chapter 40

593 31 5
                                    

Zeign Pov

Napagod ako sa kakatakbo at namalayan kong andito nako sa labas

Tumigil lang ako sandali at nagsimulang umiyak ng mas malakas

tangina Naman eh akala koba okay nako bakit nasasaktan nanaman ako

akala ko ba pag nakita kong okay na si sandro okay na din ako

Masakit padin palang makita syang may kasamang iba

Ang sakit sakit sakittt....

Nagulat Naman ako nung may nag jacket sakin na lalaki agad ko itong tinignan at nakita ko si Felix

"Zeign ayos ka lang ba?bakit may nangaaway ba sayo"nagaalalang tanong ni Felix saakin

"Sasabihin ko sayo mamaya Felix punta Muna tayo don oh,pagod ako"I said at mas kumalma pa

"Sure Sige kaya mo ba?"tanong nya at tanging tango nalang Ang naisagot ko

Agad Naman kaming nagtungo dito sa 7/11

binilihan lang nya ako ng coffee para maalis din yung konting Hilo na nararamdaman ko

andito palagi si Felix para sakin

"Ano ba kaseng nangyari Zeign?"tanong pa ni Felix nung makaupo sa tabi ko

"Felix bakit"tanong kopa na pinipigilan Ang mga luha na pumatak nanaman ulit

Matapang ako eh pero pag dating sayo Sandro hinde ko alam nanghihina ako

"Anong bakit?"tanong nya na naguguluhan

"Bakit kailangan ako lagi yung nasasaktan,bakit kailangan ako lagi yung nahihirapan yung nagtitiis?"I said at agad na nag unahan sa pagbuhos Ang mga luha ko Hinde ko na napigilan Ang sakit sakit kase talaga

"Kase inuuna mo yung iba Zeign,hinde mo iniisip yung sarili mo laging iba yung inuuna mo"Felix said at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa aking mata gamit Ang daliri nya

"Felix ang sakit sakit dito oh bakit palaging ganito?"I said at tinuro pa yung puso ko para kong dinudurog

"Shh Zeign tamana,maawa ka Naman sa sarili mo"

"Ang sakit sakit na Felix,alam mo yun yung kaya ko magpasaya ng ibang tao pero yung sarili ko Hinde ko mapasaya"I said at mas lalo pang umiyak dapat ba ako Yung laging nasasaktan

"Zeign mahal kita sobra ayokong nakikita kang nahihirapan"

"Felix salamat ha,kase lagi kang andyan pero hinde ko talaga kaya,ayokong gamitin ka para makalimot ng ibang tao, pinipilit ko naman eh pero hinde ko talaga kaya"I said pinipilit kong mahalin si Felix kase sya yung laging nandyan pero parang unfair Naman kung pipiliin kolang sya dahil naawa ako at sya yung laging nandyan diba

"May Mali ba sakin Zeign?may kulang ba?may pangit ba?sabihin mo babaguhin ko"Felix said na alam kong pinipigilan nya yung iyak nya

"Felix Wala,walang Mali sayo walang kulang sayo walang pangit nasakin yung Mali kase hinde ko kayang suklian yung pagmamahal mo"tugon kopa

"Zeign ayokong nakikita kang nasasaktan kaya kung hinde mo talaga kaya pasensya na tatanggapin ko magiging masaya ako para sayo"aniya at ngumiti ng pilit nasasaktan ako para Kay Felix pero hinde ko talaga kaya

"Pero eto Ang tatandaan mo kapag nasaktan ka uli andito ako nandito ako palagi mahal na mahal kita"dagdag nya pa

Agad Naman nya kong hinatid sa bahay namin at umuwi narin sya

Andito lang ako ngayon sa garden namin dalawa lang kami ni grace dito dahil Ang daddy ay nasa manila

Tulog nadin si grace,okay nayun kesa makita nya na umiiyak at nasasaktan nanaman yung ate nya

Ayokong nakikita nila kong nahihirapan

Okay na yung ako nalang....

habang nakatingin ako sa malayo ay agad na nagunahan nanamang bumagsak Ang mga luha ko

Bakit ba hinde ako napapagod sa kakaiyak

Dapat masaya ako eh

Kase may makakatulong na Kay Sandro

Magiging okay na sila ng mommy nya

Pero bakit ganito

Pinipilit kong kalimutan kung ano Ang meron tayong dalawa noon,pero bigo ako,dahil bilanggo parin ako ng pagmamahal mo Sandro...

hinde ko namamalayan at nakaupo napala si manang merly sa tabi ko

sya yung parang kasambahay dito,matagal narin daw syang nagtratrabaho Kay daddy

"Nako Zeign oh tubig ayos ka lang ba"Manang merly said at agad na inabot sakin yung isang baso ng tubig

"Ah opo hehe"pagkukunyare kopa

"Nako ayos lang Ang umiyak,hinde mo kailangan itago sakin yang pag iyak mo Sige ilabas mo halika nga rito"aniya at agad akong niyakap Ang sarap ng yakap nya para akong nagkaroon ng nanay

"Ang sakit sakit napo kase manang eh"I said at umiyak pa sa balikat nya

"Psh balang araw maiintindihan mo kung bakit yan nangyayari,walang binibigay Ang dyos na problema kung hinde kaya,tandaan mo mas malawak Ang langit kesa sa lupa"aniya at hinawakan Ang mga kamay ko at nginitian ako

"Salamat po manang ah"

"Nako maliit na bagay dati nung kasama ko din yung anak ko ako din Ang nagpapatahan sakanya"aniya pero bakas ang lungkot sa tono ng pananalita nya

"Asan na po ba yung anak nyo?"chismosang tanong kopa

"Ayun galit sakin,kase habang ako nagaalaga ng ibang bata sya nasa mga Tita nya mahirap din Naman talaga kase ito isipin mo ha nagaalala ka ng ibang bata pero yung sarili mong anak hinde mo maalagaan"aniya at naramdaman ko Ang bigat ng nararamdaman nya Ang sakit din pala ng pinagdadaanan nya pero mas naunanya pakong patahanin at pasayahin kesa sa sarili nya

"Ayus lang po yan magiging okay den po lahat,alam kong balang araw maiintindihan din ng anak ninyo na ginawa nyo yun para sakanya"I said at nginitian sya

"Salamat iha ha"

"Nako Wala po yun"

"Osya malalim na Ang gabi matulog na tayo"aniya at agad Naman kaming pumasok sa loob para matulog may trabaho padin kase ako bukas.....

In another life(Sandro Marcos)Where stories live. Discover now