinin mo ako. Pero natakot ako noon, kaya pinutol ko rin. Biro lang iyon." umiiyak na sabi ni Elle.
BINABASA MO ANG
H3-2 The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)
RomanceDarating ang mga panahon na ang alab ay mawawala sa dalawang pinag-ugnay na kapalaran. All images, photos, lyrics,music are credit to the rightful owners. Date Started : May 24, 2022 Date Ended : June 21, 2022 Original novel by Rose Chua Plagiarism...