29

48 12 24
                                    

Kamumulat lang ng mga mata ko nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Anong oras na ba? Linggo naman ngayon, a. Wala akong trabaho.

“Yakult! May naghahanap sa ʼyo!” malakas na sabi ni Tita Day sa akin.

Basta na lang akong bumangon. Bahala na kung hindi pa ako nagtotoothbrush. Mukhang urgent kasi dahil sa lakas ng tawag ni Tita Day sa akin.

“Sino ba ʼyon? Shopee?” tanong ko naman.

Sabog pa buhok ko dahil nga kababangon ko pa lang. Inaantok pa nga ako, e. Kung shopee ʼto bakit hindi pa nila inabonohan muna. Mga storbo ng tulog.

“Magkano po?” tanong ko nang mabuksan ko ang pinto. Humikab pa ako dahil antok pa talaga ako.

“Bayad na po, Maʼam. I-received na lang po,” sagot sa akin nung rider.

Hinintay ko namang i-abot sa akin iyon. Bakit hindi pa si Tita Day ang nagtanggap wala naman palang bayad. Nababadtrip tuloy ako.

“Okay na po ba? Baka mayroon pang para sa akin na hindi bayad?” tanong ko para sigurado na.

“Okay na, Maʼam!” sagot naman ni Kuyang rider.

Sinara ko na ang pinto at bumalik na ako sa kwarto ko para tingnan kung anong parcel ba ʼto. Hindi ako umoorder nang hindi bayad na. Sinong nagpadala sa akin nito?

“Baka mamaya bomba ʼto...” mahinang sabi ko at dahan-dahang binuksan iyon.

Fragile raw kaya dahan-dahan lang ang pagbubukas ko. Baka mamaya kung ano pala ang laman. Mas mainam na maging maingat.

“Album?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang album ng TXT.

Sht! Dagdag sa collections ko ʼto. Dalawang album ng TXT lang naman ang nakuha ko ngayon. Talagang fragile ʼto dahil sealed album pa talaga ʼto. Kung sino man ang nagpadala nito ay baka mahalikan ko sa buong mukha sa sobrang tuwa ko.

“This is 2k each. Prio album ko pa talaga ang binigay sa akin!” kinikilig ko pang sabi sa sarili ko.

Inopen ko na ang album para tingnan kung sino ang mapupull kong member. I manifested Yeonjun for this album. Nakapikit ako habang hawak ang nakatalikod na PC na nilagay ko na agad sa sleeve para hindi magasgasan. This PC worth 4 digits to 5 digits. Ang mahal nilang mahalin.

“Ahhhh Oh My Gosh!” Gusto kong maiyak nang si Yeonjun nga ang umuwi sa akin. My gosh. Hindi na ako maiinggit sa mga nakikita ko sa tiktok. I pulled Yeonjun. One of the prettiest PC of him.

Binuksan ko ang isa pang album. Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan at ilagay ko sa sleeve ang PC. Kung hindi ka kpop stan, hindi mo alam kung anong pakiramdam tuwing mag uunbox ng ganito.

“Ahhh!!! Beomgyu umuwi rin. BeomJun umuwi. Oh My Gosh! Napakaswerte ko naman talaga!” Halos magwala na ako nang mapull ko ang dalawang main ko sa TXT.

Unknown number is calling.

“Hello?” pagsagot ko sa tawag. Baka kasi mamaya ay importante pala iyon.

[“Did you like it?”] rinig kong sagot sa kabilang linya.

Halos takasan ako ng sarili ko dahil sa boses na narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit anim na buwan kaming walang kahit anong communication ay alam ko pa rin kung sino ʼto.

“Chaze...”

[“Good morning, wife. Itʼs been a while...”]

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko magawang kumibo dahil sa sobrang gulat ko sa biglaan niyang pagpaparamdam sa akin.

I Belong to that Cold Guy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon