ano sabi mo?

1.2K 69 35
                                    



dedicated to you ..hehhe kasi Unni-chan mo ako hehehe...and you inspired me kasi eh salamat dongmouto hehhe (mix for Yo dong sae and imuouto)



May malaki akong crush kay Keifer Sy siya yung lalaki na sobrang cool na baka ang yelo ay lalamig pa lalo dahil sa kanya..

Bakit ko nasabi na cool siya??

Kasi he's on the top list of the class, ang ganda pa ng boses niya, plus MVP siya sa basketball, kaya nga campus crush material diba? Lahat ng babae papangarapin na boyfriend siya..

Lalo na sa isang babae na nangangalan na Nelsi Carson, heheh ako yun, number one fan ni keif.

Pero one little info about keif is that lahat na nag confess sa kanya ay hindi niya pinakinggan..

As In LITERALLY hindi niya pinakinggan , dahil naka headphones siya palagi, ewan ko ba kung anong music ang pinakinggan niya or sadyang trip trip lang, basta hindi niya tinatanggal ang headphones niya ,maliban na lang kung klase at practice nila sa basket..

Kaya kung may magcoconfess sa kanya ang sasabihin niya palagi na parang mamemorize mo na lang ay "ano sabi mo?"

Kaya ayun, nagiging kawawa ang mga babae..

Well kung nalulungkot sila ako hindi. Kasi advantage yun eh, minsan nga kapag katabi ko siya at naka headphone. Sinasabihan ko siya ng 'Keif I love you'

Heheheh tapang ko no? kasi naman alam ko na hindi naman niya ito maririnig . heheh at proven and tested yan na wala siyang narinig.

Pero meron din mga times na , minsan gusto ko na talagang sabihin kay keif ang lahat na gusto ko sabihin, pero hindi ko magawa eh kasi, ang headphone na yun ay naging pader sa pagitan namin..




1 week before ng aming graduation, nandito kami ng mga kabarkada ko sa isa sa mga puno sa school grounds , nag uusap lang kami kasi wala namn kami ginagawa palibhasa mga graduating na..

Lahat sila excited sa graduation, well except ako kasi magkakahiwalay na kami ni keif, boohoo! T,T

Habang naguusap ang mga kaibigan ko, bigla na lang napunta ang usapan sa akin..

"Uie! Nels dba malapit na tayo grumaduate, hindi mo na yan makikita ang prince keif mo."

Sabi ni Bianca

"So ano ngayon? That's life naman eh"

"Asus! Si nels patapang tapangan act, but deep inside pala lumuluha na"

Sabat naman ni tin

"Hindi no?, ok lang naman na magkahiwalay kami ni keif, kasi nagkasama na man din kami nang matagal"

"Hmm, oo nga nagkasama na kayo matagal ngunit status niyo hindi pa rin umusbong, mabuti pa yung gas parati nagiiba ng presyo, while kayong dalawa forever classmate lang"

Komento ni carly

"Aish! Ano ba naman kayo, hindi naman problema yun"

'"Aha! Alam ko na nels, bakit hindi ka na lang magtapat kay keif ngayon. Total last week niyo na , so sabihin mo na ang nararamdaman mo. Baka malay mo may mangyari na himala at magkatuluyan kayo"

Biro ni Bianca

"Ano?! Ayoko nga! Kahiya!"

'"Hiya ka diyan! Oi Alam naman namin minsan na nagnanakaw ka ng I love you kay keif, kapag katabi mo siya! ano pang ikinahiya mo, magtatapat ka lang naman."

Paliwanag ni carly

"Eh kahit na! ayoko!" >___<

"Sige na nels!, gawin mo na, sige ka kapag hindi mo nasabi yan sasakit ang puso mo o pagsisihan mo yan balang araw, kaya gawin mo na."

Ano sabi mo? (Earphones love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon