15

39 18 0
                                    

Sabay kaming kumain ni Chaze. May room pala siya rito at siya lang mag-isa. Wow! Bakit parang ang daya yata? Solo niya ang room na ʼto kahit na hindi naman siya nakastay rito.

“Eat more, Sab.” Busog na nga ako, e. Kulit ng lelang niya.

“Busog na ako...” mahinang sabi ko naman. Hindi niya na ako pinansin at tinuloy niya na ang pagkain niya.

Wala akong nagawa kundi ubusin ang pagkaing nilagay niya sa plato ko. Ilang minuto pa kaming nagpahinga hanggang sa nagpasya na siyang uuwi na dahil maggagabi na rin. Ako naman ay bumalik na sa room namin ni Dia.

Nahiga ako agad sa kama ko dahil parang wala ako sa mood. Tinatamad akong kumilos at ayaw kong makipag-usap. Nagbabasa lang ako sa GC namin at hinahayaan ko na lang silang magchat. Ewan ko kung bakit nawala ako sa mood.

Sharlotte: Hi mga shanghai.

Stephanie: Hello

Sharlotte: Anong ganap sa inyo mga mars?

Stephanie: I don’t know what’s happening here, sorry.

Buti naman at nagchachat na s’ya. Ka-a-add ko lang sa kanʼya at sinasabi n’yang OP s’ya sa GC namin.

Sharlotte: Ako rin, e, I feel you.

Stephanie: Oww really? Hmm where do you live?

Sharlotte: Well, I live here in Cavite.

“Ate, bakit sila nag-e-english?” reklamo ni Dia sa akin. I just shrugged.

Diamiondel: Waaaahhh spokening dollar kayong lahat.

“Huhu! Ate Sab, tulong!” pati ako idadamay ninyo pa.

Sharlotte: HAHAHA napapalaban sa english, Mars.

Yorinth: Good evening.

Ganda naman ng name nito. Bago lang din yata siya. Hindi ko pa siya nameet dito.

Stephanie: Can you say it to me what is your personality in RW? If you want... If not, it’s okay to me.

Sharlotte: Hoy sagutin ninyo ʼyan HAHAAHHAAHAHA. Thank you for that wonderful question. Huwag seener, Yorinth. Sagutin ninyo ʼyung tanong. Sinimulan ko na nga oh, ikaw naman HAHAHA.

Ang hyper ni Sha. Siya lang yata ang nagdudulot ngayon ng ingay sa GC.

Hairley: Call for Ate Yakult, meron pong spokening dollar here. Wait lang, kailangan ko pa ng help ni google.

Yorinth: Madaldal tapos abnormal gano’n.

Sharlotte: Ako rin HAHAHA.

Lumapag na ako. Nagchat ako pero nag-unsent rin ako agad. Wala talaga akong gana makipag-usap ngayon.

Stephanie: I’m just asking them, Ate Kult.

Sharlotte: My answer is asdfghjkl.

Hairely: In real world, I’m happy outside but depressed inside, friendly, palaging outsider, and also behave rin akong tao, tahimik lang ako, sa chat lang ako maingay.

Napatingin ako kay Hairely nang mabasa ko ang chat niya sa GC. Nagpeace sign siya sa akin. Minsan ko nga lang siyang marinig magsalita, madalas ay nakatutok lang siya sa phone niya at nanonood lang.

Sharlotte: In realworld, I am normal HAHAHAHA.

Ako rin normal. Si Chaze lang naman ang hindi dahil palagi siyang sabog. Pfft.

Yakult: Ako lang ba  talaga inintay ninyong maunang sumagot?

Tanong ko na tinawanan nila. Kasi sumagot na ako kanina. Nakakahiya naman kung walang papansin kay Stephanie. Naghihilian kasi sila.

I Belong to that Cold Guy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon